Kabanata 30

928 74 2
                                    

Gusto ng matapos ni Gabrielle ang photoshoot niya. He want to be with Hessah. Nag-ikot-ikot kasi ito kaya kanina pa siya hindi mapalagay. Kasulukuyan,shinoshoot nila ang huling photoshoot niya bago ang hinihingi niyang bakasyon at nasasabik na nga siya na makita muli ang kanyang Mama at ang Lola Veronica niya. Hindi nga niya pinaalam sa mga ito na uuwi siya ng bulacan.

"Gab..nagkaproblema sa system..break ka muna sa tent mo,"untag sa kanya ng photographer niya.

Napabuga siya ng hangin. Akala pa naman niya maaga sila matatapos.

Tsk.

Gusto mo lang kasi solohin si Hessah..

Agad na nilapitan niya ang manager niya upang sabihan ito na hahanapin lang niya si Hessah. Nasa isang field area sila. Doon ang setting ng photoshoot niya kaya tanaw ang lawak ng lugar.

Hindi niya mahanap ang dalaga.

"Saan kaya nagpunta yun? Sabing huwag lalayo eh,"bulalas niya habang patuloy sa paghahanap sa dalaga.

Sinabihan nga niya ito na huwag ito lalayo. Madali naman ito makikita pero hindi mahagilap ng mga mata niya bulto nito bukod sa mga puno at talahib.

Pinuntahan na rin niya ang mga nakaparadang mga sasakyan sa gilid ng kalsada pero wala ito roon. Naglakad-lakad at panay lingon kung saan-saan.

Marahas na napabuga si Gabrielle. Ito ang pinakaayaw niya.

Kapag hindi niya ito nakikita bukod sa mabilis niya ito mamiss ay nakakaramdam siya ng pag-aalala para rito.

Frustrated na tangka niyang kukunin ang celpon niya pero iniwan nga pala niya iyun sa loob ng tent niya. Mas lalo tuloy siya nakaramdam ng frustrasyon.

Kinalma niya ang sarili. Sinabihan na niya ang sarili na magiging in-control na siya pagdating kay Hessah.

Unti-unti tinatanggap na ng sistema niya na hinahayaan na niyang pumasok sa buhay niya ang dalaga kahit na walang label ang relasyon nila.

Nagpasya na siyang bumalik. Nasa tent ang celpon niya kaya doon siya pupunta pero habang naglalakad siya sa gilid ng kalsada nakarinig siya ng ugong ng sasakyan pero hindi niya iyun pinansin nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ngayon lang niya napansin  na napalayo na pala siya sa pinanggalingan niya.

Papalapit na ng papalapit ang sasakyan iyun ng may nag-uudyok sa kanya na lingunin iyun pero ganun na lamang ang pagkabigla niya ng siya ang tinutumpok ng kulay itim na kotse. Nasa gilid siya ng kalsada natulos dahil sigurado siya na sasagasaan siya ng kotseng iyun.

Mabilis ang takbo ng kotse. Tila ba walang pakielam na may masasagasaan ang nagnamaneho niyun.

Agad na nagising ang adrenaline rush niya. Mabilis ang kilos na iiwasan niya ito pero sinundan siya ng kotse.

What the fuvk?!

Tìla eksperto sa pagkontrol ng nagmamaneho iyun sa kotse dahil siya talaga ang tutumpukin nito kaya tumakbo na siya. Mabilis na takbo at bumibilis din ang kotse na sumusunod sa kanya.

Shit!

Malapit na siya sa nakaparadang kotse ng silawin siya ng ilaw niyun ng lingunin niya ang sumusunod na kotse. Pagkakamali na nilingon niya pa iyun. Nahinto siya sa pag-iwas dito kung nagbigay iyun ng pagkakataon upang gawin ang pakay ng kotseng iyun sa kanya.

Mamatay na ba siya?

Pero ayaw pa niya?!

