Diana's POV
Madaming tao, magulong paligid, nagpapanic na mga tao, maraming nagsisigawan bago makarating ang ambulansiya. Habang ako nakatingin sa dalawang katawan habang inilalagay sila sa stretcher.
Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Nakita ko na lang na kasama ako sa ambulansya kung nasaan nandito ang katawan ni Marky na nahihirapan na.
Nang makarating kami sa hospital ay mabilis na hinila ang stretcher kung nasaan si Marky. Hindi ko namalayan na kasama ko si Manang.
Iyak ako ng iyak.
'Bakit kung saan sinabi niya na siya si Jerome, ngayon nangyari 'to?'
Ipinasok si Marky sa ER. Habang ako, nakatingin sa pinto kung saan siya ipinasok.
"Mam, doon po muna tayo sa waiting area." sabi ng nurse ng subukan kong sumama.
Umupo naman ako at si Manang na nakaalalay sakin. Litong-lito ako. Paano nagawa ng babaeng yun? Magkaibigan sila ni Marky. Nakita ko siya kasama si Marky, somewhere di ko lang matandaan kung saan. Nagtatawanan pa sila at nagyakapan.
Tinawagan ko si Charles dahil kapatid siya ni Marky. Dumating naman siya kasama ang Mommy ni Marky.
"Nasaan ang anak ko?" tanong ng Mommy ni Marky pagkarating.
"Nasa ER po." humihikbing sagot ko.
Tumingin naman sakin ang Mommy ni Marky.
"Natatandaan kita ikaw yung pumunta sa bahay nila Charles. Alfonso apelyido mo, right?" tumango-tango ako.
"Bakit mo kasama si Marky? Bakit ka nandito?" kinuwento ko sakanila ang nangyari. Lahat simula ng pumunta si Marky sa bahay para sabihin na siya si Jerome. Tapos bigla na lang ako niyakap ng Mommy ni Marky. Sabi niya pa, salamat daw at dahil sakin naging masaya si Marky noong pinaampon siya. Nginitian ko lang siya.
"Bili lang ako ng pagkain." paalam ni Charles. Tumango naman ang Mommy ni Marky.
"Lagi kang nakukuwento sakin ni Marky, alam mo ba mahal na mahal ka niyan? Tinatanong niya nga ako kung paano siya manliligaw." sabi ng Mommy ni Marky habang umiiyak at inaalala ang mga pangyayari.
Mahal na mahal ako ni Marky?
Sa isiping iyon ay bumuhos ang luha ko.
Mahal ako ni Marky. Mahal ko din siya. Pareho pala kami ng nararamdaman pero hindi niya alam at hindi ko rin alam.
Lord, sana ay malagpasan ni Marky ang pagsubok na ito. Sana masabi ko pa ang nararamdaman ko para sakanya.
Napatayo kami ng may lumabas na doktor mula sa ER. Dumating din si Charles na may dala-dala plastic.
"Doc, ano po ang lagay ng anak ko?"
Tumingin sa amin ang doktor na bagsak-balikat. No, please.
Lord, wag ngayon.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...