Diana's POV
"Ay! Anak ng mahabang, matulis at matabang talong!" Bulong ko nasa harapan ko si Marky. Ang gwapong nilalang jusko...
"A-anong kailangan mo?" Nauutal kong tanong. Umayos ka nga! After 4 years ganito pa rin ang epekto niya sakin. Jusmiyo marimar...
"Uhm... Pwedeng mag pasama?" Tanong niya.
"Ha?" Wala sa sariling sambit ko.
"Gusto lang kita makausap..." Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Nakangiti sila pero si Sandra nakayuko lang at nilalaro ang daliri.
"Sig—" di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang selpon ko. May tumatawag. Si Manang.
Sinagot ko agad baka importante. Minsan lang tumawag si Manang.
"Hello—"
"'Nak... Si A-ash..."
Umiiyak si Manang. Hala!
"Ano po si Ash? Nasaan po siya?" Tanong ko.
"N-nawawala siya 'nak. Tumawag sakin ang advicer niya. Hindi daw pumasok. Nandito ako ngayon sa school nila. Hinahanap sa buong sulok ng school. D-di pa rin nila mahanap."
Tumulo na ang nag babadyang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Sige Manang hintayin niyo ko diyan..."
Pinatay ko na ang tawag.
"Diana. Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong nila, sabay-sabay.
Tumayo na ako na hindi sinasagot ang tanong nila. Sinukbit ko ang bag ko sa balikat at dali-daling tumakbo sa Clifford Elementary na katabi ng Clifford College.
"Kuya... Punta po ako sa elem. May emergency lang po." Umiiyak ko pa ring tugon.
Tumango lang ang guard. Tumakbo ako palabas ng school namin at pumunta sa Elementary.
Pumasok ako sa loob at nakikita ko ang mga teachers na tumutulong ata para hanapin si Ashley.
Nilibot ko ang paningin at nakita ko si Manang na nakaupo sa may bench at umiiyak.
"Manang!" Tawag ko. Umangat naman ang tingin niya sakin at tumayo. Tumakbo naman ako papalapit sa kanya.
"'Nak si A-ash..."
"Mahahanap natin siya Manang baka kung saan lang siya pumunta." Sabi ko.
Paano nga ba kung nawawala talaga si Ash at hindi wala siya dito sa school?
Paano kung sinasadyang kuhanin siya?
Baka kung anong mangyari sa kanya.
Naalala ko ang mga threat sa akin four years ago. Paano kung sila or siya ang may pakana?
Umiling iling ako sa naisip ko. Hindi maaari. Matagal na yon at baka prank lang yon.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pagharap nandoon si Marky at mga kaibigan ko except Sandra, Rosendall and Jacob. Napayakap na lang ako bigla kay Marky dahil sa panghihina. Natigilan naman siya pero kapagkuwan ay naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at sa buhok habang pinapatahan ako.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...