Kabanata 31

899 74 8
                                    

Hindi hahayaan ni Hessah na hindi mahuli ang gusto pumatay kay Gabrielle. Mabuti na lamang ay pabalik na siya mula sa paglilibot niya sa paligid ng matanaw ang isang itim na kotse na tila sumusunod kay Gabrielle na naglalakad sa gilid ng sasakyan.

Marahil ay hinahanap siya nito kaya nasa lugar na iyun ang binata.

Napaangil si Hessah ng maalala ang nangyari. Segundo lang ang pagitan sigurado siya na katapusan na ni Gabrielle dahil pakay talaga ng may-ari ng kotse iyun ay patayin ang binata.

Mas lalo naging determinado na mahuli ni Hessah ang may-ari ng kotse na mabilis na humaharurot.

Tila ba hangin sa bilis ng paghabol ni Hessah rito hanggang sa walang takot na nilundag ni Hessah ang unahan ng kotse.

Nanlilisik ang mga mata niya kahit hindi niya nakikita ang nasa loob niyun sigurado siya na makikita nito ang bangis ng kanyang mukha.

Naging agresibo naman ang nagmamaneho. Pinagewang-gewang nito ang kotse upang sa ganoon ay maihulog siya nito pero hindi siya mahina para magtagumpay ito.

Ang nakakuyom niyang kanan palad ay binuka niya at itinaas sa ere. Ang mga kuko niya ay humaba at tumulis. Buong pwersa na binasag niyun ang salamin ng kotse.

Nagpupuyos sa galit ang buo niyang pagkatao. Anytime soon sigurado siya na magpapalit siya sa anyong bampira niya.

Malakas na napasinghap ang nasa loob ng kotse ng tuluyan iyun mabasag. Nawalan ng kontrol ang nasa manobela. Mabilis na hinugot niya ang nasa likod ng manobela at buong pwersa na binalibag ito palabas ng kotse na wala na sa tamang direksyon. Bago pa man iyun tumama sa isang puno agad na lumundag si Hessah at hindi pa man nakakabawi ang bulto na nasa kalsada ay agad na hinablot ito ng dalaga at malakas na binalya sa katawan ng isang puno.

Napaigik ang ang sukol-sukol na niyang gusto pumatay kay Gabrielle.

Napasingasing ang dalaga ng matanto na isang bampira pala ito.

Agad na nagbago ang kulay ng mga mata niya. Mas naging madilim. Ang kulay puti parte ng kanyang mata ay naging kulay itim na. Her fangs show up now!

"I'll kill you.."mapanganib at mabangis na singasing niya sa lalaking bampira.

Natatakpan ng mahaba nitong buhok ang kabuoan ng mukha nito.

Pumalag ang lalaking bampira ng unti-unti niyang hinigpitan ang pagsakal sa leeg nito gamit lang ang isang kamay. Ang matatalas at matulis niyang kuko ay bumabaon na sa balat nito.

Hinding-hindi niya hahayaan na mabuhay ang isang ito!

Hindi niya inaasahan na isang malakas na klase ang bampira kaya nagawa nitong makawala sa kanya pagkakasakal rito. Bumaon ang matulis din nitong daliri sa braso niya ng buong lakas na alisin ang braso niya sa pagkakasakal niya rito.

Agad na sinugod siya nito ng makawala ito. Naging alerto naman siya kahit may pagkakataon na natatamaan siya ng atake nito.

Mahusay itong makipaglaban. Natatapatan nito ang bawat atake niya. Napaigik siya ng tumama siya sa isang puno ng masukol siya nito pero agad din siya nakawala ng sipain niya ito kaya napaatras ito.

Ang mga sanga at puno na tumatama sa kanila ay siyang patunay na hindi ordinaryo ang lakas na meron sila.

"Hindi ka pa kita dapat papatayin ngayon pero sinira mo ang kotse ko!"bulalas nito.

Nginisihan niya ito. Pareho sila nasa pag-atake ng posisyon. Doon niya nasilayan ang mukha ng bampira.

Gwapo ang lalaki. Kulay pula ang mga mata nito.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon