Kabanata 2

1.3K 85 1
                                    

Swabeng na naiparada ni Hessah ang mamahalin niyang motorbike sa parking lane na laan para sa kanya sa tapat ng gusali ng Red Security Agency. Isang lehitimong ahensya na tinatag nilang magkakaibigan na sina,Miad at Amjad. Ilang dekada na din ang nasabing ahensya noon una ay lihim pa lamang ito na nagsimula noon hindi pa nagaganap ang world war 11 sa pilipinas. Iyun ang panahon kung saan nagsimula sila magkakaibigan na mamuhay na tila mga normal na tao at lisanin ang totoong mundo na pinagmulan nila.

Agad na tinangay ng hangin ang may kahabaan niyang buhok na kasing itim ng gabi. Nakapusod iyun pataas kaya lalo nadepina ang angkin na kagandahan niya at kita ang isang marka ng tattoo. Saviour,nakasulat iyun sa letrang Alibata. Ang unang abakada noong unang panahon na napadpad sila sa pilipinas. Ang salitang iyun ay mula sa isang kaibigan. Ang nag-iisang tao na hinayaan niyang maging malapit sa kanya. Ang babaeng niligtas niya noon mula sa kauri niya limang dekada na ang nakakalipas.

Ang tanging tao nakakaalam kung ano siya at may mga tulad niya nabubuhay sa mundong ito. Nagkahiwalay lamang sila at di na nagkita ng kinailangan na niyang lumipat ng ibang lugar. Sa isang tulad niya na hindi nagbabago ang pisikal na anyo na nanatiling bata ay kailangan niyang mag-iba lugar upang hindi siya pagtakhan ng mga tao nakakahalubilo niya kaya naman hindi na niya alam kung buhay pa ba ang kaibigan na si Veronica. Larawan nila ng babae ang tanging alaala niya habang buhat nito ang anak nito na sanggol pa lamang noon.

"Boss," pagsulpot ng isang lalaki sa tabi niya habang papasok ng gusali. Agad na sinalubong siya ng pagbati ng mga empleyado nila. Aakalain mo lahat ng mga ito ay puro tao pero sila lamang mga magkakauri ang nakakaalam niyun. Walang kaalam-alam ang mga purong tao na empleyado nila na mga katrabaho ng mga ito ay hindi nila kauri..na isang mga bampira.

"May bago po tayong kliyente,nasa tanggapan mo na siya," untag ng lalaki na siyang sekretaryo niya.

"Ito ba yung nangangailangan ng personal na bodyguard ng isang kilalang modelo?"

Agad na tumango ito. "Yes,boss!"

Huminto sila sa private elevator na tanging sila lamang magkakaibigan ang gumagamit. Magkahiwalay ang palapag ng opisina nila kung saan sila tumatanggap ng kliyente para sa isang proposal. Ang private elevator na iyun ay para lamang sa palapag kung saan silang tatlong magkakaibigan lang ang pwedeng umakyat. Bawat isa sa kanila tatlo ay may kanyang-kanya private suite.

"Ikaw na muna  umasikaso,mabilis lang ako.." habilin niya rito bago siya sumakay na sa elevator.

Bumukas ang elevator sa isang napakalawak na sala. Dinampot niya ang isang maliit na remote at itinutok iyun pataas. Ilan sandali pa ay unting-unti bumukas ang kisame at naging salamin na ang kisame ngayon kung saan kita ang maaliwalas na kalangitan.

Ang mga uri nila na may dugong bughaw ay hindi natatablan ng pagkapaso sa araw kaysa sa normal lang na bampira.

Hinubad niya ang suot na kulay itim na leather jacket at sinunod ang kulay pulang sports sando. Inilugay niya ang mahabang buhok. Tinahak niya ang kinaroroonan ng isang pintuan kung saan may malawak na silid at sa gitna niyun ang isang malapad na kama.

Tinungo niya ang isang closet at namili ng susuotin. Napili niya ang isang business suit upang mas pani-paniwala na isa siyang disenteng may-ari ng ahensya.

Napangisi siya ng makuntento sa hitsura niya. Isang simple pero magandang boss na siya ngayon. Tila isang dalaga na walang nililihim na ibang katauhan.

Bago niya lisanin ang malaking closet niya ay nahagip ng mga mata niya ang isang kwadradong picture frame.

Dinampot niya iyun. Napangiti siya.

Ang larawan nila ng kanyang kaibigan.

"Kamusta ka na kaya,Veronica?"usal niya habang nakatitig sa lumang larawan nila ng kaibigan na noon pa ay black and white pa ang camera.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon