Chapter 4

395 10 1
                                    

Makalipas ang ilang araw ganon pa rin ang mga nangyayari. Araw ng biyernes ngayon kaya bukas sabado na buti naman para makatulog ako nang maayos lagi kasi akong may iniisip...Kasama na dun si Charles.

Hahahaha....

Si Marky hindi na siya yung dating kapag kasama ko mga kaibigan ko wala siya sinabi kung hindi mo tatanungin hindi mag sasalita ngayon parang nag iba na...Nagpapakita na rin siya ng emosyon sa ibang tao kasi ako nakita ko na...

Nandito kami ngayon nag hihintay sa next class namin Math.

M- ental
A-buse
T-o
H-umans

Hirap kaya ng math lalo na yang mga xxx at yyy na yan samahan pa ng fraction at exponent dami pang mga steps....Hayss..

Ba't alam ko? Nung Grade 7 kami x at y rin ang hinahanap eh...Hirap kaya mag hanap ng x...

Nakita ko ng pumasok si Ma'am kaya nag sitayuan na kami...

"Good Afternoon Ma'am Magbanua"

"Good afternoon. Please take your seats."

Nasi upo kami at nag simula na mag lesson si Ma'am. Sa math kahit anong antok mo kailangan mong makinig baka kasi di mo mahanap si x.

"Okay, we need to have a group..7 members in 1 group.. Kayo na ang pumili.."sabi ni Ma'am..

"Uy! Tayo na lang pito Marky sama kana samin ha para pito tayo" masayang sabi ni Althea..

"Sige!"nakangiting sabi niya..

Pinabilog niya yung upuan nasa likod kaming part malapit sa 2nd door...kaya nakikita ang mga estudyanteng nasa labas..

Tinignan ko ang room ni Charles kahit malayo nakikita ko pa rin kung sino nasa labas..Nakita ko siyang parang tinitignan yung building namin...

Sino kaya tinitignan? Baka hindi na single si Charles may girlfriend na ata yan eh..

Naiiyak naman ako...

"So may ilalagay ako sa White board, isusulat ko yung isosolve niyo paunahan kung sino unang makapunta sakin sila yung may 30 points.. Activity irerecord to..Kaya galingan niyo!"

(1/3 x + 5y - 2z)²

Ayan nakalagay sa White board kaya dali dali kaming nag solve... Cream section kami kaya alam niyo na matatalino daw kami...

Sinagutan lang namin pagkatapos ay nakita ko ang kabilang grupo tapos na rin kaya dali dali akong pumunta sa unahan nakita kong hawak hawak rin ni Marky yung papel ,kaming dalawa pala yung kumuha sa papel...
Tinignan ko yung lima... Napipigil sila ng tawa at binibigyan ako ng nagtutuksong mata.. Kainis.. Kaibigan ko ba talaga yang mga yan pinapahiya ako ehh Naku..

"So, ang nakakuha ng 30 points ang group nina?" tinatanong niya pangalan namain..

"Diana/Marky" sabay naming sabi..

"Dyan nag simula ang lolo't lola ko!"sigaw ni Louise vice president namin..

Namula naman ako sa kahihiyan kaya yumuko ako... Nakakahiya..

"Yieeeeee"

"Yieeeeee"

Sigaw nila. Kaya lalo akong nahiya.

"Class quite!"sabi ni Ma'am, chine checkan niya kasi yung papel namin..

Nag sitahimik naman sila pero kitang kita ko yung mga demonyong kaibigan ko nakatayo kasi kami ni Marky sa unahan...

Narinig ko kasi kanina na kailangan dalawa daw yung pupunta sa unahan...Akala ko kasi si Claire tsaka ako yung pupunta sa unahan....

Hoy kay Charles lang ako! Gusto kong isigaw sakanila yan kaso wag na... Sayang lang laway ko..

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon