Diana's POV
Di ko alam kung ano ba ang gagawin ko naguguluhan ako sa mga nangyayari maraming tanong na hindi ko kayang sagutin.. Pero ayokong dumagdag... Ako na lang mag aadjust... Hihintayin ko na lang silang mag salita...
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto maaga akong nagising kaya maaga rin akong gumawa ng morning habits ko.
Tapos eto ako.. Nakatulala, nakatingin sa kawalan.. Para na akong mababaliw...
Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga...
Kaya ko to!
Problema lang yan.."Be positive Diana!" pagpapalakas ng loob sa sarili ko...
Bumaba na ako at nag diretso na sa labas hinihintay ako ng service ko...
Monday ngayon kaya bukas na ang pageant na yun.. Kaya mamaya late na ako makakauwi mag papractice eh..
Mabilis kaming nakarating sa school... Mabagal ang naging lakad ko pero feeling ko may nag mamasid sa akin..
Palinga linga ako... Sa di ko inaasahan may nakita akong tao na malayo ang distansya sakin... Balot na balot ang katawan niya kulay itim na pang ibaba at jacket na may hood lahat itim.. Sa oras na to para akong nanigas na para bang yelo at nung nainitan natutunaw, para akong nanghihina na di ko maintindihan...
Kahit balot na balot siya kita ko ang ngisi sa kanyang mga labi ani mo'y may galit sa akin....
Nakatingin siya sakin kaya dali dali akong tumakbo papaalis sa lugar na iyon at pumunta na sa class room...
Pag pasok nakita ko na silang lahat si Claire, Jenny, Sandra, Althea, Rosendall at Marky.... Ngumiti ako nang pilit para di nila mahalata na may bumabagabag sa kin at nagtagumpay na man ako doon..
"Oh what's up..." bati ni Jenny...
Nginitian ko lang sila... At umupo na sa tabi ni Marky..
"Galingan mo bukas ah... Support ka namin!" Sabi ni Claire na ikinalingon ni Marky sakin at sa mukha niya na para bang nagtatanong... Na get's ko naman....
"Ako ang ipanglalaban sa Ms. Nutrition." walang ganang saad ko, di ko parin maintindihan at ang ibig sabihin nung nakita ko kanina...
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya na napansin na may bumabagabag sakin....
Ngumiti lang ako at tumango..
Natapos ang subject namin at mag papractice na kami ni Charles kaya walang ganang umakyat ako papunta sa taas...
Nadatnan ko siya sa ganung posisyon niya noong sabado...
Pero parang iba ang ekspresyon niya ngayon na parang may galit.... Hays ano bang nangyayari sakin at pati tao sa paligid at nagiiba ang ihip nang hangin...
Charles's POV
Napansin kong may pumasok na sa practice room pero hindi ko ito nilingon...
Namimiss ko ang dating kong kaibigan, kapatid at lagi kong kalaro...
Nung 10 yrs old ako at si Marky ay 8 yrs. old lagi kaming magkasama... Para na nga kaming kambal ehh kapag may umaaway sakin ay pinagtatanggol niya ako kapag may umaaway naman sakanya pinagtatanggol ko siya... Noong panahong iyon close na close kami.. Pero nawala lahat ng pag sasama namin nung dumating ang araw na pinagalitan siya nang dahil sakin... Pinalo siya ni Daddy at pinagmumura na dapat ako ang nasa sitwasyon niya... Natatakot ako nun dahil nawala ko yung pera ni daddy kaya hanggang ngayon sinisisi ko sarili ko... Pero nung nalaman ko na iisa lang ang babaeng gusto namin pinaiwas ko na siya...sounds selfish no... Ayoko kasing may umaagaw sa kin....
Napabalik ako sa reyalidad nang may nakita akong panyo ang nakalahad sa harapan ko at nakita ko si Diana na nakangiti.... Parang naging baliktad yung sitwasyon namin kasi dati ako yung nagbibigay ng panyo sa kanya.. Hindi ko namalayan na may tumulong luha pala sa mata ko kaya dali dali kong kinuha yung panyo, nakita ko yung panyong binigay ko sakanya nung naging maging kaibigan na kami.
"Thank you." sabi ko at ngumiti sa kanya..
"Huwag na muna tayo mag practice parang may pinagdadaanan ka at saka baka ma perfect na natin yun.." pag bibiro niya. Natawa naman ako doon sa biro niya, totoo ang sinabi niya nung nakaraang week practice lang kami ng practice...
Tumango na lang ako ayaw ko naman na mag practice sakit naman kasi sa paa... Kung ako nga sumasakit paa ko si Diana pa kaya na naka heels..
"Kung gusto mo ikwento mo sakin yang pinagdadaanan mo. Kung gusto mo lang naman."
Natawa ako nang marahan sa sinabi niya...
Kung pwede nga lang ehh... Sinabi ko na sana kaso kasama ka dun ehh...
"Wala na miss ko lang sina Daddy and Mommy." pagsisinungaling ko..
Bigla namang nawala ang kaninang ngiti niya at napalitan ng malungkot na mukha... Kaya agad ko siyang tinanong...
"Kung gusto mo ikwento mo sakin yang pinagdadaanan mo. Kung gusto mo lang naman." pag uulit ko sa sinabi niya. Ngayon siya naman ang tumawa ng marahan...
Lakas talaga ng tama ko sa kanya...
Sana ako na lang si Marky...
Sana ako na lang yung naging kaibigan niya...
Sana ako na lang yung pinaampon...
Pero lahat nang yan.. Sana na lang...
Sana...
Natapos ang practice daw namin ay agad naman akong umuwi na. Si Diana? May dadaanan pa daw siya...
Kaya nauna na akong umuwi....
Pag dating ko sa bahay... Maid ang bumungad sakin at naglilinis sila nang basag na mga flower vase. Ano to!?
"Ano to!?" gulantang sabi ko napatingin naman sa gawi ko yung mga maids...
"Si Master po..." nanginginig na sabi niya..
Master? Eh di si Daddy?
Umuwi na sila? Pano kala ko di pa sila uuwi kala marami pa sila gagawin don...
"Dahil sa lalaking yun naging hindi maganda ang nagawa ko sa harap ng maraming tao!"
Agad akong pumunta sa gawi nina Daddy at nakitang galit na galit si Dad.. At si mommy umiiyak lang sa tabi... At pinipigilang si Dad na makabasag..
"Mga traydor talaga ang mga tao ngayon sila na yung tinulungan sila pa ang may ganang mang traydor!" Galit na galit na saad ni Dad...
Sino bang tinutukoy niya?
Niliko? Sinong nang loko sa kanya?
Maraming tanong na nasa isip ko pero hindi alam ang sagot... Para namang nag init ang ulo at dugo sa narinig ko..
Kung sino man ang nangloko sa Daddy ko o nang traydor sisiguraduhin kong pagbabayaran niya at pagsisisihan niyang nabuhay siya sa mundo....
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...