A/N:
This is the last chapter at susunod na ang epilogue. Sana kahit papaano ay nagustuhan niyo. Maraming salamat sa pag-hihintay at maraming salamat sa mga nag-babasa at nagvo-vote. Sana supportahan niyo ako sa iba ko pang isusulat. Hehe. <3
-c
Claire's POV
"That's my friends story, Lairca." she looked at me with her innocent eyes.
"Lola, ang sad naman ng story niya."
"No, Lairca. We all have tragic ending, like me, ilang sandali na lang ang natitira ko dito sa mundo." hinawakan niya ang kamay kong kulubot at namumutla dahil sa katandaan.
Namatay siyang kasama ako, kahit huling sandali ni Diana. Hindi ko makakalimutan ang mga alaalang naiwan ng mga kaibigan ko. I'm now old. Jenny, Sandra and Althea are now in abroad, they're happy living with their families habang ako nandito sa Pilipinas at naghihingalo. Nakahiga sa hospital bed. Si Rosendall, wala na akong naging balita sakanya simula ng makulong ang ina niya na pumanaw na rin.
"Lola, don't give up. Don't leave m-me." my twelve years old apo said. Pinipigilan ang pag-iyak.
"Hija, lahat ng bagay temporary. Pero kahit ganon, memories always there. Mawala man ako nandyan pa rin ako sa puso niyo." pumatak ang luha ko sa mga sinabi ko. Naaalala ang mga masayang nangyari sa buhay.
"L-lola, magha-high school na ako. Wag mo akong iwan. S-sabi mo m-manonood ka pa ng highschool graduation ko." sabi nito habang naluluha na at namumula ang ilong.
May mga bagay na mahirap kontrolin at hindi mo makokontrol.
My Highschool life is unforgettable. Dyan nagsimula ang grupo ng magkakaibigan. Dyan mo mararanasan ang gumala ng hindi nagpapaalam sa magulang na kahit pamasahe lang okay na. Dyan mo mararanasan ang mapagalitan dahil late ka umuwi dahil sa practice at pag di ka umattend di mo alam ang gagawin mo. Dyan mo mararanasan magka-crush tapos di ka ika-crushback. Malalaman mo ang totoong meaning BDO kapag may exam. Tapos izozoom ang picture mong epic. At kahit parehong kaliwa ang paa mo at nakakabasag salamin ang boses mo para sa grade gagawin mo. Dyan mo maranasang magreport tapos pagtatawanan ka ng kaibagan mo kaya matatawa ka rin. Sobrang ingay niyo pag-uwi. Tapos kung makatili ka para isupport ang kaklase niyo sa programs.
Pero dyan mo rin mararanasan ang pag-mature mo na parang hindi at matututo sa mga pagkakamali mo. Lahat ng pangangaral ng teacher niyo at pag-surprise sakanila kapag teacher's day. Lahat ng kalokohan na mauuwi sa pikunan pero magbabati rin naman kasi wala kang papel. Mararanasan mong mamulubi dahil sa treasurer niyong panay ang singil. Mararanasan ng umiyak dahil iiwan niyo na ang teacher niyong ka-close niyo.
Parang kahapon lang mga pangyayari kapag iniisip mo pero lumipas na ang ilang dekada ngunit sariwa pa saakin ang lahat. Kung paano nangyari ang lahat, kung paano kami nagkahiwa-hiwalay, kung paano nawala ang pagsasama namin papunta sa mga galaan.
"Lola." Nagising ulit ako sa tinig ng aking apo. Unti-unti kong minulat ang aking mata ngunit malabo. Kumurap ako at nakita ang mga taong nakapalibot. Tatlong nasa wheel chair at may kanya-kanyang nurse.
"Surprise, Lola." Sabi ng apo habang nasa ere ang dalawang kamay.
"Ma, kinontak ko sina Alexa, Aldy, at Jeneva kung pwede sina Tita Sandra, Tita Thea at Tita Jenny na pumunta dito." sabi ng anak ko, nanay ni Lairca.
Ngumiti ako sa kanila. Lumipat ang tingin ko sa tatlong kaibigan ko. Maganda pa rin sila ngunit kumulubot na ang balat tulad ko.
"Claire..." nakangiting bati ni Jenny.
"May alindog pa ba tayo?" sambit ni Althea. Nagtawanan naman ang mga tao sa kwarto.
"Mukhang pawala na." Napuno ng hagikhikan ang aking silid.
Nakangiti ngunit naluluha ako habang tinitingnan ang lahat.
"Dumalaw na din kami kay Diana..." sambit ni Sandra.
"Matagal na ang lahat pero parang kahapon pa din." lumuluhang sabi ni Jenny.
Third Person's POV
Napuno ng tawanan ang silid. Nangingilid ang luha ngunit pilit sumasabay sa tawanan.
Ang matandang nasa kama ay puno ng kasiyahan ang puso.
'Sana nandito ka rin.' Iniisip ang kaibigang nawala na.
Palihim niyang pinupunasan ang luhang pumatak at pilit na tinatago ang hikbi sa pagtawa.
Makalipas ang oras ay natahimik ang lahat. Unti-unting sinara ng matanda ang kanyang mata.
'Paalam.' Hindi niya naisatinig ang salitang iyon dahil sa hirap sa paghinga at sa paglamon sa kanya ng kadiliman.
Nakakabinging tunong ng makina ang nagpagising sa katahimikan.
"Claire!"
"Lola?!"
"Mama..."
Nagkagulo ang lahat at nagmamadaling lumabas para tawagin ang doctor ng labing dalawang taon gulang na lumuluha.
"Time of death, 9:01 am." deklara ng doctor.
Napuno ng iyakan ang labas ng silid. Ang matanda ay tinatahan ng kanilang kaniya-kanyang nurse.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...