Maligalig ang katawan lupa ni Gabrielle habang nakapikit ang mga mata.
Humihingal na binuksan ni Gabrielle ang isang pintuan para lamang matigagal ng masilayan ang dalawang tao na nababalutan ng kulay pulang likido.
Duguan ang mga ito. Malalaki ang hakbang na nilapitan ni Gabrielle ang mga ito.
"H-hindi..M-mama!"halos paos na usal ni Gabrielle .
Ganun din ang kanyang Lola Veronica.
"H-hindi!"
Tulirong nakatitig sa duguan katawan ng kanyang mahal sa buhay.
Wala sa sarili na pinagmasdan ang sarili mga kamay na nababalot ng dugo.
Nahigit ang hininga ng balutin siya ng napakalamig na pakiramdam.
Isang bulto ang sumulpot sa nakabukas na pintuan.
May mainit na likido ang dumampi sa mga pisngi ni Gabrielle.
"H-hessah..."
Noon lang napuna ni Gabrielle na duguan din ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ng binata kasabay ng pag-awang ng mga labi niya ng mapansin ang kakaibang anyo nito.
Hindi iyun si Hessah. Nakakatakot. Tila ba isa itong nakakatakot na halimaw.
"H-hessah.."
Marahas na napabalikwas si Gabrielle mula sa pagkakahiga niya sa kama.
Humihingal at pawisan. Agad na nilingon ang katabi ngunit wala na roon ang dalaga.
Marahas na napahilamos si Gabrielle sa kanyang mukha.
Shit.
Napakapanget na panaginip!
Ilang katok ang pumukaw sa binata kaya agad ito bumaba ng kama at tinungo ang pintuan upang pagbuksan ang nasa likod niyun.
"Magandang umaga,Sir...nasa dining area na po sila Ma'am Geneva at ang Lola niyo,"inporma ng isang kasambahay.
"Salamat,uh,si Hessah?"
"Hindi ko po nakita,Sir.."
Tumango si Gabrielle. "Sige,salamat.."
Marahil naglibot sa labas ang dalaga na ugali na nitong gawin.
Nang maisara ang pintuan nahigit ni Gabrielle ang hininga ng makita ang dalaga na nakahalukipkip habang nakasandal sa gilid ng sliding door sa may balkonahe.
"Hey.."kunot ang noo saad ng binata.
"Good morning,"nakangiti nito bati.
"Saan ka galing?"kunot pa rin ang noo turan ni Gabrielle.
"Ang ganda dito,"sagot nito.
Nilapitan ni Gabrielle ang dalaga at hinila ito upang yakapin.
Nilanghap ang balat nito sa may leegan nito. Her skin is so cold pero hindi na niya tatanungin kung bakit dahil baka mula sa paglilibot din nito sa labas kaya malamig lalo ang balat nito.
Suminghap siya muli sa balat nito at humigpit ang pagkakayakap rito.
"What's wrong?"tanong nito.
"I'm having a bad dream,"anas ni Gabrielle sa balat ng dalaga.
Dahan-dahan na kumawala sa pagkakayakap ang dalaga kay Gabrielle.
"Anong napanaginipan mo?"tanong ng dalaga. Mababakas ang kaseryosohan sa maganda nitong mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/206313380-288-k308681.jpg)
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampiroHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...