Diana's POV
SABADO....
"HOY GISING MAY PRACTICE KA!!, HOY GISING MAY PRACTICE KA!!, HOY GISING MAY PRAC——"
"Arrrgghhh! Ingay!" sigaw ko pero minulat ko na ang mata ko. Pinatay ko naman yung alarm ko.. Alam niyo ba yung alarm ko? Di niyo alam.. Yung kanina alarm yon.. Di lang halata... Boses ko yon nag record pa ako ha! Nag sayang pa ako ng space sa memory card ko!
Umupo na ako dahil maaga ang practice 6:30 palang pero kahit na... Kailangan ko na mag ayos...
Oh my god! Hindi ako maka get over nung practice namin kahapon. Pakshet talaga! Kamusta na kaya yung mga kaibigan ko? Anong nangyare kahapon? Hindi man lang kasi nagtext kung ano nangyare... Haha!
Nakakaantok pa.. Tumayo na ako at kumuha ng damit ko. Pumasok na ako sa CR para maligo.
Pagkatapos ko maligo at siyempre magbihis ay lumabas na ako. Nilagay ko ang towel sa buhok ko. Lumapit ako sa salamin at nag lagay nang cream. At nag pulbos. Tapos na. Hindi ko na kailang mag make up. Highschool pa lang ako. Simplicity is a beauty.. Sabi nga nila...
Pagkatapos ko mag ayos ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba na. Nakita ko don si Manang at Ash. Nasa kusina sila. Kumakain si Ash at si Manang naman ay nilalagyan ng pagkain ang plato ni Ash..
"Kumain ka nang marami Ash para tumaba ka tignan mo ang payat payat mo magagalit si Mama at Papa mo.." Narinig kong pangaral ni Manang.
"Oo nga Ash.." Pag sang ayon ko kay Manang habang papalapit sa upuan para kumain na rin.
"Ikaw rin iha.. Kumain ka rin" sabi ni Manang sakin.
"Manang! Ayos naman ako ah..." Sabi ko kay Manang.
"Sexy lang ako Manang" tumawa lang si Manang sa sinabi ko.
"Ako rin Manang sexy lang talaga ako" sabad naman ni Ash.
"Anong sexy sexy? Payatot ka Ash! Payatot!"
"Manang oh.. Inaaway ako ni Ate!" Sumbong niya kay Manang.
"Hay nako.. Magsitigil na kayo at kumain na.." Sabi ni Manang dinilian naman ako ni Ash. Ako rin.. Papatalo ba naman ako? Bleh.
Matapos kumain ay tumayo na ako para magpaalam kay Manang na nasa sala.
"Manang alis na po ako ha... Si Ash po andun pa sa kusina magpapataba na daw siya Haha!" Natawa naman si Manang. Hinalikan ko na siya pisnge.
"Ang bata talagang iyon. Sige!"
"Bye Manang!"
"Ingat!" Habol ni Manang.
Nag commute lang ako. Sabado ngayon eh.. Buti di traffic... Hala hindi ko makikita yung mga kaibigan ko! Wala naman silang gagawin ngayon sa school... Gagala lang yung mga yun..
"Bayad po" sabi ko sabay abot ng bayad sa babae. Nakasakay na ako. Buti hindi ngayon pahirapan!
Anong kayang nangyari kahapon sa parusa ni Sir? Nako.. Sigurado nagpoprotesta yung mga kaibigan ko kahapon dahil sa ngalay. Buti ako hindi. Haha!
"Clifford Highschool!" Sigaw ni Manong driver.
Bumaba na ako. Tatlo kaming bumaba sa CH... Yung isa nga ang weird naka jacket with hood pa. Di tuloy makita yung mukha.
Di ko na pinansin at pumasok na sa entrance gate pinakita ko muna sa Guard yung ID ko.
Nang makapasok ako ay na realize ko na yung kanina sa dyip na weird mag suot ay parang yung babae na humawak sa braso at sinabihan ako 'You will regret this'.
Bigla akong kinabahan. Ako lang nag lalakad mag isa sa Building ng highschool papuntang dance room. Lumingon lingon ako sa paligid para makita kung may tao. At tumingin ako sa likod dahil pakiramdam ko may sumusunod sakin...
Nakatingin lang ako sa likod nang bigla ako nabunggo sa isang matigas na dibdib. Kinakabahan kong tinaas ang paningin ko at nakita ko doon si Charles na nakangiti nang abot tenga.
"Fvck you Charles ginulat mo ako!" Sabi ko at hinampas siya sa dibdib. Ang tigas ah..
Bigla niya naman akong pinalo sa bibig pero hindi masakit.
"Bad girl! Nagmumura ka!"sabi niya.
"Halika na nga!" Sabi ko at hinila na siya pero napahinto ako ng hindi ko siya mahila. Bigla niya namang nilapit ang mukha niya sakin at HINALIKAN AKO.......
sa cheeks!
"O-oy bakit mo yon g-ginawa!?" Sabay palo sa kanya. Pero Wahhhhhhhh! Kinikilig ako! Shete!
"Sabi mo kasi Halikan-a nga, kaya hinalikan kita" sabi nito. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Pakshet ka Charles! Wahhhh Pero nagustuhan ko naman..
'Hoy! Wag malande!'
Kinikilig lang eh... Epal ka talaga! Pero Wahhhhhhhhhh!
Nagising ako sa pakikipagtalo sa inner me ng bigla akong hilahin ni Charles papunta ng Dance room...
Nakita ko don as usual si Marky at Jho nasa gilid nagtatawanan. Pagpasok namin nakuha namin ang atensyon nila.
"Buti nandito na kayo! Kayo na lang ang hinihintay" sabi Ate Che. Napatingin naman ako sa gawi nina Marky at nakita kong nakatingin siya sa kamay ni Charles na nakahawak sa pulsuhan ko. Bigla naman ako napabitaw. Nagulat pa si Charles nang bigla kong pagbitaw. Pero napatingin siya sa gawi nina Marky kaya di na niya pinansin. Bigla naman naging seryoso ang mukha niya at naunang pumunta sa lagi naming pwesto.
**
"Diana pakuha nga ng gunting kay Marky.." Sabi sakin ni Jill nakaclub ko.
Tinignan ko naman si Marky hawak niya yung gunting. Ano ba naman yan!? Ako pa talaga!
"M-marky! Pahiram daw ng gunting!" Awkward. Tumingin naman siya sa gawi ko at ngumiti. My gad! Ngumiti.. Binigay naman niya sakin at nang magdikit ang balat namin ay parang may kung anong kuryente ang pumasok sa katawan ko. Pakshet talaga!
Agad ko namang kinuha ang gunting at binigay kay Jill. Bumalik na ako sa dating ginagawa ko. Ako ang nagdidikit ng mga parang beads sa gagamitin namin sa formal dance at kapartner ko don si Marky. Shete bakit ba ako kinakabahan?
'Crush mo no?'
Yea, crush ko siya pero wala nang hihigit pa don. Alam ko yon.
"Kain kaya muna tayo" sabi ni Charles na tumutulong sa ginagawa ko.
"Wag na sarado canteen.."
"Ay! Oo nga pala"
Hindi ko na siya pinansin at bumalik na sa pag dikit. Kailangan kasi matapos na para next week practice na lang kami. Nabuo na rin namin yung buong sayaw. Hays.. Kapagod..
"Aray!" Sigaw ko nang madikitan ako nang mainit na glue stick sa kamay. Nagulat ako nang may biglang humawak sa kamay ko hindi lang isa dalawang tao. At si Marky at Charles. Pakshet. Sana kainin na ako ng lupa ngayon. Nakakahiya. Hawak nila ang kamay ko. Di ko alam kung pano agad sila nakapunta nag ala ninja moves ata.
Nilayo ko ang kamay ko sa kamay nila nang makita kong nakatingin na samin yung ibang kaclub ko.
"Haba ng hair ah.."
"Woahh! Nako love triangle yan!"
Bumalik na lang ulit ako sa pagdikit. Yung glue stick sa kamay kanina na nakadikit inalis ko kaya ayun namula siya at parang naluto yung balat. Ansaket!
Pero hindi ko masyado maramdaman yung sakit dahil hiya ang nararamdaman ko.
Pakshet silang dalawa!
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...