Halos isang pulgada na lang ang agwat ng unahan ng kotse sa kanya ng bigla na lang may bultong sumulpot. Malakas na napasinghap siya ng maunawaan ang nangyari.

Malakas na tumama sila ng kung sinuman iyun sa gilid ng puting Van dahilan upang mag-Alarm yun. Nanlalaki ang mga mata ng makita na si Hessah iyun at sinangga nito ang unahan ng kotse gamit ang likuran nito.

Halos huminto sa pagtibok ang puso niya sa nakita niyang pagligtas sa kanya ni Hessah.

"Ayos ka lang ba?"tanong nito na tila ba hindi ito nasaktan sa pagbangga ng kotse.

Lumipat ang nanlalaki at gulantang na mga mata niya sa likuran nito.

Yupi ang unahan ng kotse. Agad na bumalik ang mga mata niya sa dalaga. Dumoble ang gulat sa mga mata niya ng makitang na tila bang hindi nasaktan ang dalaga. Na wala itong iniinda.

Nang mahanap na niya ang sariling boses saka naman umatras ang sasakyan at paharurot iyun umusad ng paatras bago pa man siya makapagsalita mabilis na sinundan iyun ni Hessah na kinatigagal niya.

Imposible.

Wala sa sarili si Gabrielle ng lapitan siya ng mga kasama niya sa shoot. Lahat nag-alala ng makita ng mga ito ang pagharurot ng kotse.

"Ayos ka lang ba?! Nasaktan ka ba?! Tumawag kayo ng ambulansya!"nagpapanik na sabi ng manager niya.

Nanatili nakaupo sa kalsada si Gabrielle. Tila nawalan siya ng lakas na makatayo sa pangyayari iyun. Shock na shock siya lalo na ang masaksihan ang ginawang pagligtas ni Hessah sa kanya.

Sigurado siya na nasaktan ito. Hindi mayuyupi ang unahan ng kotse iyun kung hindi iyun bumangga sa katawan ng dalaga..pero...pero...

Napakaimposible na magiging ganun ang impact ng kotse kung babangga iyun sa maliit at petite na katawan ni Hessah?

Napakaimposible niyun?!

Maliban na lang kung yupi na ang unahan ng kotse bago pa iyun tumama kay Hessah pero..sigurado naman siya na wala pa iyun habang sinusundan siya ng kotseng iyun.

"Gabrielle?"pagtapik sa kanya ng manager niya sa pisngi niya na siyang nagpabalik sa kanya.

"S-si Hessah?"halos pabulong niyang usal.

"Hinahanap ko nga si Hessah. Hindi niya nagampanan ang trabaho niya na bantayan ka!"galit na sagot nito sa kanya.

Hindi ba nakita ng mga ito si Hessah?

"Siya ang nagligtas sakin,"tuliro niyang sabi.

Nagsalubong ang mga kilay ng manager niya.

"Hindi namin siya nakita,Gabrielle..wala siya rito,"tugon nito. "Sisitahin ko talaga siya. Muntikan ka na mabangga ng kotseng yun ah!"

Nanghihina na napatitig na lamang siya sa unahan kung saan nagkakagulo ang mga kasama nila.

Hindi na rin niya nakita kung saan nagpunta ang dalaga.

Naguguluhan siya.

Ano ba nangyari?

Paano nangyari iyun?

Nasaan si Hessah?

Nasaktan ba ito?

Saka lang unti-unti nagsink in sa utak ni Gabrielle ang pangyayari.

"Tawagan mo si Hessah! Gusto ko malaman kung ayos lang siya,"bulalas niya sa nabiglang manager niya.

"Call her now!"

"Calm down,okay? Tinatawagan ko na nga,"gulat pa rin turan nito sa kanya.

Mariin na naikuyom niya ang mga palad.

"Damn it,Hessah..."usal niya habang nag-uunahan na nagsalit-salit sa dibdib niya ang galit,pangamba at takot para sa dalaga.

Bigla na lang ito nawala na parang bula!

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon