Gumuhit ang isang ngisi sa mga labi ni Hessah habang pinakikiramdaman si Gabrielle. Hindi niya makalimutan ang reaksyon nito na malaman na siya ang magiging bodyguard at P.A nito.
Why?
Dahil alam nilang pareho may kung anong nag-uugnay sa kanila. Isang mainit na koneksyon ng magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Kitang-kita niya sa abuhin mga mata ng binata ang pagsiklab ng kung ano habang nakatitig ito sa kanya.
He desire her. Yes,she make him hot and..hard.
Mahinang pagtawa ang kumawala sa mga labi niya. Isinandal niya ang ulo at ipinikit ang mga mata sa kinauupuan sofa. Nasa salas siya at doon niya balak na magpalipas ng gabi. Hinintay niya ang binata dahil sinabihan siya ng manager nito na ngayon ang dating nito at...base sa naging reaksyon nitong mukhang alanganin.
But he desire you,vampire.
Nakapikit pa rin ang mga mata niya ng magpakawala siya ng hininga. Hindi siya dumilat ng ilang sandali pa ay narinig niya ang paglabas ng lalaki sa silid nito. Nanatili siya sa ganun ayos hanggang maramdaman niya na tumigil ito sa harapan niya.
"You're not going home?"
Dahan-dahan idinilat niya ang mga mata. Agad na nagtagpo ang mga mata nila. Nakatunghay ito sa kanya habang nakaekis ang mga braso nito sa harapan.
"I'm your bodyguard,remember,so..i stay here,"tugon niya na nanatiling sa ganun pa rin ayos.
"You sleep here,then.."suplado nitong turan sabay talikod sa kanya at pumasok na muli sa silid nito.
"Ang cute ng apo mo,Veronica..well,inaanak ko rin pala siya,"aniya na dinugtungan niya ng maikling pagtawa saka muling ipinikit ang mga mata.
Maaga siya nagising kinabukasan gaya ng nakasanayan niya. Bumaba siya ng building upang magjogging. Nadatnan niya na may kausap ang lalaki. Nasa salas ito nakaupo sa sofa patalikod sa kanya. Nanatili siya sa nakasarang pintuan at tahimik na sumandal doon. Abala ito sa kausap kaya hindi na nito siguro narinig ang pagdating niya.
"Seriously? Bakit babae ang kinuha mo,alam mong hindi komportable sakin na may babae na malapit sakin,"sita nito sa kausap.
Napataas siya ng kilay. Seryoso ba ito? Sa kinalakhan nito at sa gwapo nito paniguradong marami itong naging babae!
"Pumayag ako sa bodyguard na gusto mo pero..not a woman!"mariin nitong sabi.
Marahas nito sinuklay ang magulo na nitong buhok. Frustrated na frustrated talaga ito.
Maya-maya pa ay tinapos na nito ang tawag pero hindi nabago ang mood nito.
"This is crazy,"angil nito sa kawalan.
"Ayaw mo pa rin ba sakin?"
Natigilan ito at marahas na nilingon siya.
Nanatili siya nakasandal sa pintuan habang nakahalukipkip.
"Okay lang kung ayaw mo sakin pero kailangan ko ang tiwala mo,Mr.Tress.."
Nagtiimbagang ito. Tumayo ito na may seryosong anyo paharap sa kanya.
"You are woman. How can you prove that you can protect me from my crazy stalker huh?"kutya nito sa kanya.
Ngumisi siya rito at hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang pagdaan ng pagkamangha at init na dumaan sa mga mata nito.
"Your manager told me na marunong ka ng self-defense, wanna try me?"panghahamon niya rito.
Naningkit ang mga mata nito.
"Sa tingin mo kahit babae ka hindi kita papatulan?"
Natawa siya sa sinabi nito at bahagya natigilan ang lalaki roon pero agad din nakabawi at nasa mukha na nito ang pagkainsulto sa pagtawa niya.
"You want me to prove that i can protect you..so,try me,then?"
Lalo nanliit ang suplado nitong mga mata.
"Right,sa rooftop tayo.."
Lumaki ang ngisi sa mga labi niya.
Hmm,mukhang siya lang ang mag-eenjoy.
Why?
Alam niya kaya ayaw nito sa kanya dahil ayaw nito sa nararamdaman nito sa kanya. Naaapektuhan niya ang binata sa isang bagay na marahil ay hindi nito matanggap.
That he's going crazy over her.
So confident,Vampire!
Totoo naman yun. Hindi siya nabuhay ng matagal sa mundo ng mga para hindi malaman àng mga emosyon ng mga ito.
She can see them and feel them. Physically and emotionally.
Isang bagay lang ang ayaw niyang panghimasukan ang..mentally ng mga tao. She need to respect their privacy dahil siya ay may malaking lihim na ayaw niya malaman ninuman.
Umihip ang pang-umagang hangin habang magkaharap sila ng binata. Tinanggal niya kanina ang suot na jacket kaya sports bra na lamang ang suot niya na katerno ng jogger niya.
Lihim siya nasisiyahan ng makita ang naging reaksyon ng lalaki. Panay ang lunok nito at pinipilit na ipokus ang atensyon sa mukha niya.
"So..sino mauuna aatake satin dalawa?"
Naningkit ang mga mata nito.
"First lady,"seryoso nitong sabi.
Ngumisi siya. "Okay,"hindi pa nakakakurap ang lalaki ng bigla na lamang niya ito atakehin.
Nabigla ang binata sa mabilis niyang atake. Nanlaki ang mga mata nito at umawang ang mga labi nito dahil ang nasa mukha na nito na gahibla lang ang layo ang kamao niya.
Nginisihan niya ang binata at muling umatake. Mukhang natauhan na ito pero huli na ang lahat ng tumama na ang siko niya sa dibdib nito at napaigik ito at napaatras habang sapo-sapo ang tinamaan dibdib.
Galit ang mga mata nito na nag-angat ng tingin sa kanya.
"Una sa lahat maging alerto pangalawa pokus,Mr.Tress,"aniya sabay atake muli rito.
Nasasangga na nito ang binibitawan niyang suntok pero napapasinghap ito sa tuwing tumatama ang mga bakat nila.
Easy-han mo lang,Vampire. Baka nakakalimutan mo triple ang lakas mo sa kanya!
Huling atake na pumaikot ang mga braso niya sa leegan nito at sukol na niya ang humihingal na lalaki.
"Babae nga ko pero hindi naman kami mahina tulad ng tingin mo,Mr.Tress,"pabulong niyang saad sa tapat ng tainga nito.
Nanigas ang katawan nito at nakita niya ang pagtatayuan ng mga balahibo nito sa batok. Tense na tense ang buo nitong katawan.
Ganun ito kaapektado sa kanya!
"Shit,let me go now!"may galit nitong sabi.
May ngisi na pinakawalan niya ito.
Masama ang tingin nito sa kanya.
Inilahad niya ang kamay sa harapan nito.
"I'm hired now?"
Naningkit ang mga mata nito at sumulyap sa nakalahad niyang kamay.
"Make sure na maayos ang magiging trabaho mo and be invicible,"suplado nitong saad sabay talikod sa kanya na hindi man nag-abalang abutin ang nakalahad niyang kamay.
So ungentleman..and rude.
Idinaan na lang niya sa pagtawa ang inakto ng lalaki.
"Mag-eenjoy ako na kasama ka,mahal kong apo,"usal niya sa hangin.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...