Back to Present.
Diana's POV
Ramdam ko na gising na ako pero hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko. Maingay, may nag-aaway, may naghaharutan, na parang walang natutulog dito.
"Sssshhhhhhhh! Ang ingay niyo." nakapikit na sabi ko. Natutulog ang tao napakaiingay.
"My ghad! Gising na ang Sleeping Beauty." rinig kong bulong ni Althea.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko at nakita ang puting kisame. Pinaling ko ang tingin sa kaliwa at nakita ko ang mga kaibigan ko, si Althea, Jenny, Claire, Sandra, Rosendall at Marky at Jacob!
"Walang hiya ka! Anong ginawa mo sakin!?" tiningnan ko ng masama si Jacob na napayuko.
Lumapit sakin ang mga kaibigan ko at hinawakan ako sa braso.
"Mali ang iniisip mo." nakayukong sabi nito.
"Mali!? Ang ano? Ang pagtakip sa ilong ko ng panyo na may pang-pa-hilo?" galit na sabi ko.
"Diana, niligtas ka niya." sabi ni Marky.
"Kakampi ka rin niya? Kaya ka lumalapit sakin ngayon after some years dahil yun ang plano niyo?" nanghihinang sabi ko. May naramdaman akong tusok sa braso ko.
Althea's POV
"Nurse! Nurse! Yung patient sa room 45 nagwawala po!" nagpapanic na sabi ko.
"Hoy! Ang OA mo! Parang nawala lang siya sa sarili, galit na galit." sabi naman ni Claire.
'Siya yung OA e, Ako pa?'
"Uhm... Nurse paki puntahan na lang po." mahinahong sabi ni Sandra.
Mabilis naman kumuha ng syringe na may laman atang pampatulog. Mabilis kaming tumakbo papunta sa kwarto ni Diana.
'Buti na lang at runner ako, 1st runner up.'
Nang makarating kami sa kwarto ni Diana ay mabilis na lumapit ang nurse at tinurok kay Diana.
Umalis kasi si Tita para bantayan si Ashley, nandito rin sila nasa ibang room lang.
May mga galos kasi si Ashley habang si Diana wala naman.
'Ewan ko ba kung bakit nandito pa yan sa hospital pwede naman sa bahay na lang. Char.'
"Mam and Sir, kung ano man po ang ikinagagalit ng pasyente o kung sino man po ang ikinagagalit ng pasyente, kapag nagising po siya wag po munang magpakita." paliwanag ng nurse.
"Okay po." sagot ni Claire.
"Hoy! Kayong dalawa!" turo ko kay Marky at Jacob. "Maglakad-lakad muna kayo sa labas. Ang papangit niyo kasi kaya nagagalit ang Sleeping Beuty!"
"Wag kayong mag-alala, kami na ang magpapaliwanag sa kanya." sabi ni Rosendall.
Lumabas na ang dalawa at kami na lang na anim ang natira kasama na si Diana don.
"Bakit kasi may patakip-takip ilong pa si Jacob kay Diana?" naiinis na sabi ko.
"Baliw, kasi nga para hindi na—"
"Para hindi na madamay at para di na rin masaktan si Diana. Alam ko na, ang sweet naman talaga ni Jacob, bet ko talaga siya." putol ko kay Sandra.
"Ang harot mo talaga!" sabi ni Jenny sakin.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...