Sinamahan ni Gabrielle ang kanyang Lola Veronica sa Hardin kung saan araw-araw ito roon nagbibilad ng araw sa umaga. Sumaglit ang kanyang ina sa Farm upang icheck ang pag-aani ng mga buko.
Tahimik lamang ang abuela niya samantala siya ay nakatutok naman sa hawak na celpon. Inaupdate siya ng kanyang manager tungkol sa kinuha nitong bodyguard para sa kanya at ayon rito nakakuha na raw ito at makikilala niya sa oras na magbalik na siya ng Manila.
"Apo..."
Agad na ibinaling niya ang atensyon sa matanda. Nilapag niya ang hawak na celpon sa pabilog na mesa na nasa harapan niya at nilapitan ito.
Nakaluhod ang isang tuhod niya sa may gilid nito.
"Ano po yun,Lola?"
Agad na napatingin siya sa hawak nito. Madilaw na kwadrado ang hugis.
"Siya ang aking kaibigan," saad ng abuela.
Isang lumang larawan pala iyun. Marahil iyun ang sinabi ng kanyang ina na minsan nitong nakita.
Umuklo siya para makita niya iyun. Nasa may kandungan ng abuela ang mga kulubot nito kamay hawak ang lumang larawan.
Maganda ang kanyang Lola Veronica. Sa larawan,kipkip nito sa kanan braso ang isang sanggol na sigurado siya na ang kanyang ina iyun.
Natatakpan ng hinlalaki ng abuela ang mukha ng katabi nitong babae.
"You are beautiful,Lola.." saad niya.
Wala reaksyon ang matanda. Hinahaplos nito ang larawan hanggang sa masilayan niya ang mukha ng babae katabi nito sa larawan.
Walang kurap ang mga mata niya na nakatitig siya roon. Luma man na ang larawan hindi maikakaila na napakaganda ng babae. She's look so exotic. Madidilim ang mga mata nito. Morena ito at mahaba ang buhok. May kung ano sa mga mata nito na nagpatibok sa puso niya ng ubod ng bilis .
Natakpan muli ang mukha ng babae. Doon lang nakalma siya. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla naging ganun ang reaksyon ng sistema niya.
Namamangha siyang tunay sa angkin ganda ng babae.
"She's your friend,'La..."untag niya sa abuela.
"Napakaganda niya..hindi iyun magbabago kahit magunaw man ang mundo," saad nito.
Ang mahiwagang salita na patungkol sa kaibigan nito.
"Alam niyo pa rin ba ang pangalan niya?"
"Hessah.."
"Ako po,Lola? Tandaan niyo pa pangalan ko?" pagbibiro niya sa Abuela.
Sumulyap ito sa kanya.
"Sa oras na magkita muli kami...masaya akong tuluyan mamahinga," saad nito.
Bigla tuloy nawala ang saya niya na biruin ito dahiL sa sinabi ng abuela.
Lihim siyang napabuga ng hangin. Kung gayun ang mangyayari...well,selfish siya. Hindi na muna sana magkita ang mga ito kahit na imposible na mangyari iyun. Matatanda na ang mga ito.
Hinawakan niya ang kulubot na kamay nito. Maingat na pinisil niya iyun.
"Magpalakas pa kayo,'La...gusto ko pa kayo makasama ng matagal," sabi niya rito kahit na nakatitig na ito sa kawalan.
Pinatakan na lamang niya ng halik ang gilid ng ulo nito.
Tatanggapin naman niya kung kailangan na nitong mamahinga na pero sana hindi ganun kabilis ngayon mananatili na muna siya rito sa pinas.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampiroHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...