Chapter 48

62 2 1
                                    

Marky's POV

Sasabihin ko na ba? Maniniwala ba siya sakin? Ang gulo naman!

Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil may sasabihin ako kay Diana. Dapat niya ng malaman bago niya ako kamuhian.

Nagdoor-bell ako at sumalubong sa akin ang isang babaeng may katandaan na.

"Si Diana po, nandyan?" tanong ko. After four years pinapansin ko na siya, siguradong magugulat yon kapag nakita ako.

"Nandyan, bakit hijo? Pasok ka. Kaibigan ka ba niya?"

"Opo, paki-sabi po nandito si Marky." sabi ko at tumango naman ito. Katulong ata nila yun. Tinignan ko ang bahay nila Diana. Malaki naman ito at malinis.

"M-marky? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya. Naka shorts lang siya at nakasandong puti.

Tumayo ako at nginitian siya. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko.

"Bakit? Kausapin mo na lang si Jho."

"Hindi, tungkol 'to sa... Basta, usap tayo."

Kahit naguguluhan ay sumang-ayon naman siya. Pumunta kami sa maliit na garden nila.

"Ano bang sasabihin mo?" medyo iritableng sabi niya. Meron ata.

"Uhm... Pano ko ba sisimulan?... Kasi ganito."

"Ang dami mong pasikot-sikot, diretsahin mo na!"

"Yung batang lalaking kaibigan mo dati, ako yun." diretsang sabi ko.

Unti-unti naman nanlaki ang mata niya.

"Ako si Jerome, dati." nakangiti kong sabi.

"Je-jerome? Pero... Pano?" naguguluhang tanong niya.

"Nanay ko si Aling Gaby at tatay ko si Mang Roberto, dati." sabi ko.

"Jerome!" sabi niya at niyakap niya ako.

"Grabe, hinanap mo nga ako. Ang laki mo na!" nangingilid ang luha niya at ginulo ang buhok ko.

"Wag mong guluhin mo buhok ko!" saway ko dito.

"Ikaw nga si Jerome panget!" masayang sabi niya.

Sinimangutan ko naman dahil palagi niyang sinabi yun dati. Crush niya lang ako 'e!

"Diana bully ka pa din."

"Pero bakit di mo agad sinabi sakin. Magkaklase tayo noon ha."

"Eh kasi baka di ka maniwala."

Binatukan niya ako."Baliw ka!" sabi niya hinampas ako sa braso.

"Hoy, ang sakit na ha! Mapanakit ka pa din!"

"Jerome Selezzio!" banggit niya sa pangalan ko, dati.

"Hindi mo ba talaga ako natandaan? Nung grade 8? First day? Nagpakilala ako gamit ang apelyido ko dati?" sabi ko. Nag-akto naman siyang nag-iisip.

"Talaga? Di ko napansin." malungkot niyang sambit.

"Busy ka kasi kakaisip kay Kuya..." mahinang bulong ko.

"Ano? May sinasabi ka? Tara sa loob! Pakilala kita kay Mama. I'm sure magugulat yun kapag nakita ka." sabi niya sabay hawak sa pulsohan ko pero nanatili ako at hindi nagpadala sa kanya.

"'Wag na, next time na lang siguro? Kamusta mo na lang ako sa kanya." nakangiting sabi ko.

"Ikaw bahala... Punta ka ulit dito ha." pangungulit niya.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon