Chapter 17

209 6 0
                                    


Nagising ako nang maaga. Maaga rin ako nag ayos sabi kasi nang mga kaibigan ko dapat daw maaga kami ngayong monday. Ewan ko sa mga kaibigan kung ano nanaman trip nila. Buti nakisama ang gising ko 8 daw dapat nandoon na kami. Kaya ito ngayon nag aayos nang mga gamit ko. 

Nung sabado't linggo nandito lang ako sa bahay. Nasaulo ko na nga bawat sulok nang bahay namin. Sina Papa at Mama umuwi sila nung nakaraang araw. Pero bumabalik din sila at doon na muna titira sa ibang bansa. Mahirap kapag walang magulang pero kailangan kasi para naman kay papa. Magaling na si Papa pero kailangan pa nang therapy para makapag lakad ng maayos.

Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay na sa bag at bumaba. Naabutan ko si Manang naka upo sa sala at nanonood ng paborito niyang telenovela.

"Manang paki asikaso po si Ash pag uwi"  lumapit ako kay manang at hinalikan siya sa pinge. Tumango lang siya

"Una po ako" wika ko.

"Ingat ka!" Pahabol niya.

Naglakad ako papunta sa gate ng subdivision namin pero hindi pa ako nakarating may humarang na dalawang kotse sa harapan at gilid ko.

God. Baka mga kidnappers yan. Jusko Lord. Kailangan ko pa mag pakasal sa prince charming ko. Huwag muna ngayon. Nakapikit ako habang sinasabi iyon sa isip ko. Kailangan pa ako nang kapatid ko. Si mama at si papa.

Napamulat ako nang wala naman kumukuha sakin. Ano to? Nakita ko si Marky at Charles nakatayo habang tumatawa nang mahina.

"Anong tinatawa tawa niyo diyan?!"

Hindi nila ako sinagot at panay pa rin sila nang tawa.

Kaya papadyak padyak akong umalis. Buset panira ng araw yung mga yun ah..

Pero hindi pa ako naka sampong step nang bigla nila akong tawagin.

"DIANA!" sabay na sabi nila.

"Sa akin na sumakay!"sabay pa din na sabi nila

"Wala. Hindi ako sasabay sa inyo kaya kong sumakay! Wag kayong susunod sakin kung ayaw niyong kalimutan kong mga kaibigan ko kayo!" Pagbabanta ko. Naglakad na ulit ako at napangisi.

Sana wag na silang sumunod ang kukulit eh..

Nakarating ako sa school nang walang kahirap hirap. E kung sumabay ako sa dalawang yun e di ang hirap hirap.

Pinakita ko sa guard yung id ko then umalis na ako. Si manong guard lawak ng ngiti. Baka naka sweldo na. Kaya malawak ngiti.

Hays layo kasi nang room namin..

Naglalakad na ako nasa part na ko nang field namin may napansin akong nag kukumpulan....

"Para kanino kaya yan?"

"Ang swerte naman ni Ate gurl!"

"Ang effort mo kuya! Akin ka na lang!"

Narinig kong sigawan nang mga estudyante. Lumapit naman ako. Chismosa na kung chismosa. Curious ako eh..

Bigla naman nahati ang kaninang kumpulan at natanaw ko si Marky.. Nasa dulo siya. Anong ginagawa niya? Inirapan ko siya at tumabi sa mga estudyante sa gilid. Maydadaan ata kaya nila hinati.. Tinignan ko si Marky nasapo niya ang kanyang noo at umi iling iling pa...

Bigla ako nanigas nang papalapit siya akin. Sa akin ba?

Tinignan ko sa likod ko nakita don si Jho. Si Jho ata lalapitan niya eh. Huminto siya sa harap ko at naka kunot ang noo. Tumabi naman ako at iginaya ang patungo kay Jho. Lalo naman nangunot ang noo niya.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon