Diana's POV
"Nak! Bilisan mo na dyan malalate na tayo!" Sigaw ni Manang sa labas. Nandito ako sa kwarto nag aayos. Oo nag aayos ako. Bakit?
Because it's Recognition day!
Kasali ako sa With honors. Kaming anim kasali kami!!
Woah! Ang saya lang..
Si Manang ang aakyat sakin. Wala pa sina Mama tsaka Papa. Lumala yung mga injuries ni Papa. Sabi ni Mama nangyari ulit yung dati. Napagtripan nanaman siya.
Sa pagkakataong ito hindi ako nanininwala na aksidente lang yun. Sinasadya na yun. Malaman ko lang kung sino ang may pakana ewan ko lang.
"Nandyan na Manang!" Sigaw ko at kinuha ko yung maliit na pouch na dadalhin ko.
Bumaba ako at naabutan ko si Manang at si Ash sa baba.
"Nak si Ashley pala susunduin siya ng bestfriend niya dito.. Hindi daw siya sasama" sabi Manang at tinuro si Ash na kasalukuyang nag aayos ng bag niya. Tumango lang ako bilang sagot.
8:00 daw magsisimula yung Recognition tinext ako ni Claire kagabi eh.
*Dingdong * *Dingdong *
"There she is!!" Masayang sabi ni Ash at tumakbo papunta sa pinto. Sinundan naman namin siya ni Manang.
"Trixie!!!" Sigaw nang kapatid ko sa bestfriend niya. Nag beso beso pa sila. What the? Elementary pa lang yan ha.
Hiyang hiya ako ha..
"Ate Diana! I will borrow Ash muna.. We're going to play sa bahay.." Sabi ni Trixie. Ang cute niya. Ganyan talaga siya mag salita. I don't know kung bakit? Pero sa tingin sinanay siya nang magulang niya mag salita nang ganyan.
"Ok. Take care of Ash ha.." Nakangiti sabi ko sa kanya.
"Yes Ate Diana!!!" Sabi niya at sumaludo pa na parang sundalo.
"Take care!" Sigaw ko ng habang papasok na sila nang kotse.
"Nak halika na.. Malalate na tayo. Alas 7 na" sabi niya sakin.
"Opo manang"
Pumunta muna siya sa pinto at ni lock yun. Lumabas naman ako para malock na yung gate.
**
Nang makarating kami sa school ay agad kaming nag lakad ni Manang sa pila para sa may mga honor at magulang.
"Ay ke dami dami namang tao dito" sabi ni Manang. Madami talaga all grade level nandito. Sina Ash kasi bukas pa yung recognition nila. May award din si Ash. Si Manang 'din ang aakyat sa kanya. Buti nga hindi na niya hinahanap lagi sina mama at papa eh..
Pumila ako sa pwesto ko. Nagpractice kami nung nakaraang araw para dito kaya alam na namin yung mga pwesto namin.
"Diana!!!" Sigaw ng mga kaibigan ko na papalapit na sakin.
"Sino ang aakyat sa'inyo?" Tanong ko sa kanila.
"As usual si Nanay" sagot ni Claire. Yung nanay na sinabi ni Claire parang nanny nila ganon. Yung nag aasikaso sa kanila kasi laging wala yung parents niya.
"Si Manang Lolet" sabi ni Jenny. Parang ganon rin kay Manang at Nanay. Siya rin yung nag aalaga kay Jenny kapag wala ang parents niya.
"Si Aling Margaret" sabi ni Althea. Parang ganon rin kay Manang, Nanay at Manang Lolet.
"Si Tiya Helen" sagot ni Sandra. Tita niya yun pinsan ng Papa ni Sandra. Parang ganon rin, siya rin yung nag aalaga kay Sandra.
"Si Ate Inday" sagot ni Rosendall. Yun 'din yung nag aalaga sa kanya. Bata pa yun mga 28 yrs. old pa lang ganon.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...