SPECIAL CHAPTER

80 4 1
                                    


Rosendall's POV

Bakit kailangan manipulahin ako? Bakit kailangan ko laging higitan ang expectations ng lahat? Sariling katawan ko pero iba ang nagdidikta na gawin ito.

"Rosendall!" umalingawngaw sa buong bahay ang boses ni Mommy.

Nagsimulang manginig ang kamay ko at mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko magawa.

Napapikit ako ng marinig ang padabog na pag-bukas ng pinto sa aking kwarto.

"Wala ka pa ring nagagawa! You're fvcking useless!" ramdam ko ang hapdi sa mukha ko dahil sa sampal. Napamulat ako at pinahiran ang luha na tumulo.

Nakita ko si Mommy na galit na galit na nakatingin sa akin.

"Momm—"

"Queen!"

"Q-queen, kaibigan ko siya..." nanginginig na sambit ko.

"Hindi mo pa rin maintindihan kung bakit ko ginagawa 'to?!" nag-aapoy sa galit na sabi nito.

"Ipapaalala ko sayo... Ang tatay ng kaibigan mong yan ang dahilan kung bakit namatay ang Kuya mo, siya ang nakasagasa sa kapatid mo pero hindi niya pinagbayaran 'yun... Kung bakit wala kang ng kapatid. Tandaan mo! Your brother needs a justice." dinuro ako nito sa ulo at paulit-ulit na ginawa 'yon. Napapikit ako.

Tuwing may palpak ako ito ang nangyayari. Hanggang kailan namin pagbabayarin sila? Namuo ulit ang galit sa akin ng maalala ng Kuya ko na nag-aagaw buhay sa hospital. Ako ang kasama niya. Sa huling pagkakataon ay iniligtas niya nanaman ako. Palagi naman. Sa tuwing nagagalit sa akin si Mommy dahil ako nababalingan ng init ng ulo kapag nambababae si Daddy.

I hate my life.

Nilisan ni Mommy ang kwarto at napasandal ako sa head board ng kama ko at napabaluktot, yakap-yakap ko ang tuhod ko at binaon ko ang mukha sa aking tuhod.

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa bigat ng nararamdaman ko.

Lumabas ako at tinungo ang kusina namin. Uminom ako ng tubig dahil sa pagtuyo ng lalamunan ko kakaiyak.

Naibagsak ko ang baso ng makita ko si Daddy at ang katulong naming kaedaran lang ni Mommy na naghahalikan at naghahagikhikan. Napalingon sila sa gawi ko dahil sa basong umangalingawngaw sa buong bahay.

"R-rosen..." tawag ni Daddy sa akin.

Habang ako gulat pa rin. Kahit kailan hindi ko nakita na nambabae si Daddy o may ibang kasamang babae dahil ayoko makita kung gaano kagulo at kawasak ang pamilya namin.

Parang tinarakan ako ng punyal na makita ko at ang katulong pa.

Nagngitngit ako sa galit at lumapit sa kanila. Sinampal ko ng malakas ang katulong namin at lumapit kay Daddy at pinag-susuntok ko sa dibdib.

"Bakit lagi niyo na lang ako sinasaktan? Bakit ako dumaranas nito? Ang hirap hirap maging myembro ng pamilyang 'to!" galit na anas ko.

Binalingan ko ulit ang katulong at taas-noo pa itong tumingin sa akin.

"Napaka-landi mo, pinakakain ka, pinatutuloy at sinuswelduhan pero iba ang trinatrabaho mo ang maglandi!" napaatras ako ng itulak ako nito.

"Jess." tawag ni Daddy dito.

"Bakit? Huh? Kasalanan ko na ang Daddy mo ang lumapit? Nadala ata sa malaking hinaharap at matambok na pwet ko. Ang Mommy mo kasi palosyang na, sawa na Daddy mo sa adobo, kaya sa prito muna siya." malanding sabi nito. Galit ko silang tiningnan at tumalikod na hangga't may natitira pa akong respeto sa kanila.

Umakyat ako sa kwarto at nahiga ako habang hawak ang selpon at tinitignan ang masasayang litrato namin noon. Bata pa lang ako noon pero hindi ko nakakalimutan kahit ang pinakamaliit na detalye.

Tumunog ang selpon ko at pop-up ang chat head ng gc naming anim.

Jenny Nuñesco

Vc tayo mga tsong.

Magtytype pa lang sana ako ng 'sige' pero tumawag na agad. Bumungad sa akin ang mukha ng mg kaibigan kong nakangiti.

"Rosendall, bakit sabog ka nanaman?" tanong ni Althea.

Napayuko ako at pinaglaruan ang unan na nasa kanduhan ko. Hindi masabi sakanila ang mga pangyayari sa buhay ko.

"Nag-away lang kami ni Mommy." pilit na ngumiti ako dahil nakangiti sila kanina pero nung nakita ako parang naging malungkot at nag-aalala na itsura nila.

"HAHAHAHAHAHA hoy, ano ba kayo? Maayos naman namin 'to ni Mommy ma-mahal na mahal ako no'n 'e." may pag-aalinlangan sabi ko. Mahal ba ako ni Mommy?

"Nandito lang kami, dahil wala naman kaming mapupuntahan." wika ni Jenny kaya nagtawanan kami.

Ayoko at hindi ko kayang gawin ang mga ipinapagawa ni Mommy dahil sa kaibigan ko naramdaman ang pamilya. Sa kanila ko naramdaman ang kasiyahan. At ayoko mangyari ang mawala sila.

***

"Salamat sainyo. Mamimiss ko kayo." pabulong na sabi ko dahil hindi ko na sila makakasama pa. Nakatago ako sa likod ng pader natatanaw ko ang mga kaibigan kong nagtatawanan sa harap ng bahay nina Diana.

Napalingon sa akin si Claire at kita ko ang lungkot sa ngiting iginawad niya at tumango. Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat. Hiniling ko rin na 'wag na sabihin kay Diana na ako ang nagsabi ng lahat at nagbigay ng ebidensya laban kay Mommy at Daddy nila Marky at Charles.

Kumurap ako at nahulog ang luhang pilit kumakawala. Kumaway ako kay Claire sa kuling pagkakataon at tumalikod na.

Sana kahit sa kaunting tulong ko sa inyo ay napasaya ko kayo, sa simula pa lang ayokong na kayong masaktan pero sa plano ni Mommy siguradong madadamay kayo sa kasalanan ng tatay ni Diana.

***

Follow me on my new wattpat account: ClaireJLM

Paalam senyo!

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon