Kabanata 11

1.1K 80 8
                                    

Kanina pa sinusundan ni Hessah ng tingin ang dalawang nag-uusap. Ang binatang si Gabrielle at ang isang may edad na babae. Base sa naririnig niya mukhang lilipat dito ang binata.

May palagay siya na baka naaawa na ito sa kanya dahil sa salas lang siya natutulog.

Huwag muna assuming,bampira.

"Pumili ka ng kwarto mo na gusto mo,"untag nito sa kanya pagkaraan mag-usap ang mga ito.

Naiwan sila roon ng binata matapos makapagpirma ito.

"Pwedeng magtanong?"

"What?"

"Bakit naisipan mo lumipat dito?"

Naningkit ang mga mata nito. Heto na naman ang ekspresyon nito na gustong-gusto niya. Namamangha siya sa tuwing dumidilim ang kulay abo nitong mga mata at ang pagsasalubong ng makakapal nitong kilay.

"Bakit mo tinatanong?"maaskad nitong sabi.

Nagkibit siya ng balikat. "Just curious,"balewala niyang tugon.

"Tss,"reak nito sabay talikod sa kanya.

"May apat na kwarto mamili ka na lang,"sabi nito sabay punta sa kwarto na sa tingin niya na napili nito.

Napangisi siya. Kahit hindi nito iyun sagutin alam naman niya ang sagot.

He's concern about her..kahit lagi ito iritado at inis sa kanya.

May koneksyon sila hindi lamang nito iyun kayang aminin sa sarili basta siya mismo nakita pa lamang niya ito sa larawan. Alam niyang magugustuhan niya ito.

Sa kaliwang pintuan na katabi na napili nito ang pinili niya. Tama lang para sa isang tao na gagamit. Well,hindi naman niya kailangan ng malaking kwarto. Oo,may magara at moderno ang silid niya pero lagi naman siya nasa labas para manghunting ng mga nightwalker.

Agad na pumihit siya palingon ng maramdaman ang binata sa nakabukas na pintuan.

"Okay na ko dito at mas mainam na malapit sayo,"aniya.

"Ikaw ang bahala. Let's go now,magkikita pa kami ni Alex,"anito sabay talikod sa kanya.

Napabuga siya ng hangin. Hindi niya maaaring pigilan ang binata sa gusto nitong gawin kahit may nakakabahalang stalker ito. Dapat siya magdobleng alerto kapag nasa isang publiko ito. Mahirap na hanggang ngayon pinapahanap pa niya kay Samu el ang stalker nito.

"Sa labas ka na maghintay,"agad na sabi nito ng makarating sila sa tagpuan ng magkaibigan.

Tinanaw niya ang nasa harapan na establisyemento.

Dinig niya ang ingay ng tugtugin sa loob at ng mga boses mula sa mga tao na nasa loob niyun. Ibinalik niya ang mga mata sa binata na mukhang kanina pang naghihintay sa magiging sagot niya.

"Sasama ako sa loob,Sir.."

Agad na nagsalubong ang mga kilay nito.

"Dito na,sigurado naman wala magbabanta sakin rito,"disgusto nitong sabi .

"Sir,bodyguard mo ako..sa lahat ng oras kailangan nasa malapit lang ako,"aniya.

"Hessah,I'm your boss here,sumunod ka na lang,"suplado nito sa kanya.

Nakipagtagisan siya ng titig rito. "Hindi ako magbabantay ng malapit sayo,kailangan makita pa rin kita kahit malayo ako sayo at iyang ang trabaho ko,Sir.."

"Hindi ka marunong makinig sa amo mo,"mariin nitomg sabi.

Nginisihan niya ito at tila natigagal naman roon ang binata.

"Hindi lahat ng inuutos ng amo kailangan sundin,Sir. Sa kaso mo kailangan ko masiguro na ligtas ka,"mariin niyang sabi.

Napatitig na naman sa kanya ang mga mata nito.

"So,Sir..?"

Saka lang ito natauhan sa pagtawag niya rito. Tumikhim ito at balewala na tumindig sa harapan nito.

"Alright and make sure hindi mo ako pakikielaman sa loob,naiintindihan mo?"

"Okay,Sir..,"

Napailing na lang siya ng basta na lang siya nitong talikuran at pumasok na sa loob ng bar.

Sana nga lang may makausap siya habang hinihintay ang binata.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon