Chapter 9

281 8 0
                                    

Diana's POV

Araw nang Martes. Ngayon na ang contest kasalukuyang nag aayos ako nang mga kailangan ko mamaya...
6:00 am pa lang pero kailangan kong maging maaga kasi 10:00 am simula ng contest. Ang mag aayos sakin yung kinuha ng mga kaibigan kong make up artist. Ang dami ko ngang dadalhin buti nasabihan ko service ko.. Andito yung gowns, casual na damit, mga props na kailangan... Si Charles hindi na ako sasabay sa kanya kasi kailangan niya rin mag handa eh.. Kabado ako siyempre first time kong sumali sa mga ganto...

Si Papa may nag aalaga sa kanyang nurse.. Pag umuuwi ako kinakamusta ko siya.. Si Mama nasa trabaho pa rin..

Dumiretso na ako sa baba at nag paalam kay Manang... Tinanong pa ako kung saan ba daw ako kakain? Sabi ko sa school na lang ..

Nakarating kami ng 7:00 sa sch. trapik kasi. Madaming estudyante eh.. Nag palinga linga ako para hanapin yung mga kaibigan ko dito sa entrance house... Maliit siyang kubo sa loob.

Nakita ko silang nagtatawanan kaya lumapit..

"Guys!"

"Oh ayan na si Diana!" Sandra

Pero hindi ko inaasahan na pati si Marky kasama nila..

Tinignan ko sila nang nag tatanong..

"Ako ang nag pumilit na sumama" sabi niya. Nang halata niya na pinanlalakihan ko nang mata itong mga kaibigan ko..

Okay?

"Uyyy Diana di'ba 10 simula? May pupuntahan lang kaming lima... Si Marky muna sasama sayo doon sa make up room." sabi ni Claire...

Ha? Bakit yan? Nakakailang kaya....

"O-oo sige." sinusubukan ko ngumiti kahit pilit...

Makalipas ang oras at kailangan pumunta sa Make up room. Inaya ko na si Marky..

"Punta na tayo."

"Sige.. Ako na mag dadala niyang mga dala mo."

Binigay ko na sakanya at simula na kaming mag lakad...

Nakarating kami sa Make up room. Wala pang maraming contestants kaya umupo ako sa may upuan at nilapag ang mga gagamitin mamaya..

Napansin ko si Marky na nakatingin sa akin...

"Ah.. Marky pwede ba paabot nung isang paper bag?" para hindi masyadong nakakailang...

"Alam mo hindi mo naman na kailangan mag ayos. Maganda ka na pang labas at pan loob.. At alam kong ikaw ang mananalo diyan.. Galingan mo ha." sabi niya at lumapit sa akin at nilagay ang piraso ng buhok ko sa likod ng tenga ko...

"Masaya ako dahil naging kaibigan kita.... Alam mo yun? Ewan ko kung ba't naisip ko na makipag kaibigan sayo... Para kasing may sinasabi ang mata mo." dagdag niya

Kaya ako eto...

Speechless...

"A-ah sige ipagpatuloy mo na yan CR muna ako." nahihiyang saad niya...

Ayan dami kasing sinasabi...

Ano bang gustong sabihin non?

Baka ang sasabihin lang maganda ka pinahaba pa...

Pero alam niyo yun? Speechless ang ateng...

Nakarating sina Claire at yung make up artist ng 9:00. Nag bihis muna ako ng una naming idadamit para di na ko mahirapan mamaya...

Minake up-an nako nag mga make up artist. Kahit kating kati nako dito sa suot ko... Kainis di ako sanay eh..

Naka gown kasi ako.... Pusang gala ngayon lang ako gumamit nang gown.. Kadalasan kasi dress lang ako...

Natapos ang chichibureche nun... Bumaba na kami pinagtitinginan kami ng mga estudyante...

Napapangitan ata sakin?

"Hey show up wag kang mahiya ang ganda mo kaya." sabi ni Marky na inaalalayan ako.

Kaya namula ang pisngi ko dun.. Buti na lang may blush on ako...

Nakita ko ang mga natutuksong mata ng mga kaibigan ko...

Dakutin ko kaya yang mga mata nila...

Nakarating ako sa backstage kasama ang make up artists na mga to...

"Wait ha CR muna kami." sabi nung isa kaya tumango ako..

Nasan na kaya si Charles baka di pa siya tapos...

"Look! Who's here?" sabi nung babaeng naka away ko nung pinag tanggol ako ni Charles.

Kasali pala ang bruhitang ito?

Hindi ko lang siya pinansin...

"Hoy alam mo ba ang sinasalihan mo Beauty Contest hindi Ugly Contest!"

Di wow... Pano mo nasabe?
Sml?

Hindi ko ulit siya pinansin titigil rin yan kakadada..

"Ano ba mag salita ka nga!"

No response...

"Aishh!"

Umalis na siya sa inis... Buti nga sa kanya...

Third Person's POV

"Maam ano bang plano niyo dyan sa babaeng malanding yan"

Nandito ako sa may gilid at nanonood sa babaeng malanding yun...

Si

Diana Alfonso..

Mag handa ka.. Kala mo kung sino ka porket pinag aagawan ka ng magkapatid na yun...

Mawawala ka rin dito sa mundong ibabaw hintayin mo lang...

Sa ngayon paka saya ka muna... Namnamin ang iyong natitirang oras..

Ako mismo ang magpapahirap sayo.. At pag sisisihan na nabuhay sa mundong ito...

Mang aagaw ka... Lahat na lang... Laging ikaw ang pinapaboran ng tadhana...

"Pagdating ng panahon malalaman mo Austrisha"

Isa sya sa mga alagad ko.. Siya ang nag aaral dito.

Siya rin ang espiya ko dito.. Sa mga pinaggagagawa niyang babaeng yun...

Sa lahat ng pwedeng kaagaw bakit ikaw pang bruhita ka... Maganda sana ang intensyon ko sayo ehh.. Pero sa susunod dito na rin ako mag aaral may inaayos lang na mga papeles...

Di mo kilala ang binabangga mo....

Isang maling galaw pati pamilya mo kasama sa kalandian mo...

Ang lakas din nang loob mo... Hindi sa lahat nang oras ikaw ang mananalo...

Pagdating sa pagmamahal ni Charles James Gonzales AKO ang MANANALO...

May binigay ako papel sa mga alagad papel kung kailan mawawala ang kasiyahan niya..

"Idikit mo yan doon sa TARGET BOARD natin.... May nakalagay dyan na Oras, Taon, Araw at Buwan kung kailan siya pahihirapan"

"Yes Maam."

Hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka kung anong oras ko gusto... Gusto ko lang ng tamang timing... Timing kung saan masaya ka tapos bibiglang lungkot at pag dadalamhati....

At oras na magmamakaawa ka sakin... Kahit lumuha ka ng dugo hindi kita pag bibigyan..

Simulan natin ang laro na ito Diana Alfonso...

Laro kung saan mababaliw ka sa sakit ng mga nakikita mo... Larong hindi ordinaryo kundi laro sa buhay mo..

Kasalanan mo, Kasalanan ng lahat...

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon