Kabanata 27

995 79 4
                                    

The aftermath of their steaming s*x is so fuvking fantastic. He is still in heaven at ayaw pa niyang bumaba mula roon..isang satisfied na ngisi ang hindi mabura-bura sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang nahihimbing pa rin na dalaga.

Nakadapa ito habang natutulog. Lantad ang kalahati ng mahubog nitong likuran at hindi na naman niya mapigilan na hindi pag-initan habang pabalik-balik na nagrireplay sa isip niya ang pinagsaluhan nila ng dalaga.

Marahan na dumapo sa balikat nito ang likod ng palad niya. May kung ano kakuntentuhan siya nararamdaman pagkatapos ng pinagsaluhan nila ng dalaga. Tila may pinunan ito sa pagkatao niya.

She make him completed and contented.

Damn!

Napukaw siya ng makarinig siya ng galabog.

Maliwanag na sa labas at wala siya ideya kung anong ingay iyun. Muli nakarinig siya ng galabog at nagmumula iyun sa labas. Nahihimbing pa rin ang dalaga kaya maingat na bumangon siya upang alamin kung anong ingay iyun.

Tinungo niya ang balkonahe ng silid niya. Agad na sumalubong sa kanya ang pang-umagang hangin at kakaiba ang lamig na bumalot sa kanya.

Mabigat sa pakiramdam. Pakiramdam niya sobrang lamig ng hangin.

Napakislot siya ng makarinig ng tila singasing mula sa isang mabagsik na hayop at natuon ang atensyon niya sa may kakahuyan. Tila ba roon nagmumula ang ingay na iyun. Napaigtad siya ng tila may umalog sa isang puno at nagsihulugan ang mga dahon niyun.

Saka lang niya natanto na pigil-pigil na pala niya ang hininga. Hindi siya dapat mabahala o matakot dahil sigurado ligtas siya at saka umagang-umaga!

"Pumasok ka na sa loob,Gabrielle"

Napaigtad siya sa pagkagulat ng marinig ang sinabi ng dalaga na hindi niya namalayan na gising na pala.

Nang malingunan niya ito. Malikot ang mga mata nito at mukhang alertong-alerto gaya ng mapansin niya rin kahapon.

Muli siya napabaling sa kakahuyan ng marinig ang kaluskos ng mga sanga.

Mabigat pa rin ang pakiramdam niya at nagsisitayuan na din ang balahibo niya sa lamig.

"Gusto ko ng kape,babe.."pukaw sa kanya ng dalaga na may ngiti sa mga labi nito.

Bumaling siya rito at niyakap ito.

"Okay. Sobrang lamig ngayon,"saad niya habang nakayakap pa rin rito.

"Susunod ako,maliligo lang ako,"malambing nitong sabi.

"Sabay na tayo,"pilyo niyang sabi.

"Okay..ipagtimpla mo muna ako ng kape,please?"

"Alright..basta sabay tayo maligo,"aniya na kinailing nito.

Agad naman siya bumaba upang ipagtimpla ito ng kape at natigilan siya ng maalala na hindi naman ito nagkakape. Iyun ang isang bagay na napansin niya rito. Sa tuwing umaga na magkasama sila. Hindi pa niya ito nakitang uminom ng kape.

Naipilig niya ang leeg. Marahil napakape na ito dahil nga malamig ang umaga ngayon.

Hindi rin naman nagtagal ay bitbit na niya ang kape nito pabalik sa silid niya at nang makapasok siya sa loob. Wala roon ang dalaga.

Naliligo na ba ito?

Agad na tinungo niya ang banyo pero wala naman roon ang dalaga.

May kung anong kaba at pagtataka ng umusbong sa dibdib at isip niya.

Saan naman iyun nagpunta?

Hindi naman ito bumaba?

Umihip ang hangin mula sa balkonahe niya. Inilapag niya muna ang bitbit na tasa sa side table at tila may nauudyok na pumunta siya roon.

"Hessah?! Babe?!"pagtawag niya rito habang papalapit sa balkonahe niya.

Nang makarating siya sa metal na barilies ay dumungaw siya. Hindi niya alam kung bakit wala ang dalaga sa silid niya.

Nagsisimula na siyang tubuan ng kaba at pangamba ng hindi makita ang dalaga.

"Hessah?!"malakas niyang pagtawag rito.

Babalik na sana siya sa loob ng silid niya upang bumaba ng makita ang dalaga na lumabas sa may kakahuyan.

Nanlalaki ang mga mata na napabalik siya at dumungaw pababa.

"Hessah?!"

May sasabihin pa sana siya ng makita ang kulay pulang likido na tumutulo sa braso nito at tila lomobo ang ulo niya kaya hindi na siya nag-isip pa ng talunin niya balkonahe pababa. Hindi naman iyun kataasan pero kung mahina ka malamang masasaktan ka talaga.

Ngunit dahil sa adrenaline rush niya hindi niya alintana ang ginawa niya. Mabilis na nilapitan niya ang dalaga na nabigla naman sa ginawa niya.

"Shit! What the hell happen to you? Bakit dumudugo ang braso mo?!"tila nagpapanik na niyang untag rito.

Napakabilis ng tibok ng puso niya.

"Nahagip lang ako ng nakausling kahoy,"sagot nito sa kalmanteng tono na tila ba balewala lang rito ang nagdudugo nitong braso.

"Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka nasugatan?!"

Inilapat nito ang palad sa tapat ng puso niya at ang pag-aalala niya rito ay nahaluan ng inis dahil tila ba wala man lang ito pakielam sa sarili nito.

Hinawakan niya ang pulso nito at marahas na inalis iyun sa dibdib niya na hindi nito inaasahan.

"Hindi ito ang oras para pakalmahin mo ako dahil naiinis talaga ako na parang wala kang pakielam sa sarili mo!"sigaw niya rito.

Mariin ang hawak niya sa pulsuhan nito na tila roon niya binubunton ang galit at inis niya rito.

"Daplis lang naman ito,babe.."malambing nitong sabi.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Daplis? Tignan mo nga yan kung daplis lang yan! Ang daming dugo !"galit na galit na niyang sabi rito.

"Huwag ka ng magalit..gagamutin ko na lang,"kalmado pa rin nitong sabi na hindi niya mapaniwalaan.

Okay,Gabrielle..kumalma ka din.

Mariin niyang ipinikit ang mga kasabay ng paghugot niya ng malalim na hangin.

"Okay..at ipapaliwanag mo sakin kung bakit ka nandito,"kalmado na niyang turan pero sa mariin na tono.

Nakangiti na tumango naman agad ito.

"Hindi ko maintindihan kung bakit parang balewala lang sayo ito,"bulalas niya habang papasok sila sa bahay niya.

Nginisihan siya nito. "Nakalimutan mo ata ako. Bago ako naging bodyguard. Matinding training ang pinagdaanan ko at malakas ang immunity ko pagdating sa ganitong sakit at sugat,"may pagmamalaki nitong sagot sa kanya.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi niya alam pero parang may mali. May kung anong katanungan na namumuo sa isip niya at hindi lamang niya mahagilap iyun sa utak niya.

"Alright..pero ipapaliwanag mo pa rin sakin kung bakit ka nanggaling sa may kakahuyan at saka saan ka dumaan? Tumalon ka sa balkonahe? Bakit? Ano--"natigil siya sa sunod-sunod na pagtatanong rito ng halikan siya ng dalaga.

"Sasagutin ko yan mga tanong mo pagkatapos kong linisin itong sugat ko,okay?!"untag nito sa kanya.

Mabilis naman ito nakaakyat sa kwarto niya at hindi na siya sumunod rito dahil naguguluhan talaga siya. Hindi niya alam kung bakit ?

Nang maramdaman ang pagkirot ng ugat sa sentido niya marahas siyang napabuga ng hangin at hinilot ang gitnang parte ng nuo niya.

Masakit sa ulo.

Masakit din sa ulo ang pinaggagawa ni Hessah.

Masanay ka na lalo pa at hindi lang siya basta babae! Hindi siya naging bodyguard mo kung mahina klaseng babae lamang siya,Gabrielle.

Yeah,right.

Hessah is one of a kind.

Strong and tough woman...and amazing.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon