Chapter 2

545 16 0
                                    

Diana' POV

Nandito ako ngayon sa library nakatingin sa kawalan di ko pa rin maintindihan kung bakit ko nga ba tinanggap yung pag kakaibigan kay Marky.....Ever since hindi pa ako nagkakaroon ng boy bestfriend pero wala na kong magagawa nangyari na...

May mga bagay talaga na mahirap tanggihan lalo na kapag naguguluhan ka kung ano ang idadahilan mo kung hindi mo tatanggapin.

Ako lang mag isa uwian na eh nauna na yung mga kaibigan ko. Ako? Eto nasa library kahit walang inaaral. Wala kasing ibang pwede tambayan na walang maingay...

Nililipat lipat ko lang yung page Hahaha.... Di ko nga alam itong mga to.

Napatigil ako nung may nagsalita....

"Miss pwede ba mahiram yang book mo?"

OMG..... Ang husky talaga ng boses niya parang nang seseduce haha...

"Ah.....eh....Hi?....Sige"utal na sabi ko at binigay sa kanya.

"Pwede ba dito na lang ako sa tabi mo umupo?"tanong niya... Tumango lang ako pero sa loob loob ko 'sige gusto mo kandungin na lang kita'...

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko....Naku!...

Yung katabi ko lang naman kasi si CRUSH...As in si Charles James Gonzaless.
Halos hindi na ako huminga dahil na tetense ako sa katabi ko..

Nilabas ko na lang isang kong notebook at ballpen at nag drawing na lang

"Ano pa lang ginagawa mo dito?"tanong niya...

Eh?

"Obvious naman di ba?" sagot ko..
Sorry. Ano ba to dapat mabait ako...kaso mag tatanong obvious naman nako crush.

Kung hindi lang kita crush nabatukan na kita....

"Ang taray nito...Uhhmm kasi parang nag dradrawing ka lang e."

"Wala ako magawa  tambayan ko to, may iniisip lang, tahimik kasi dito"

Hindi na siya sumagot nagbasa na lang siya...Wow talino naman first day of school may ass. agad...

**

Sa bahay..

Pabukas ko ng pinto tahimik lang walang kaingay ingay madilim na din kasi...baka nasa taas lang yung kapatid kong magaling...

Nilapag ko lang bag ko sa sofa sa sala at pumunta ng kusina.

"Manang nasa'n si Ashley?"tanong ko kay manang..Nagluluto si Manang ng Sinigang na hipon paborito ko yan Haha.

"Ahh si Ashley? Baka nasa kwarto niya lang ginagawa yung mga ass. niya." sagot niya...

"Ahh sige po puntahan ko lang siya"

Tumango lang siya kaya pumunta na ko sa taas si Manang pala matagal na siya samin pag wala si Mama tsaka siya pumupunta pero pag nandyan ako ang gumagawa ng gawaing bahay...

Ok lang yun sakin...Hindi ata uuwi ngayon si Mama kaya siya nandito....

Pagdating ko sa harap ng pintuan ni Ashley kakatok sana ako kaso may narinig akong humihikbi kaya agad kong binuksan.

Pagkabukas ko nakita ko si Ashley sa kama niya naka upo at naka ub-ob ang mukha sa tuhod at umiiyak...

Sa mga oras na to naawa ako sa kapatid ko kasi hawak hawak niya picture ni Papa..Namimiss niya ata e kaso wala akong magagawa ang layo ni Papa bawal din tawagan kasi bawal sina Papa mag cellphone sa oras ng trabaho.. madaling araw dito sa Pinas ang break nila sa trabaho kaya minsan lang namin siya maka usap...

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon