Epilogue

54 5 0
                                    

Last na 'to. Last na ba 'to? Di ko sure HAHAHAHA. Maraming salamat sainyo!

-c

"Jerome, tara bike tayo!" aya ng batang babae sa batang lalaki na nagngangalang Jerome.

"Sige ba? Marunog ka na ba?" sabi ng batang lalaki.

"Hindi pa..." nahihiyang sambit ng batang babae.

Lumapit ang batang lalaki sa batang babae at inilapat ang kamay sa buhok nito at ginulo ng kaonti.

"Okay lang yan, Diana. Kahit ako no'n di pa naman ako agad natuto pero tinuruan ako ni Tatay." nakangiting sabi nito.

"Wala naman si Papa. Sino magtuturo sa'kin? Wala akong kuya." nakalabing sabi ng batang babae.

"E di ako magtuturo sayo!" Abot-tenga ang ngiti ng batang babae sa narinig.

"Talaga? Sige." Nakangiting sambit nito.

Matapos turuan ng batang lalaki ang batang babae ay pumunta sila at umupo sa harap ng bahay ng batang babae.

"O, Jerome? Inaya ka nanaman ba nitong si Diana sa initan?" tanong ng nanay ni Diana kay Jerome habang inaayos ang halaman sa harap ng bahay.

"Ay, hindi po. Sa may parke lang po kami nag-bike."

"Mama, porket namumula si Jerome sa initan na agad." mahaderang sabi ni Diana.

"Kaw na bata ka!"

"Joke lang, Ma."

"Pasok muna ako." paalam ng nanay ni Diana.

"Jerome! Jerome!" tawag ng nanay ni Jerome.

"Andyan ka lang pala. May bisita tayo." napakunot-noo si Jerome.

"Bakit, 'nay? Kailangan po ba ako?" Napahinto ang manang sa paghila sa bata.

Lumuhod ito para mapantayan ang bata.

"'Nak, ang bisita natin ngayon yung... yung totoong magulang mo." napababa ang tingin ng manang dahil sa nagbabadyabg luha.

"Na-nanay, ayoko, ayoko sakanila." sabi ng batang lalaki at panay iling.

"Anak, s-sila ang t-totoong magulang mo." hindi napigilan ng manang ang luha na tuloy-tuloy na tumulo.

"'Nay, kahit piso na lang baon ko, kahit wag niyo na ako ihatid sa school, kahit di niyo na ako bilhan ng bagong lapis at papel, wag niyo lang ako ibigay. Nanay..." Hindi makatingin ang manang sa bata.

"Halika na, pinaghihintay mo sila." sabi ng manang at pinagpatuloy ang lakad kasama ang batang lalaki na umiiyak.


"Diana... marunong ka na. Di mo na ako kailangan." Sabi ni Jerome sa batang nakaupo sa katabing swing. Nilagay naman ni Diana ang bike sa gilid at umupo sa katabing swing.

Ngumuso si Diana. "Nagpapaalam ka ba ha?" mababakas mo ang pagtatampo sa boses nito.

Napaiwas ng tingin si Jerome at napabuntong-hininga. "Pangako..." nagtagpo ulit ang paningin nila at dahan-dahan umalis si Jerome sa swing na kanyang inuupuan at huminto sa harap ni Diana.

"Anong pangako?" nangingilid ang luha ni Diana. Nakayuko lang ito at pinaglalaruan ang kuko.

"Hahanapin kita, kahit matanda na ako hahanapin kita ah. Hintayin mo ako, kahit na nasa abroad ka o nasa ibang planeta ka pa, hahanapin kita kaya mangako ka rin na hihintayin mo ako..." lumuluhang tinaas ni Diana ang paningin kay Jerome.

Nagtitigan lang sila at tumayo si Diana at mahigpit na yinakap ang kaibigan. "Pangako rin, hahanapin din kita at hihintayin. Kaya pala nakaporma ka ngayon kasi aalis ka na..." nakangusong sambit nito. Humalakhak si Jerome ngunit di pa rin kumakalas sa yakap.

"Baka mamaya di mo na ako makilala sa sobrang ganda sa future ha." natawa sila ngunit bakas ang kalungkutan.

"Jerome!" tawag ng nanay ni Jerome kaya napakalas ang yakap ng dalawang bata.

"Nand'yan ka lang pala, kung saan ka pa nagsusuot alam mong a-aalis k-kana." pahina ang boses ng ginang ng makita ang tinuturing na anak.

"Pinuntahan ko lang po si Diana, Nay." malungkot na sambit nito at lumapit sa tinuring na ina. Hinawakan nito ang kamay ng ginang.

"Diana, pasensya ka na. Aalis na si J-jerome ngayon." namumugto ang mata ng ginang.

Ngumiti si Diana at tumango. Tinalikuran na siya ng mag-ina at unti-unting naglakad paalis. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya at hinihintay ang pag-lingon ng kaibigan. Hindi naman siya nabigo ng lumingon ito at patakbong pumunta sa kaibigan at niyakap ng mahigpit.

"Hihintayin kita..." umiiyak na sambit ni Diana at kumalas sa yakap. Ngumiti ito na parang walang bakas na lungkot ngunit ang mata'y puno ng pag-susumamo na 'wag siyang iwan.

***

"Mommy, maaring makalimot po siyang mga memorya niya dahil sa nangyari. Normal lang ho 'yon at babalik rin kalaunan. Hindi po matindi ang pagkatama ng ulo niya sa lamesa ngunit para hindi naman kayo mabigla ay paalalahanin ko na sainyo." sabi ng doktora sa nanay ni Diana na nakaupo sa gilid ng anak. Sampong taon na si Diana.

Tumango ang ginang at umalis na rin ang doktor kasunod ang nurse. Hinawakan ng ginang ang kamay ng anak. May nakaaway si Diana na kaklase kaya tinulak siya ng tatlo at tumama ang ulo sa kanto ng lamesa ng kanilang guro, nawalan ito ng malay at pinatawag siya upang malaman ang kondisyon ng anak.

Mabuti na lang hindi malala.

Limang araw na hindi ito nagising at sa ika-anim ay gumising ito at tama nga ang doktor dahil hindi nito maalala ang parte kung saan naging kaibigan si Jerome at katulad ng sabi ng doktor ay unti-unti ring babalik ang mga ito.


***
A/N:

Gumawa ako ng bagong account ko dahil nakalimutan ko na ang password nitong account koClaireJLM, ayan ang bagong account, d'yan ko na i-eedit itong Highschool Life at d'yan na rin ako mag susulat ng mga bagong story ko.

Natapos din! Pero guys, *drum roll* tenentenen~ may SPECIAL CHAPTER tayo! Dahil SPECIAL ka, may SPECIAL CHAPTER 'to. HAHAHAHA. Kidding aside, totoo may SPECIAL CHAPTER 'to. Salamat sa mga nagbasa ng story na ito. Sobrang tagal ko pa naman mag-ud. Nakakainip di'ba? Ako rin naiinip HAHAHA. Kung may himutok kayo o violet este violent reaction ay icomment niyo para malaman ko. Iaaccept ko yan, tungkol sa story, sa pagsulat ko, sa pinag-gagawa ko. Go lang, comment niyo lang. Thank youuu!

-c

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon