Diana's POV
"Wala ka bang balak pumunta sa burol niya?" tanong sakin ni Claire.
Umiling ako habang nakatingin sa mga taong dumadaan. Nasa food court kami ngayon. Inaya ako ni Claire at Jenny dito, sumama na ako dahil wala naman akong gagawin.
"Sasabihin mo ba kay Tita?" tanong ulit ni Claire. Sa pangalawang pagkakataon, umiling ulit ako. Walang salita na lumalabas sa bibig ko. Silang dalawa pa lang ang nakakaalam na ang tatay nina Marky at Charles ang pumatay sa papa ko.
Nagagalit ako, gusto kong manapak ng tao pero pinipigilan ko dahil baka ikapahamak ko pa.
"Grabe yung tatay ni Marky at Charles 'no? Demonyo yata buti na lang at hindi nagmana sina Charles." rinig kong sabi ni Jenny. Napatingin ako sa kanila.
Sinabi na sakin lahat ni Claire. Nahanap na ang kriminal at nagsabi na rin kung sino ang nag-utos. Ako lang lahat may alam non dahil di ko pa sinasabi kay Mama. Pano ko sasabihin? Yung tatay ng taong gusto ko ang kriminal at ang dahilan kung bakit wala na si Papa. Ang hirap.
"Sabihin mo na kaya." suhestyon ni Claire.
"Paano?" naiinis na sabi ko.
"Gusto mo si Daddy na lang ang mag-sabi kay Tita." sagot ni Claire. Siguro mas mainam nga na hindi galing sakin dahil baka umiyak lang ako kaysa magkwento.
Tumango lang ako at binalik ang tingin sa mga taong dumadaan.
"Diana!"
Parang may tumawag sakin sa kung saan kaya napatingin ako sa paligid.
Napatayo ako ng may makita akong pamilyar na pigura ng isang lalaki. Si Papa.
Sinundan ko si Papa.
"Saan ka pupunta, Diana?" tanong ni Jenny ng makita na naglakad na ako paalis.
"Sa C.R lang." sagot ko pero yung tingin na kay Papa pa rin na naglalakad.
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang maabutan si Papa pero nabigo akong maabutan siya dahil ng may nakasalubong na akong maraming tao ay hindi ko na siya nakita.
Palinga-linga pa rin ako sa paligid ng sumuko ako na wala na nga ay napaupo ako. Wala na akong pake sa mga taong pigtitinginan ako.
Bumalik ako sa food court kung saan naroon sina Claire at Jenny.
Jenny's POV
"Ang tagal ng babaitang yun. Nag C.R lang naman siya di'ba?" tanong ko kay Claire na kasalukuyang may kinukutkot sa selpon niya.
"Hayaan mo baka tumae pa yun. HAHAHAHA!" sagot niya at tinago na ang selpon niya sa bag ko.
"Palagay muna ha... Wala akong bag, remind mo na lang sakin pag-pauwi na tayo." sabi niya pa. Kagaleng naman talaga.
"Problemado si Diana kaya baka kung anong gawin niya sa buhay niya! Dapat sinamahan natin— Claire! Claire! Tignan mo yung mag-jowa sa kaliwa natin, nakakagigil! Makalampungan parang hindi public to ha." sabi ko ng mapadpad ang mata ko sa kabilang table.
Pwede naman pag-uwi na lang nila, hindi yung sa harap pa ng single oh! Porket may lab layp kayo!
"Respeto naman!" pagpaparinig ko.
"Hoy! Ano ka ba? Hayaan mo sila, dyan sila masaya." saway sakin ni Claire.
Sumulyap ako sa kabilang table at nakatingin na samin yung babae pero yung lalaki nakatalikod samin dahil nakaharap siya kay ate girl. Mukha namang gwapo yung guy pero yung babae, grabe. Ayoko manlait, hindi ako judgemental. I'm just thinking the truth.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...