Nagising ako dahil may sumusundot ng mukha ko...
Ano ba yan natutulog yung tao eh...."Ate gising na!! Papasok pa tayo hindi ka pa nakakahanda samantalang ako nakaayos na!"
"Sige 5 minutes lang inaantok pa ko eh" Ang saya ng panaginip ko 'e.
"Ano ba yan alam mo ba kung anong oras na Ate!!" Matutulog ulit ako ipagpapatuloy ko yung panaginip ko.
Hindi ko siya sinagot hindi ko na pinansin aga aga pa eh...
Hindi ko na siya naramdaman sa kama kaya umupo na ko..
Istorbo talaga yun sa dreams ko. Tss.
Oo nga pala First day of school ngayon...Anong oras na?
HALA 7:00 NA!! LATE NA AKO!!
Dali-dali akong pumunta ng CR..Kinuha ko yung mga isusuot ko Dali-dali rin ako naligo...
Pagkatapos ko at pag kalabas ko ng CR tumunog cellphone ko kaya tinignan ko..
Si Althea pala.
From Althea cute(kahit pandak)
See you mamayang 11:00...
7:10
Ngayon ko lang na realize na pang hapon nga pala pasok namin...HAHAHA
'Ang tanga mo talaga' sabi ni isip...Aishhh...
'Maganda naman' sabi naman ni puso...
Bumaba na ako...
Nakita ko si Mama naka upo kumakain na, Oo nga pala may trabaho si Mama...Anyare sakin parang makakalimutin ako ngayon...
"Nak kain ka muna" sabi ni Mama. Umupo naman ako..
"Ma kailan daw uuwi si Papa?" tanong ko. Nasa ibang bansa kasi si Papa nag tatrabaho..in short OFW
"Di ko alam ang sabi niya Christmas siya uuwi di'ba?"
Tumango na lang ako namimiss ko na si Papa..Pagkatapos kong kumain nag hugas na ako ng piggan at nag linis..Si Mama nasa trabaho na....
Now, I will introduce my self.
Ako si Diana Alfonso. 13 years old, Grade 8 sa Clifford Highschol..simple lang ako. School Bahay lang, wala ek ek.
**
Nandito na ko ngayon sa gate ng school...
Clifford Highschool nakalagay sa taas ng gate ng school namin..Hindi siya totally private, semi-private...
Nag lakad ako sa room namin. Ang layo, bandang likod kasi classroom namin...
Napahinto ako nung nakita ko si crush. Nag tama ang paningin namin at nginitian niya ako! Pilit naman akong ngumuti sa kanya.
Bakit niya ako nginitian? Parang sa panaginip ko lang nakikita yun.
Nasa langit na ba'ko?
Ba't may anghel dito?Napabalik na lang ako sa reyalidad nang umakbay sakin. Nako... Isa sa mga best friends ko...
"Uyyyy nakita nanaman niya si Charles kilig ka nanaman Yiee" sinusundot sundot pa tagiliran ko sinamaan ko siya ng tingin..
"Dami mong alam. Claire ano ba?! Haha itigil mo nga nakakakiliti.."
Tinigil niya naman..
"Aysus ganda ng araw mo ngayon ha pangiti ngiti ka pa." sabi niya pero inirapan ko lang siya...
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...