A/N: Salamat sa mga nagbabasa nitong story at patuloy pang nag hihintay sa mga updates. Comment kung nagustuhan niyo and also vote na rin, ishare niyo na rin sa mga kaibigan niyo. Thank you very much mga ka-pitbull!
Diana's POV
Pakiramdam ko may humahaplos sa buhok ko. Is diz panaginip? Unti-unti kong minulat ang isa kong mata at...
"MAMA!!!!!!!!!" Siyempre hindi ako yan. Si Ash. Si Ash yon.
Bakit ba nandito yan? Epal.
"Ma.. Anong oras kayo dumating?" Ako na yan. Tanong ko.
"Kaninang five 'nak." Sagot niya.
"Sabi mo 10:00 ka pa makakarating dito sa Pilipinas. Alam mo bang isusurprise ka sana namin kaso kami yung nasurprise." Saad ko. Natawa naman si mama ng mahina.
"Sorry ha.. Kung hindi natuloy yung surprise niyo." Sarkastikong sabi ni Mama.
"MAMA!!HUHUHUHUHU!!!!" Si Ash yan hindi naman ako ganyan ka OA no.
"Nak mag ayos ka na tapos bumaba ka na at kakain na tayo ng almusal." Tumango lang bilang tugon. Lumabas na sila sa kwarto ko.
Naghilamos ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba na ako.
Pagkarating ko ay naupo ako sa may upuan na katabi ni Ash. Kaharap ko si Manang.
"Wow!! Sinigang na hipon!" Sabi ko. Ngayon na lang ako nakakain nito. Si Manang kasi hindi siya nagluluto ng sinigang na hipon. Adobo, menudo mga baboy lang tsaka mga preservatives tulad ng longanisa, hotdog ganon lang. Pero masarap naman mag luto si Manang.
"Ni-request ng mama mo.." Nakangiting sabi ni Manang.
"Salamat Ma and Manang!" Masiglang sambit ko.
Nagdasal muna kami bago kumain. Excited na nga ako kumain pero sabi ni Mama magdasal muna.
"Manyang ang sharap nyaman po.." Halos sumabog na ang bibig ko dahil punong puno.
"Ate ang OA mo naman. Sinigang na hipon lang yan kung makapagsalita ka naman kala mo naman punong-puno yang bibig mo." Sambit ni Ash. Tinignan ko siya ng masama.
"Tse! Pake mo ba?" Mataray na sabi ko.
"Oy! Kagong dalawa wag kayong mag aaway sa harap ng pagkain." Suway sa amin ni Mama.
"Sorry po.." Sabay na sabi namin ni Ash.
"Kasi yung isa diyan ang OA.." Bulong ni Ash, sapat na para marinig ko.
Matapos ang aming napakasarap na almusal. Oo almusal yon. Sanay kasi kami na laging may kanin ang almusal. Sinanay kami ni Mama. Kaya kahit almusal pa lang nag luluto na si Manang ng ulam.
Agad akong pumunta ng kwarto para kalikutin ang selpon ko. Mag-ooline muna ako sa facebook.
Nang makarating ako agad kong kinuha ang selpon sa may study table ko at humilata sa kama.
Logging in...
Wow. May message, sino kaya ang naligaw at may message?
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...