Nahinto sa pagpasok sa entrada ng Red Agency building si Hessah ng makita si Miad.
Napailing siya ng matanto ang suot nito. Her unusual getup. Ituturing sila bilyonaryo sa buong mundo kahit hindi iyun alam ng kahit sino sa hitsura ngayon ng kaibigan.
Mukha itong gusgusin. Not literally. Mahilig ito magsuot ng mga mumurahin damit yung nabibili sa ukay-ukay at kahit sobrang luma na ay sinusuot pa rin nito gaya na lamang ng suot nito ngayon. Isang oversize tshirt na kulay puti ang suot nito at kahit malayo ito mula sa gusali na pag-aari nila ay paniguradong may tastas at butas-butas na ang suot nito. Gaya na lang shorts nito puro tastas na din sa dulo. Nakatsinelas ito ngayon. Kadalasan,nakayapak lang ang lukang kaibigan.
Mabilis na tinungo niya ito sa kinauupuan nito. Sa isang pandalawahan bench. Highway ang kaharap niyun kaya tumawid pa siya.
Napapailing na lang siya dahil hindi alintana rito na pinagtitinginan ito ng mga dumadaan. May nagtataka at namamangha dahil sino ba hindi. Sa kabila ng mukha itong pulubi napakaganda nito. Mala-dyosang ganda!
Napakaswerte nila nilalang dahil hindi sila napupuksa ng sinag ng araw. Iyun ang bagay na pinagpapasalamat nila bilang may dugong bughaw.
"Namamalimos ka ba?"untag niya rito ng makaupo siya sa tabi nito.
Nginisihan siya nito at naglahad ng palad sa kanya.
"Palimos po,pangyosi lang,ate!"anito.
Sinamaan niya ito ng tingin at napahagikhik ito.
"Nabubuang ka na naman,"iiling-iling niya sabi.
Muli ito humagikhik. "Namiss ko lang tumambay dito,"anito.
"Sabihin mo hinihintay mo dito yung forever mo kamo,"aniya.
Ngumisi ito at tumitig sa unahan.
"May karapatan ba tayong umibig?"saad nito pagkaraan.
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko din alam. Basta kapag gusto mo ang isang tao hayaan mo lang iparamdam iyun sa kanya lalo na kung pareho naman kayo ng nararamdaman,"tugon niya rito.
Napabaling ito sa kanya at tila hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
"What?"untag niya rito.
"Is that you,Hessah? Don't tell me may nagugustuhan ka na ngayon?"mangha nitong turan.
Binaling niya sa unahan ang paningin. "Malakas ang koneksyon namin dalawa..I'm in heat over him at ganun din siya sakin,"saad niya.
Napasinghap ito. "Seryoso,ghorl? Sino naman yang malas na lalaki na yan ha? Shete naman oh,ilang araw lang ba ako nawala at may lovelife ka na?!"bulalas nito na kinailing niya.
Natawa siya sa sinabi nito at tumayo na. May importante lamang siya pipirmahan kaya dumaan muna siya ng Agency nila bago niya puntahan si Gabrielle. Nagpaalam naman siya rito na tatanghaliin siya ng dating hindi naman siya nababahala na baka may mangyari rito habang wala siya dahil may inutusan siya sa isa sa mga empleyado niya bantayan ito na hindi nito nalalaman. Nasa bagong bahay lamang ang lalaki. Pahinga nito dahil weekend.
"May pipirmahan lang ako sa opisina,hindi ka ba aakyat?"tanong niya rito.
Sinimangutan siya nito. "Change topic,sino nga?"
Napabuga siya ng hangin. "Binabantayan ko,si Gabrielle,"agad na nahagip ng mga mata niya ang billboard nito at tinuro iyun na agad naman nito sinundan ng tingin.
"Shete! Ang hot naman! Ikaw ha! Bantay-salakay ka,aray naman!"daing nito ng hilahin niya ang buhok nito.
"Baliw ka,"sabi niya rito na kinahagikhik nito.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...