Kabanata 16

1.1K 86 5
                                    

Gabrielle give his best cool move when it comes to play his favorite sports. The golf course. Bata pa lamang siya nahilig na siya sa paglalaro niya niyun at naimpluwensyahan niya roon ang kaibigan si Alex kaya kapag may oras sila pareho iyun ang bonding time nila bukod sa pagpunta sa bar.

Isang sipol ang pinakawalan ng kaibigan si Alex. "Walang kupas talaga galing mo sa paggo-golf,"puri nito sa kanya na nginisihan niya. Agad na hinanap ng mga mata niya ang bodyguard niya si Hessah.

Nakasilong ito sa ilalim ng isang puno at nakatanaw sa kanya.

"May kakaiba sa inyo dalawa,"untag sa kanya ni Alex na nagpabaling ng tingin niya rito.

"Huh?"aniya sabay hakbang upang tunguhin ang kinaroonan ng golf ball. Sinabayan siya nito at nagpatuloy sa pag-usisa.

"Yung tingininan niyong dalawa. Umamin ka nga,Dudes. May something na ba sa inyo dalawa ng amasona mong bodyguard?"

Agad na sinamaan niya ito ng tingin sa huling sinabi nito.

"Bakit?"nagtataka nitong turan sa inakto niyang iyun.

"Don't call her like that. Kasalanan mo naman kasi saka trabaho lang niya protektahan niya ko kaya niya nagawa yun sayo,"pagtatanggol niya kay Hessah.

Hell,malala na talaga siya at nahuhumaling na nga siya tuluyan sa babaeng yun!

Umingos ito. "Hindi ko makakalimutan yun,Dudes. Wala pang babae nanakit sakin!"

Napailing siya. Alam niyang nasaktan ang ego nito bilang lalaki.

"Oo na..gusto mo magsorry siya sayo ulit?"

Nilingon nito si Hessah. "Huwag,ayos na ko basta gampanan lang niya trabaho niya sayo..okay na ko dun,"anito.

"Ang sweet mo naman,"panunudyo niya rito.

Sinuntok siya nito ng mahina sa braso.

"Gago!"mura nito sa kanya na kinatawa niya ng malakas.

Habang naglalakad sila nakasabay sa kanila ng mabagal ang isang golf cart. Babae ang nagmamaneho na yun at nakauniporme ito.

"Sumakay ka na,pawis na pawis ka na,dudes!"untag niya kay Alex.

Hindi naman ito nag-atubili at sumakay nga sa likuran ng babae na siyang nagmamaniobra niyun.

"Hi,Miss! Matagal ka na nagtatarabaho dito?"agad na pagkuha nito sa atensyon ng babae.

Natatakluban ng puting bullcap ang ulo nito na may tatak ng pangalan ng Golf Club na kinaroroonan nila.

Maikli ang buhok ng babae na umabot hanggang balikat nito. Kulay mais ang buhok nito at sa palagay niya natural ang kulay niyun. Nakajacket pa nga ito ng puti din.

Hindi ba ito naiinitan?

Sinulyapan niya si Alex. Nakangisi ito na tila natipuhan ang babae nasa unahan nito. Napailing na lang siya at binilisan na ang paglakad. Medyo mainit na sa balat ang araw.

Agad na sinalubong siya ni Hessah ng makabalik sila mula sa dulong bahagi ng golf field. Nilingon niya ang Golf Cart. Lumiko ito at nanatili nakasakay roon si Alex.

Siraulo talaga mukhang natipuhan talaga nito ang babae.

Nang ibalik niya ang mga mata kay Hessah. Nakatanaw ito sa papalayong cart na iyun.

"Mukhang kakaibiganin niya yung nagmamaneho ng Cart,"untag niya rito.

Agad na binalik nito ang tingin sa kanya at tumango pero napuna niya ang seryoso nitong anyo.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon