Chapter 22

170 5 0
                                    

Diana's POV

"The nomination for vice president is now open" sabi nung teacher.

"I nominate Jho Louise Tiu as a vice president." Pagboto ni Marky kay Jho. Eh di wow. Oo tama kayo nandito si Marky. Nandito rin si Charles. Si Charles yung president. Sinulat naman nung teacher yung name ni Jho.

"Ma'am!" tawag ni Charles. Nag taas siya nang kamay. Ewan ko kung mag nonominate ba siya?

"I nominate Diana Alfonso as Vice President" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Charles.

"Wag!" Napatayo ako kaya na saakin ang atensiyon ng lahat.

"Is there any problem Miss?" Tanong ni Ma'am. Napayuko na lang ako.

"W-wala po" naupo na lang ako. Tinignan ko nang masama si Charles. Inosenteng tumingin naman siya at nagkibit balikat lang siya na parang di alam ang nangyayari. Pambihira.

"Meron pa ba?" Tanong ni Ma'am.

May nag taas naman na iba. Hindi ako interesado sa iba. Kainis ayoko maging officer ng Dance Club. Kainis. Malilintikan talaga sakin yang si Charles. Daming mga achuchu kapag naging Vice Prensident.



**

"Thank you for joining this Club, Dance Club. Our President is Charles James Gonzales. The Vice President is Diana Alfonso. And the Secretary is Jho Louise Tiu. The Treasurer Marky Selojerp." Sabi ni Ma'am. Tama kayo nang basa ako nga yung nanalo sa Vice. Kaya ito ako parang pinag takluban ng langit at lupa. Ayoko kasi.

Pag kalabas namin sa room na kung saan nag nominate. Lumapit ako kay Charles at binatukan siya.

"Aray!" Pag rereklamo niya

"Bakit mo kasi ninominate? Ayoko nga eh!" Sabi ko at kinurot ko siya sa may braso.

"Aray ko ang sadista nito. Ganyan ka na ba sa Boyfriend mo?" Tanong nito. Namula naman ako sa sinabi niya.

"A-anong boyfriend boyfriend ka dyan?!" Natawa naman siya nang konti. Walang hiya! Hangal!

"Cute mo talaga" sabi nito at tinap ako sa ulo. Namula naman ako. Aishh... Ba't ako kinikilig? Ang rupok ko naman. Konting salita lang kinikilig ako.

Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling mag lakad papunta kay Marky SANA. Kaso may lumapit sa kanya. Si Jho. Nanlumo naman ako. Nasa'n kaya yung ibang kaibigan ko. Nilibot ko ang mata ko nasa may Mapeh Club kami. Mapeh rin yung mga kaibigan ko kaso iba ibang category. May sa Singing at Arts. Si Claire, Jenny at Rosendall Singing Club at si Althea at Sandra nasa Art Club.

"Ouch!" Bigla namang may tumakip sa mata ko.

"Uy! Bitawan mo nga! Alam kong kayo yan!" Pilit kong inaalis ang kamay na nakatakip sa mata ko. Mga punyemas.

Inalis naman nila yung kamay at nakita ko silang tumatawa. Si Rosendall ang nagtakip ng mata ko.

"Bwisit ka!" Sabi ko kay Rosendall at binatukan siya. Pinagtulungan ba naman ako?

"Oh balita? Anong nangyari?" Tanong ni Sandra..

"Sa dance club ako. Si Marky at Charles kasama. Alam niyo ba? Ako yung vice president! Ayoko nga tapos ninominate naman ako ni Charles. Si Charles kasi yung president. Tas si Marky yung treasurer. Bwisit. Ayoko na!" Sabi ko. Nakatingin lang sila sakin nang bigla silang tumili na parang kilig na kilig.

"Ibig sabihin lagi mo silang makakasama!!" Sabay sabay na sabi nila. Kaya pinag titinginan na kami ng mga estudyante at guro.

"Shhh. Ang iingay niyo. Parang ganon na nga" sabi ko.

"Talaga!?"

"Sabing wag maingay eh!"suway ko sakanila.

"Punta na nga tayo sa room!"

Naglakad na ako papuntang room at sumunod naman sila. Follow the leader. Charot.

Nakarating kami sa room na kumpleto na kami na lang pala yung nahuli. Pagtung-tong namin sa pinto bigla naman nagsi palakpakan. Nyare? Nakakunot naman ang noo ko.

"Mga pa special!"

"May VIP daw sila. Wag kayo?"

Sabi nang mga bida bida kong kaklase. Porket nahuli pa special agad. Tsk. Iba din! Mga pabibo!

Nakakainis ang paplastik ng iba kong kaklase..

"Mga epal" rinig kong bulong ni Claire.

"Huwag niyo nang patulan. Pumasok na tayo" aya ni Sandra.

Nauna na siyang pumasok. Nakita ko naman si Marky walang reaction. Abnormal. Minsan laging nakangiti ngayon naman wala emosyon. Bipolar!

Naupo na lang ako kasi dumating na si Ma'am. Math na...

"Bakit di ka pumasok ng first sub?" Bulong ni Marky.

"Ahhh. Nalate kasi ako. Kasama ko si Charles nasa canteen kami nun eh"

"Pwede niyo namang ishare yan Miss Alfonso at Mister Selojerp" sabi ni Ma'am kaya natahimik ako. Hindi na lang ako nag salita baka mapagalitan lang ako ey.

Narinig ko naman ang pag papaumanhin ni Marky. Kainis. Nakinig na lang ako sa mga dada ni Ma'am.

"You need to find the value of x blah blah blah achuchu blah blah" hindi ako interesado maghanap niya. Kainis. Madugo nanaman solve-an to. Bakit kasi kailang may math pa?.. Buti sana kung magaling ako sa numbers. Magaling lang naman ako sa pera eh.. Hahaha. Joke.

Natapos ang subject na Math ay lumapit naman sakin yung lima. Umalis si Marky nag CR ata?

"Uy!! Ayieeeee!!" Panunukso nila. Di ba sila makamove on? Kanina ko pa sakakanila nasabi..

"Hindi ba kayo maka move on?" Umiling naman sila at pinag patuloy ang pang aasar sakin.

"Ayieee! Ayieeeee!" Kinurot kurot pa nila ako sa may waist... Hahahaha..

"Uy! Ano ba Hahahaha itigil niyo nga! Hahaha" pag suway ko.

Itinigil naman nila kasi dumating naman si Ma'am Ger. Hahahaha. Natatawa talaga ako sa apelyido niya.. Dumating na rin si Marky. Tagal mag CR ah. May pasa siya sa labi? Nakipag suntukan sa CR? Hindi ko na lang pinansin.

"Class, may meeting kaming mga Science Teacher kaya mag iiwan muna ako nang Activity" sabi niya at dinikit niya ang visual niya. Pagkadikit niya ay umalis na. Buti naman. Boring niya kasi mag turo.

"Marky anong nangyari diyan sa labi mo?" Nag aalalang tanong ko.

"Wala to. Napaaway lang" maikling sagot niya. Pumunta naman ako sa unahang pintuan at kinuha ang first aid kit namin. Lumapit ako sakanya. At sinenyasan siyang gagamotin ko yung sugat niya.

"Wag na!" Pagtanggi niya.

"Lumapit ka dito! Isa!"

"Tss" padabog naman siya tumayo at umupo sa upuan sa pinak likod. Sa mga noisy student yung upuan na yun.

Kumuha ako nang bulak at nilinisan ang sugat niya.

"A-aray!"

"Wag ka kasing malikot!"

"Tss"

Word of the day 'TSS'

"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" Pang aasar nang mga kaklase ko. Siyempre nangunguna yung lima.

Bigla naman ako napalayo kay Marky.

"Para kayong mag asawa!" Sigaw nang kung sino.

Mag asawa? Asawa agad? Pwede namang mag boyfriend/girlfriend muna? Uy! Grade 8 palang kami! Hindi pa pwede yun.

Kinuha ko na yung first aid kit at nilagay na sa lalagyan. Bumalik na ako sa upuan at sumubsob.

"Ayiee!"

"Ayiee!"

Panunukso ng mga baliw kong kaibigan. Namumula ako kaya wag niyo na akong asarin. Please.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon