Chapter 25

167 15 0
                                    

Diana's POV

"WAHAHAHAHAHAHAH..Pftt.. WAHAHAHAHAAHAHAHA" tawa ko yan at ni Rosendall. Pano ba naman kinuwento ni Jenny, Claire, Althea at Sandra tungkol dun sa mga kaibigan ni Charles.

"Nakakainis yung mga yun. Mga Chonggo naman!" Sabi ni Claire.

"WAHAHAAHAAHAHAHAH"

"WAG NIYO NGA KAMI PAG TAWANAN! KAINIS!" iritang sabi ni Jenny. Napasabunot naman sila sa sarili nilang mga buhok. Di maka move on? Muntanga lang sila!

"WAHAHAHAHA Naimagine ko tuloy. Pftt..." si Rosendall. Inirapan lang kami nang apat. Aba! Hahahahaha!

Priceless yung mga reactions nila habang kinukwento samin. As in, matatawa ka. Hahahaha. Nakahanap na sila ng katapat. Buti sa kanila. Ako lagi pinag didiskitahan kaya ok lang sakin yun.. Hahahaha

Recess ngayon kaya nasa Canteen kami. Siyempre may nanlibre. Si Sandra, pambawi daw sa pag sigaw niya samin. Hahaha. Buti naman at makakaipon na ako.

"Nakauwi ba kayo ng maayos?" Nag aalalang tanong ko. Malay mo di ba? Baka nadulas sila? Nadapa?

"Okay naman kaso walang hiya yung apat na yun!!" Sigaw ni Althea. As always. Tss. Buti sa kanya. Bunganga kasi. Masama na ba akong kaibigan? Hahahaha.

"Kaya nga. Grrrrrrr! Gusto kong pag susuntokin yung mga mukha ng mga chonggong yun!" Si Jenny.

Palihim naman kaming tumawa ni Rosendall. Di maka get over mga to.

"Di na kayo tatandang dalaga!" Sabi ko. Nangunot naman ang noo nila.

"Wow! Hiyang hiya kami ha! Ay oo nga pala! Haba pala ng hair mo kaya hindi ka tatandang dalaga!" Sabi ni Althea. Napatingin naman ako kay Sandra para kasing naging inis yung expression ng mukha niya. Napatingin siya sa direksyon. Agad naman akong ngumiti nang napatingin siya. May iba eh...

Nag bell na kaya naman nag si balik na kami sa room. Si Marky kasama niya na si Jho. Mag sama sila. Pake ko!?

Napabuntong hininga naman ako ng maalala kong may practice kami mamaya. Pakshet! Oo nga pala. Makakasama ko nanaman yung Charles na yun!

Dumating na ang teacher at nakinig naman ako pero wala namang pumsok sa maganda kong utak. Aish. Katamad naman kasi. Wala ako sa mood makinig lalo na't boring yung teacher mag turo. Science eh, si Ma'am Ger.

Nakita ko namang nag silabasan sila ng papel. Hindi pala nag hingian pala. Ako rin makikihigi. Pero anong gagawin?

"Anong gagawin?" Tanong ko. Sana naman may sumagot. Kung sino makarinig.

"Tss. Di kasi nakikinig.. May Activity" sagot nitong katabi ko. Bwisit. Porket di ako nakinig. Lang'ya!

"Pahingi papel" hingi ko kay Claire. Siyempre siya merong papel eh. Ayokong humingi dito kay Marky. Arte! Mag sama sila nang Jho na yun!

Gumawa naman ako ng Activity na pinanasagutan ni Ma'am Ger. Buti open notes. Bait yan ni Ma'am minsan lang kasi mag turo lagi nasa meeting. Wala nang naturong tama kaya pag exam or long test kailangan talaga namin mag review para makakuha nang mataas na score.

"Class alam niyo bang next week na 1st examination niyo?" nagulat naman ako sa sinabi niya. Pakshet. Ang bilis naman. Kailangan pa namin mag practice sa sayaw. Napahawak na lang ako sa batok ko. Nakakangalay. Ano ba yan? Sunod sunod..

Good luck na lang sakin.

Natapos ang klase at practice naman. Hay buhay parang life. Hindi ko na pinansin si Marky. Lumapit na sakanya si Jho eh. Eh di magsama sila. Pakshet. Para tuloy akong bitter. Bahala sila. Dire diretso lang ako sa paglakad nang may maramdaman ako nang presensya sa tabi ko.

"Ay mahabang talong!" Napapagaya na ako kay Rosendall. Bad influence talaga yon. Anyways, balik tayo dito kasi itong Charles na to sumulpot na parang kabute sa tabi ko.

"Uy hindi ako talong pero may talong ako" ngumiti naman siya nang nakakaloko. Bastos. Pambihira.

Tinignan ko naman siya nang masama.

"Bakit meron naman talaga akong talon— A-aray!" Binatukan ko siya. Aba! Ang bastos ng bunganga. Painomin ko kaya siya ng mouth wash para malinis ang bunganga niya.

Hindi ko napansin nakarating na kami sa Dance room. Pumasok na kami. Konti pa lang mga 8 pa lang kami. Umupo naman ako sa sahig. Makintab yung sahig parang dance floor talaga. Naramdaman ko naman na may umupo rin sa gilid ko.

"Lumayo- lay—" di ko napatuloy kala ko si Charles. Si Marky pala. Pakshet.

"Bakit mo ako iniwan kanina?" Tanong niya na nagpakunot sa napakaganda kong noo. Pinagsasabi nito. Eh kasama niya si Jho kanina.

"Kasama mo na si Jho di'ba?" May halong pag kairitang sabi ko. Kainis.

Ngumiti lang siya nang nakakaloko. "Jealous?" Pakshet! Ako? Ako nagseselos?! Wow!

"Ako!?" Tumango siya. "Bakit ako magseselos?" Tanong ko.

"Ewan ko" sagot niya. Wow! As in W-O-W. Lakas nang tama. Walang tayo.

"Tignan mo! Manghuhusga ka kaagad. Bakit naman ako mag seselos? Wala namang tayo." Pagkasabi ko non bigla naman umiba yung mukha niya. Para siyang nalungkot.

"Uy! May nasabi ba akong masama?" Tanong ko.

"Your right. Sino ka nga ba para mag selos?" Pagkasabi niya ay tinalikuran niya na ako at pumunta sa direksiyo ni Jho. As always.

"Aha! Anong nangyari sayo?" Sabi ni Charles. Sinundan niya naman yung tingin ko.

"Ansakit no? Ganyan din nararamdaman ko kapag kasama mo at masaya ka sa tabi niya" di ko narinig ang sinabi niya sa huli. Parang pabulong kasi.

"Ano yun?"

"Wala... Sabi ko magsisimula na kaya tumayo kana" sabi nito at iginawad ang kanyang kamay para tulungan ako. Siyempre tinanggap ko. Choosy pa ba ako? Joke. Hahahaha.










"1,2,3,4 and 5,6,7,8! Pabalik!" Sabi nung choreographer namin. Babae siya.

"8,7,6,5,4,3,2 and 1"

"Gets niyo na?" Tanong nito. Tumango naman kami. Di pa naman tapos pero may nagawa na kami. Magaling naman siya. Pangalan niya daw Shiela. Pero we can call her Ate Che.

"Ok that's all for today" sabi niya at nag palakpak pa. Kailan ba talaga may papalakpak? Ka echosan lang ata yun eh.

Pumunta naman ako sa may bag ko. Nasa sahig siya. Kinuha ko yung tubig kong binili ko sa Canteen.

"Painom" sabi ni Charles at nag puppy eyes pa. Tinignan ko naman yung bottle ko.

"May laway ko na" sabi ko.

"Hayaan mo na. Wala ka naman ata Tb?" Sabi nito at kinuha ang bottle at nilagok. Oo nilagok. Ubos. May laway ko na yun. Mayaman naman siya ah. Kaya niya nga bumili ng isang truck non eh.

Uminom ako dun at may laway ko na.


Tapos siya uminom din. Ibig sabihin?...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

NAG INDIRECT KISS KAMI!

**

Thank you po sa pag basa nang story ko na to. Thankful ako. Kahit hindi ganon kadami yung nag babasa. Salamat sa mga nag babasa. Ang please don't forget to Vote and Comment. Suggestions? Please comment below.

Thank you.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon