Chapter 42

89 7 0
                                    

Sa Chapter po na ito ay flashback, ito po ang nangyari sakanila 4 years ago.

*FLASHBACK*

YEAR: GRADE 9

"Guys, may nakuha akong impormasyon kung sino ang nag padala kay Diana nung death threat." Bulong ni Claire saamin. Kakarating niya lang pawis na pawis pa siya.

"Sino? San ka galing bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Althea.

"Ang tagal-tagal na nun ha?" Sambit ni Sandra.

"Pero kasi... kailangan din naman natin siyang tulongan." Turo sakin ni Claire.

"Chill... baka mag away-away na kayo. Mamaya na lang natin yan pag usapan." Nag sibalik naman sila sa kani-kanilang upuan.

Grade 9 na kami bagong yugto na ng high school life namin. Nasa kalagitnaan na kami ng year. Hindi ko na kaklase si Marky kaya minsan ko na lang siya nakikita pero kapag nakikita ko siya ganon pa din, crush ko pa din. Si Charles naman ayun! Grade 11 na, senior high, crush ko pa din. Matagal na rin nung natanggap ko yung death threat na yon pero di ko pa rin makalimutan. Lagi kong naiisip yon. Minsan napapraning na yata ako, nararamdaman ko kasi na may sumusunod sakin.

***

"So... Sino?" Tanong ni Jenny kay Claire tungkol dun sa nag text sakin nung death threat.

Nasa Canteen kami ngayon nasa isang table at kumakain.

"Magugulat kayo. Si
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Jacob."

*tahimik*

*tahimik*

*tahimik*

"SI JACOB?!" Gulat na tanong ko.

"Imposible!!" Dagdag ko pa.

"Nagpatulong ako sa daddy ko. Inembestigahan ni daddy ang pinadalang message kay Diana." Claire. Kaya pala pinicture-an niya yung message.

"Oo nga pero..." Althea.

"Sige, kayo bahala kung ayaw niyo maniwala." Sabi niya at tahimik na kumain.

Nagkatinginan naman kami nina Althea, ako at Jenny.

"Ang seryoso naman ng pinag uusapan natin." Singit ni Rosendall.

"Kaya nga 'e." Pag sang-ayon ni Sandra.

Kailangan kong itanong kay Jacob kung totoo ba yon, na siya ang nagpadala ng death threat na yun.

Tumayo ako at iniwan sila. Pumunta ako sa garden at sigurado akong nandon siya.

Nang makarating ako sa garden ay nandoon nga si Jacob hawak ang gitara niya at kumakanta.

Pinagmasdan ko siya at sa tingin ko ay hindi naman niya 'yon magagawa.

Lumapit ako sa kanya. "Jacob..." Tawag ko sakanya. Napahinto naman siya sa pagkanta at lumingon sa direksyon ko.

"Diana!" Masayang tawag niya saakin nang makita niya ako.

"Pwede ba tayo mag usap?" Tanong ko ng seryoso. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya.

"Sige. Upo ka." Wika niya.

Umupo ako at hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang tanong kasi gulong-gulo ako. Paano niya magagawa yon? May atraso ba ako sa kanya?

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon