Chapter 40

225 8 7
                                    

Diana's POV

After 4 years...

"Dali na pumayag ka na... Diana.. Bili na..." Pangungulit ni Jacob.

"Ang kulit mo talaga! Sabing ayoko 'e." Naiiritang sabi ko.

Makalipas ang apat na taon naging close kami ni Jacob. Nag graduate na rin kami ng Highschool. At ang lima kong kaibigan ayun nag papabebe pa sa mga manliligaw daw nila. Ako ito, mag-isa. Charot!

"Dali na Diana.. Uulitin ko. Can i court you?" Dire-diretsong tanong ni Jacob.

Bigla naman akong nabilaukan sa sarili kong laway. Hindi naman yun yung tinanong niya kanina 'e!

"A-ano bang pinagsasabi mo? Kanina yung tanong mo kung papayag ba akong sumama sa'yo papuntang Batangas?" Nauutal na tanong ko.

"'E kanina pa yun. Ngayon iba na tanong ko. Can i court you?"

"Ayoko nga! B-bata pa ako.. Mag-aaral muna ako ng mabuti... At makahanap ng magandang trabaho." Wika ko.

"Psh. Bata ka pa niyan? Damulag ka na 'e..."

"Basta ayoko!" Inirapan ko lang siya at tinalikuran at pumunta sa lima kong kaibigan. Kakatapos lang namin mag pa enroll dito sa Clifford College.

"Ane be weg keng genyen naeenes eke ihhhhh..." Pabebeng sabi ni Althea.

Tss. Pabebe.

"Umayos ka nga! Baka mamaya mangisay ka na lang dyan sa kapabebehan mo!" Sabi ko kay Althea.

"Panira ka talaga! Porke't wala kang fafa bitter ka na." Maarteng saad niya.

"Ew! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!" Nag arte pa akong parang nasusuka.

"Tama na nga yan.. Kayong dalawa.." Turo sa min ni Sandra.

Napailing na lang ako at umupo sa tabi ni Claire, tinignan ko lang ang napakahabang pila kung saan nandoon ang mga nag eenroll.

Bigla naagaw ng tingin ko ang lalaking nakatayo na halatang naiinip na at sige punas ng kanyang pawis. Si Marky. Nag tama ang mata namin at bigla siyang ngumisi. Creepy. Ano meron do'n? Tinaasan ko siya ng kilay pero mas nginisian niya lang ako.

Eh?

Inirapan ko siya at nilipat ang tingin kay Jacob na naka busangot at parang nalugi. Makalipas ang apat na taon lalo ko pang nakilala at nalaman ang ugali ni Jacob. Napaka childish pero mabait. Lagi rin niya akong kinakantahan. Pero hanggang kaibigan lang talaga 'e. Sinasabi ko sa kanya dati pa na tigilan na niya ako dahil masasaktan lang siya.

Pero di siya sumusuko. Nalulungkot ako para sa kanya kasi naramdaman ko na rin yan 'e. Mahal mo yung isang tao pero di ka naman kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sakanya.

"Okay lang yan Jacob... Magigising rin yan si Diana." Sabi ni Jenny kay Jacob, tinapik-tapik pa yung balikat ni Jacob. Inaasar niya lang 'e.

Sinamaan ko naman ng tingin si Jenny, tinawanan lang ako.

"Wait. CR muna ako." Paalam ko. Tumayo na ako at pumunta sa CR ng babae pero di pa ako nakakapasok ng biglang may sumulpot sa harapan ko.

"Hi!" None other than kundi si Marky. Wow! Himala pinansin niya ako at kinausap.

Luminga-linga ako baka kasi hindi ako yung kausap niya.

"Ako ba kinakausap mo?" Tanong ko.

"Ay hindi.. Yung bag mo." Turo niya sa shoulder bag ko.

Inirapan ko siya. "Himala at namansin ka. After 4 years!!" Saad ko.

"OA mo naman pinapansin naman kita noong nakaraan. Ikaw itong di namamansin 'e." Anong pinaglalaban niya?

"So?" Nakataas kilay na tanong ko

"So... Wala. Bye!" Sabi nito at tinalikuran ako. Napabuntong hininga na lang ako. Dapat nag mamature yung isang yun pero parang nagiging imature 'e.

Pumasok na ko sa CR at nilabas ang kanina ko pa pinipigilan. Bwisit kasi Jacob painumin ba naman ako ng painumin ng tubig, baka daw ma dehydrate ako.

Nang makalabas ako ay naglakas na ako pabalik sa upuan ng mga kaibigan ko kanina pero nakasalubong ko si Charles. Hindi niya ako pinansin, dire-diretso lang siya na animo'y hindi ako nakita. Nagtataka nga ako 'e siya naman ngayong yung hindi namamansin. 2nd year college na siya at Education ang kinuha niya major in Science.

Nilagpasan niya lang ako at lumunta sa may table kung saan doon nag eenroll yung transferries sa college.

Napabuntong hininga na lang ako at dumiretso sa upuan ng mga kaibigan ko. Andun pa rin sina Althea, Claire, Jenny, Sandra, Rosendall at Jacob na nakabusangot pa rin.

"Diana alam mo na shedule mo?"

Ano kaya nangyari kay Charles, bakit di na niya ako pinapansin?

"Diana!" Nagising sa matinis na boses ni Claire at pitik ni Jenny.

"Aray ko naman! Grabe ha sinigawan na ako pinitik pa. Sige ganyanan na tayo?" Madrama kong sabi.

"Hehe! Sorry... Ano ba iniisip mo at di mo marinig-rinig ang magandang tinig ko." Ang huling part ng sinabi ni Claire ay nagkaroon ng tono.

"Tss. Wala akong iniisip! Di ko iniisip kung bakit di ako pinapansin ni Charles—" nasapo ko ang bibig ko dahil sa mga lumabas sa bibig ko.

"'E di lumabas din ang totoo. May iniisip ka nga. HAHAHA!" Sabi ni Althea. Wala na yung nanliligaw 'kuno' niya.

Inirapan ko sila, napadako ang tingin kay Jacob na nag mamartsa-martsa paalis. Nakabusangot at parang nanggigil.

Hays... Sinabi ko na sa'yo. Wag ka ng umasa Jacob. Masasaktan ka lang.

"Haba pa rin ng hair mo Diana!" Nakangising sabi ni Rosendall.

"Tss."

"Sana all..." Napatingin ako kaya Althea na nakatingin sa langit at parang nag iimagine ng kung ano.

"Hoy! Mangarap ka. Ganda ka? Ganda ka?" Pang-aasar ni Sandra kay Althea.

"Ang harsh mo naman sakin..." Umakting pa itong naluluha.

Mga actress talaga kaibigan ko include me. Hehe!

Umirap lang ako. Ilang beses na kaya akong umirap ngayon parang napapadalas na ang pag-irap ko. Hays.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko nà parang nakakita ng multo. Nakanganga sila pero parang may kislap ang mata. Nangyari sakanila?

"Ganda ko 'no?" Biro ko, pero walang pumansin sa biro ko. Naglalaway na naman sila sa beuty ko. Haha! Natotomboy na sila.

"Diana—"

"Ganda ko ba?" Putol ko sa sinabi ni Jenny.

"Diana sa li—"

"Sus. Sabihin niyo ganda ko 'no?" Wala umimik sa kanila dahil sa pang babara ko.

Ano ba kasi nangyayari sa kanila? Para naman di sila sanay na makita ang kagandahan ko.

Hangin. Lakas ng aircon.

Wala aircon dito! Nasa field tayo!

"Ganda ko, ganda ko di'ba?" Pangungulit ko.

"Oo..." Lumakas ang tibok ng puso ko dahilsa boses na yun. That baritone voice!

Lumingon ako sa likod at nalaglag ang panga ko dahil sa gwapong nilalang na nasa harap ko.

"Marky..."

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon