Chapter 14

237 7 0
                                    


Diana's POV

Nandito kami ngayon papunta na sa pangalawang destinasyon namin naka sakay kami sa bus. Katabi ko si Marky hindi nga siya kumikibo eh.. May galit ba to sakin?

*poke*

*poke*

Hindi niya pa rin ako pinapansin naka earphones siya at nakatingin sa bintana..

"Marky...."tawag ko sa kanya pero hindi man lang ako inabalang lingunin. Haist. Badtrip? Masaya naman kanina sa museum ah... Kasama niya nga si Jho. Haist.

"May problema ka ba?" tanong ko...

Umiling siya buti naman..

"May masakit ba sayo? Masakit ba tiyan mo? Ulo mo? Paa? Kamay? O naiihi ka ba? Natatae? Ano?" nag aalalang tanong ko.

Tinignan niya lang ako na parang ang OA ko. OA ba? Haist. Kung natatae siya sabihin niya lang sisigaw akong ihinto para makatae siya o maka ihi..

"OA mo naman... Wala to wag mo lang akong pansinin may naalala lang."saad niya. Okay.

"NANDITO NA TAYO!" sabi ng driver.

Bababa na sana ako kaso may humawak sa wrist ko at unti unti kong tinignan kong sino.. Slow Motion...

"Wag mo nga ko hawakan!" Yung kaklase kong pinaka makulit pinag tripan ako... Tawa pa rin siya ng tawa..

"Hoy ano ginagawa mo?" sita ni Charles.

"Hayaan mo na yan. Buang kasi yan." Hindi ko na siya pinag salita at hinila na siya.. Park ang destinasyon namin ngayon. Ang ganda may play ground. Pwede daw kami mag laro. Yehey... Pang teenager kasi yung size niya... Haist.. Cutee...

"Laro tayo!" Aya ko kay Charles.

Tumakbo ako sa may monkey bar. Na miss ko to. Naka laro ako nito nung kasama ko pa yung boy bestfriend ko.. Nasaan na kaya yun? Namimiss niya rin kaya ako?

Hindi ko napansin na mali ang nahawakan ko kaya nahulog ako.

"Ouch!"

May dalawang tao ang tumakbo sakin at inalalayan ako.. Si Charles at Marky.. Nagkatinginan pa nga sila bago ako buhatin. May namumuo talagang tensyon sa dalawang to eh..

Dinala nila ako sa pinaka malapit na upuan at pina upo ako..

"Masakit ba? We need to call a doctor" sabi ni Marky..

Doctor? Nag papatawa ba siya nahulog lang ako doctor agad...

Lumapit sa akin si Charles at may binulong...

"Sana pala sinalo kita nung nahulog ka para di ka nasaktan..."bulong niya. Parang nag sitayuan ang balahibo ko sa katawan ng binulong niya yun.. Wahhh Alam kong pulang pula na ako ngayon..

"Diana what's wrong ba't ka namumula?" Ayoko na.. Nakakahiya. Tanongin ka ba naman... Haist.

Napayuko na lang ako at umiling...wahhh gusto kong sumigaw... Nakakahiya ka diana ba't ka kasi namumula.

Narinig ko ang tawa ni Charles. Aishhh.. Nang aasar ba siya. Lang ya siya. I hate him na...

Ginamot naman ng medic yung maliit na sugat na nasa tuhod ko. Hindi tuloy ako nakapag laro. Kaya ito ako nanood sa mga kaklase ko at yung mga kasama namin. Nakakainggit sila...

"Oh, ba't ka nakasimangot?" Hindi ko siya pinansin. Ni aaway niya ako kaya di ko siya pinapansin. Bahala siya.

"Uy... Sorry na.. Meron ka ba?" tanong niya..

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon