Kabanata 48

794 59 1
                                    

Kasing-alab ng apoy ang galit niya ng makita ang itsura ni Gabrielle. Duguan ang noo nito at namimilipit sa sakit.

Magbabayad sa kanya ang Ansel na ito sa pananakit nito kay Gabrielle!

"You pissed off,baby...dahil sa mahinang lalaki na yan kaya mong ibuwis ang buhay mo? "May pang-iinsulto sabi nito sa kanya.

Nanatiling malamig at walang emosyon ang mukha niya.

"Ano bang meron sa lalaking ito at nababaliw kayo sa kanya?!"sabi nito sabay dampot nito sa binata na napadaing sa sakit.

Pinigilan lamang ni Hessah na sugurin ito dahil hindi niya itataya ang buhay ng kasintahan kapag nagpadalos-dalos siya. Mariin niya ikinuyom ang mga palad.

"Dahil sa mahinang ito kung bakit hanggan ngayon hindi pa nagigising si Rowena! May lason na kumakalat sa katawan niya!"puno ng galit nitong sabi na hindi pa rin binibitawan ang binata mula sa pagkakasabunot nito sa buhok ng binata.

Lason?

Nanlilisik ang mga mata nito na tumingin sa kanya ang lalaki. "Masakit sakin na makita ang babaeng pinapahalagahan mo na unti-unti pinapatay ng walang kalaban-laban,"nag-aapoy sa galit ang mga mata nitong sabi.

"Kung hindi siya baliw na habol ng habol sa taong yan hindi yun mangyayari sa kanya...bakit mo sinisisi samin ang nangyayari sa kanya?"malamig niyang sabi.

Bagay lang sa baliw na yun ang nangyari rito!

"Oo nga naman,"anito sabay tawa na tila baliw at naging matalim ang tingin sa kanya.

"Hindi naman kayo madadamay kung hindi ka dumating sa buhay ng taong ito...kitam mo ngayon, kasalanan niya kung bakit namatay ang Lola niya,"nakangisi nitong sabi.

"Oo..at pagbabayaran mo yun,"tiimbagang niyang sabi.

Malakas na tumawa ang lalaki at binalya nito ang binata na kinabigla niya. Malakas na tumama ang binata sa pader at lupaypay na ito bumagsak sa sahig.

"Gabrielle!!!"

Umalingawngaw ang angil mula sa kanya at walang kurap na sinugod niya ito.

"Papatayin kita!!"puno ng poot at galit niyang sabi habang inaatake ang lalaki.

"Aww,I'm ready to die with your hands,baby..."panunuya nito sa kanya.

Bawat atake niya ay natatapatan niya pero hindi niya hahayaan na malamangan siya nito!

Bawat balya ng katawan nila ay aatake muli sila sa isa't-isa. Mapanabay na bumagsak sila sa sahig mula sa ere.

"Mmm..lalo ako ginaganahan dahil magaling ka,"nakangisi nitong sabi.

Nanlisik ang mga mata niya rito. Ginagawa nitong laro ang paglalaban nila.

Tumindig siya at muli ito inatake. Ang ayaw niya sa lahat ang marami pang satsat.

Mabilis na nasasangga nito ang mga binibitawan niyang suntok at kalmot pero may pagkakataon na tinatamaan ito gaya ng pagtama ng sipa niya sa dibdib nito dahilan upang malakas itong tumama sa pader. Gumawa iyun ng crack ng tumama ang katawan nito roon.

Tumatawang tumindig ang lalaki ng makabawi ito. Pinahid nito ang dugo sa gilid ng bibig nito.

"Ako naman!"anito sabay atake sa kanya.

Agad na inihanda niya ang sarili mula sa atake nito. Aminado siya na malakas at mahusay ito makipaglaban. Gayunpaman,hindi siya magpapatalo rito.

Tumama ang atake nito sa kanya dahilan upang mapaatras siya pero bago pa siya makabawi muli ito umatake.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon