Kabanata 33

913 79 9
                                    

Kalmante man ang anyo ni Hessah ramdam na ramdam ng lahat ang galit at panganib mula sa kanya. Nasa loob sila ng headquarter kung saan tinitipon niya ang mga tauhan ng Red Security Agency para sa isang mahalagang pagpupulong o plano.

Napag-alaman niya na ang bampirang lalaking iyun na muntikan ng sumagasa kay Gabrielle na nangangalang Ansel Vreto ay ang bampirang hinahunting nila Simon.

Naikuyom niya ang mga palad. Alam niyang hindi basta-basta ang Ansel na yun dahil mahusay itong makipaglaban.

"Dapat hindi na natin hinayaan pa makawala satin,boss,"untag sa kanya ni Simon.

Kani-kanina lang ay naimporma siya na may limang inosenteng tao na naman ang nabiktima. Kung hindi lamang kumikilos ang tauhan ni Miad na isa din boss ng SRA malamang naalarma na ang buong mundo sa pangyayaring ito.

Ang kaibigan at kasosyo niyang si Miad ay siya tagalinis ng kalat ng mga pasaway na bampira. Samantala siya naman ang nagpapakawala ng tauhan para manghunting at magtalaga na magbabantay sa buong paligid habang ang isa naman nila kaibigan at kasosyo din sa SRA na si Amjad ay nakatuon sa usapin medisina. Ito ang gumagawa ng potion nila magkakaibigan upang manatiling hindi maging sakim sa dugo ng mga tao at ito din ang nagturo sa kanila pagdating sa panghihipnotismo ng tao pero limitado lang sa kanila ni Miad dahil hindi pinahintulutan ni Amjad na ibahagi nito sa kanila ang mas higit na magagawa nila bukod sa panghihipnotismo. Ito na mismo ang siyang gagawa dahil expertise nito iyun pagdating sa siyensya.

"Makikipaglaro muna tayo sa kanya at lalo na sa Rowena iyun.."matalim ang mga mata saad niya.

"Alerto na sila,Boss.."si Simon.

Bumaling siya rito. Gumapang ang isang ngisi sa mga labi niya na kanina lamang ay mariin na nakatikom.

"Siguro nga..pero hindi niya ko matatakasan,"aniya sabay pakita rito ang isang gadget kung saan may nagbiblink na kulay pula sa maliit na screen roon. Isang tracking device.

Agad na napangisi ang sekretaryo niya at ang iba pang naroroon.

"Deym! Bakit ba nakalimutan kong genious ka nga pala!"manghang-mangha nitong bulalas.

Inikutan niya ito ng mga mata na kinatawa nito. "Wala kang tiwala sa boss mo,"masama ang tingin na sabi niya rito.

Napangiwi ito. "Hindi naman,boss! Nabahala lang ako kasi ito ang unang beses na makahawak tayo ng ganitong case. Sobrang lala ng ginagawa niya! Kahit batang walang kamuwang-muwang binibiktima niya!"mahihimigan ang galit sa tono nito habang sinasabi iyun.

Walang kapatawaran ang pangbibiktima nito sa mga inosenteng bata kaya sisiguruduhin niya na hindi ito makakawala sa kanya.

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa gadget at pagkaraan ibinigay niya ito kay Simon na agad naman nito tinanggap.

"Huwag mo lang hayaan na maramdaman ka niya. Keep eye on him habang hindi pa kami nakakabalik rito ni Gabrielle mula sa probinsya niya,"turan niya rito.

"Noted,boss..exciting ito!"turan nito.

Napailing siya. Hindi talaga ito takot na mapahamak at talagang pursigido itong iganti ang mga mabibiktima ng Ansel na yun.

Bumaling naman siya sa mga pinatawag niya sa pagtitipon ito. "Itatalaga ko ang ilan sa inyo na magbantay sa bahay ni Gabrielle at ang iba naman ay isasama ko at ang iba naman kay Simon,maasahan ko ba ang serbisyo niyo?"maawtoridad na sabi niya sa mga ito.

Sabay-sabay na sumagot ang mga ito sa kanya.

"Maasahan niyo ang aming mahusay na pagseserbisyo,Boss!"saad ng mga ito.

Tinanguan niya ang mga ito. "Mabuti. Maghanda kayo sa posibleng mangyari habang nasa misyon ang lahat!"malakas na saad niya at muli itong sabay-sabay na sumagot sa kaniya.

"Boss!"pagsunod sa kanya ni Simon. Nasa labas na siya ng headquarter para umuwi na sa bahay ni Gabrielle. Nagpaalam lang siya rito na pinatawag siya sa opisina para sa report niya sa trabaho.

Agad naman niya nilingon si Simon.

"Bakit,Simon?"

"Uh,may sasabihin sana ako eh,"naalangan nitong sabi na kinakunot niya ng noo.

"Sabihin mo na,Simon,"mariin niyang udyok rito.

Nagbuga muna ito ng hangin. "Ano,kasi,boss..problema eh,"naalangan na naman nitong turan.

Pinag-ekis niya ang mga braso sa harapan at tinaasan ito ng isang kilay. Kilala siya nito kapag nasa ganun ayos na siya. Ayaw niya ng paliguy-ligoy pa.

"Damn! Boss! Nagkakagusto na ata ako sa isang babae!"mabilis nitong sabi sabay yuko. Tila ba nahihiya na ipakita ang mukha nito sa kanya.

Ang nakataas niyang kilay ay unting-unti bumaba at umangat ang isang sulok ng mga labi niya.

"Sa isang tao?"

Nakayuko pa rin ito na tumango. Mas lalo lumaki ang pagkakangisi niya.

"Kawawang babae,"saad niya na kinaangat ng mukha nito.

Namumula ito!

Natawa tuloy siya dahil pulang-pula ito.

"Oh Simon,nagbablush ka!"panunukso niya rito.

"Boss naman eh!"asar nitong tugon sabay sama ng tingin sa kanya.

Muli siya tumawa at tinapik ito sa balikat.

"Seriously, Simon..alam mo kung ano ang tama at anong gagawin sa bagay na yan. Pangunahan ka man ng sinasabi ng puso mo.."umangat ang kamay niya gilid ng ulo nito at marahan tinapik-tapik iyun. "..kailangan mo pa rin gamitin ang utak mo kung ayaw mong masaktan siya at masaktan ka..hindi madali satin ang magkagusto sa hindi natin kauri,Simon..nakakatakot."seryoso niyang sabi.

Oo,iyun ang nararamdaman niya. Takot. Takot na katakutan siya ni Gabrielle sa oras na malaman nito kung anong klase siyang nilalang.

Bumuga siya ng hangin at nginisihan muli si Simon. "Pero minsan pagbigyan mo din ang sarili mo na maranasan na maging masaya...sa piling ng isang tao na nagpapatibok ng puso mo,"saad niya.

Muli niya tinapik ito sa balikat. "Huwag mo lang hayaan na masaktan siya...alam mo yan. Mahina ang damdamin ng mga tao kaysa satin,"dagdag pa niya sabay talikod na rito.

"Mahal mo na ba siya?"bigla nitong tanong na siyang kinahinto niya sa tangkang pagbukas ng pintuan ng kotse niya.

Mahal na nga ba niya si Gabrielle?

Alam mo ang sagot,bampira..untag ng isip niya.

"Natatakot ka ba na masaktan ka sa huli?"muli nitong pagtatanong.

Naikuyom niya ang mga palad sabay harap muli rito.

"Oo,Simon..nakakatakot,"saad niya.

"Nakakatakot naman talaga magmahal lalo na at hindi naman natin kauri,"mapait niyang saad.

Tatanggapin na lamang niya ang posibleng mangyari sa oras na magkaalaman na sila ni Gabrielle.

Hindi naman siguro hahantong siya sa punto na magagalit siya sa sarili kung bakit naging isang bampira pa siya.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon