Someone's POV
"Kailan natin gagawin ang plano natin Princess?" Tanong ng isang dwarf ko.
"Chill lang kayo mga dwarfs... Kahit ayos na ang plano kailangan pa rin tayong kumilos ng patago." Sagot ko sakanya at nginisian.
"Princess sabihin mo lang sa amin kung kailan at gagawin namin ng walang sabit." Sagot nito.
Nginitian ko lang sila. "After four years natin gagawin ang plano..." Sambit ko.
"WHAT?! PRINCESS!?" Nanlaki ang mga mata ng dwarfs ko dahil sa sinabi ko.
"After four years natin gagawin ang plano. I know it's too long to wait but if we plan this and settle everything, our plan will be good." Nakangiti pa rin saad ko.
"Hindi ba masyadong matagal iyon Princess?" Tanong sa akin ni Queen habang papalapit sa akin. Kakapasok niya lang.
"Queen!" Masayang tugon ko. Lumapit ako sa kanya at nag beso-beso.
"Mas okay na yun Queen para aatake tayo kung saan nakalimutan na nila ang mga banta at wala na sa atensyon nila ang death threat." Nakangisi ako habang sinasabi iyon.
*CLAP* *CLAP* *CLAP*
"That's my princess.." Nakangiting sambit ni Queen habang inaayos ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.
"Yes this is your princess and I never disappoint you my queen....my mother..."
"Just do it.." Sabi nito at tumalikod at umupo sa trono niya.
Napasimangot naman ako dahil hindi pa rin siya nagiging proud sakin kahit anong patunay ko na ginagawa ko ang lahat para maging proud pero hindi, hindi niya napapakita iyon hanggang salita lang siya.
"Yes Queen.." Ngumiti lang ako ng pilit dahil nagingilid na ang mga luha ko pero agad ko itong pinunasan ng babagsak na.
Kailangan maging proud sa akin ang aking ina.
**
Diana's POV
Sa buhay ng tao meron talaga may mga galit sayo. Kahit magpaka anghel ka pa. Kahit magpakita ka ng kabutihan mayroon at mayroon silang makikitang mali sayo.
Ganon kakitid ang utak ng tao. Hindi lahat. Tulad ngayon di pa rin mawala sa isip ko ang text message na natanggap ko nung nakaraang araw. Habang tumatagal natatakot ako kung anong mangyayare. Iniisip ko na lang na sana nasa mabuting kalagayan ang magulang ko na nasa ibang bansa.
Hindi ko alam kung totoo to or prank lang. Pero kung prank, sana nga. Sa tanang buhay ko hindi ako nakikipag away ng basta-basta. Kapag alam kong tama ako, ipinaglalaban ko, yan ang turo sakin ng mga magulang ko.
"Ate!" Nagising ako sa pag iisip nh tawagin ako ni Ash. Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan at kumakain.
"Oh?"
"Ano iniisip mo? Layo ate ng isip mo nasa ibang planeta. Sama ako!" Sambit nito habang tumatawa.
"Wala may naisip lang. Kamusta na kaya sina Mama no?" Wala sa sariling tanong ko.
"Wahhh!! Huhuhuhu! Mama ko! Papa ko! Huhuhu!! Wahhh!!" Napatakip ako sa tenga nang biglang umiyak si Ash with matching sigaw pa.
"Hala Ash! Napaka ingay mo. Nambubulabog ka ng kapit bahay!" Tumigil naman siya at tinignan ang paligid niya.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...