Chapter 6

367 12 0
                                    


Marky's POV

Papunta ako sa sch. ngayon. Kahapon hindi ako pumasok dahil sa taong mahal ko... Nakalimutan niya na talaga ako... Nag bago na kasi ako hindi na ako totoy...

Pero mas masakit yung nakita ko nung nakaraang araw.. Kausap niya ang step brother ko... Mag kaaway kami non...

"Marky ba't absent ka kahapon?" bungad na tanong agad ni Sandra..

Nginitian ko siya..

"May emergency lang" pagsisinungaling ko..

Buti di humahaba ilong ko...

Alam niyo ba kung anong dahilan ko kung bakit ako hindi pumasok? Iniyakan ko lang naman yung taong mahal ko.. At nag eemo sa loob ng kwarto maghapon kaya ngayon maga ang mata ko pero hindi halata may nilagay kasi ako...

Simula kasi bata pa lang kami.. Magkasama, mag kalaro at mag kaibigan na kami kaso.. Kinuha na ako ng tunay kong magulang na ngayon nasa ibang bansa at hindi kami naaasikaso.. Kaya hindi ko mafeel na may magulang pa ako..

Pangako ko sakanya dati hahanapin ko siya pag laki namin... Kaso kahit nahanap ko siya hindi niya ako makilala.. Iba na kasi pangalan ko.. Pinalitan ng totoo kong mga magulang... Masaya naman sana ako noon sa mga umampon sakin kahit hirap sa buhay... Kasi lagi nila akong inaasikaso... Alam niyo yun?

Naupo na lang ako sa upuan ko... Nung first day nga gulat na gulat ako nung nakita ko siya di pa rin talaga siya nag babago... Napakabait talaga niya..

Napangiti ako nung nakita ko siyang papasok.. Kaso nawala iyon ng makita ko ang lalaking kinasusuklaman ko si Charles...

Ba't niya kasama si Diana?...
Anong ginagawa niya?

Napadako ang tingin niya sakin at ang kaninang nakangiti ngayon ay nakasimangot na...

Nagpaalam na siya kay Diana at umalis...

Ngumiti naman sakin si Diana..

"Ba't di ka pumasok kahapon?"

"Ah...ehh may emergency lang" utal utal na sabi ko..at kumakamot sa batok...

Naupo na lang siya at hindi na lang nag salita.. Di ko namalayan nakatingin pala ako sa kanya kinakabisa ang bawat angulo ng kanyang mukha at ang kanyang galaw...

Natapos ang klase ng pasulyap sulyap ako sakanya... Dali dali siyang lumabas...

Saan sya pupunta?

"Saan pupunta si Diana?" walang ekspresyong tanong ko...

Hindi ako nag papakita ng emosyon dahil madaming dahilan... Isa sa mga dahilan nito ay yung step brother at mga magulang ko... Pareho kami ng tatay pero mag kaiba kami ng nanay, yung nanay ng step brother ko kasama yung tunay na tatay namin at yung nanay ko naman kasama rin... Gets niyo?

Basta yun na yun...

Sinundan ko si Diana at di na pinakinggan ang sasabihin nila at yun nakita ko siya sa waiting shed na may hinihintay...

Hindi ako lumapit pinag masdan ko lang siya...
Nakita ko ang lumapit sa kanya si Charles...

Bigla na lang may tumulong butil nang luha sa mata..

Sh*t Ang bakla ko naman...

Pinagmamasdan ko lang sila, masaya silang mag kasama na para bang wala ng bukas...

Ba't ang sakit? Parang may kumikirot sa puso ko na parang tinutusok ng karayom ng paulit ulit..

Pero wala akong karapatan na palayuin siya.. Ano ba kami? Kaibigan lang naman niya ako.. Na akala niya bagong kaibigan...

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon