Chapter 11

251 6 0
                                    


Marky's POV

Nagulat ako sa pag dating ni Diana sa bahay ng gago kong step brother. Ayokong malaman niya na mag kapatid kami. Mag kaiba ang ginagamit naming apelyido. Ginagamit ko ang kay Mommy at siya naman ang kay Daddy kaya mas kilala siyang anak ni Daddy.

Nasa sofa ako at nag lalaro sa cellphone nung dumating si Diana at yung dalawang kasama niya. Yung bata tsaka matanda. Ewan ko kung kaano ano sila.

Nagulat ako nang biglang may narinig akong nabasag sa may kusina. Dali dali akong pumunta sa direksyon na iyon. Nakita ko ang kalat na pagkain na nahulog sa lapag at parang may namumuong tensyon dito.

"What happen?"tanong ko sa isang katulong.

Hindi sinagot nang kasambahay ang tanong ko kaya tinignan ko sila.

Ano nangyari dito?

Halata ang gulat sa mukha ni Diana at kasama niyang matanda at ang bata. Kapatid niya ata yun? Kamukha niya.

Nakita ko si Mommy na nasa gilid lamang at pinapanood ag eksena.

"Damn! Palayasin mo ang mga bisitang yan!"galit na saad ni Dad.

Bakit ba pinapaalis ni Dad ang bisita?

Nakita ko ang pag kunot ng noo ni 'kuya' Charles dahil sa inakto ni Dad. Nanginginig sa galit si Dad. Ba't siya nagagalit?

Lumapit ako kina Diana at hinawakan siya kamay.

"Sorry for that. Hatid ko na lang kayo sa labas" sabi ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na ang pag bilog ng kamao ni Charles.

Tinanguan lang ako ni Diana at nag lakad na kami palabas.

"Pasenya na po talaga. Hindi tuloy kayo nakakain"yumuko ako ng konti para mag paumanhin.

"Hindi okay lang yun ano ka ba. Hindi lang naman pag kain ang pinunta namin."

Ok? So ano pinunta nila?

"Ah ganon ba?" Nahihiyang tanong ko.

"Bakit ka nga pala nandito?" kunot noong tanong niya.

Ano bang sasabihin ko? Think. Think. Think.

Parang may munting ilaw ang lumabas sa taas ng ulo ko. Simbolo ng may naisip ako.

"Magkaibigan kami. Oo tama!! magkaibigan kami!" sabi ko.

"S-sige uwi na kami ha" nahihiyang saad niya. Sana maniwala siya.

Ang ganda niya talaga.. Hindi na ako nanood ng laban nila... Mag seselos lang ako pag nakita ko silang mag kasama ni 'Kuya' Charles

Nauna na sakanya ang matanda at yun bata. Hindi pa siya nakakalayo hinigit ko ang kamay at hinalikan iyon. Nakita ko naman ang pamumula niya. Wala na siyang sinabi at patakbong pumunta sa bahay nila.

She's so cute.


Diana's POV

Pagdating ko sa bahay at pag kasara ng pintuan ay agad ako tumili at nag tatalon talon. Haist. Ba't parang crush ko na rin siya? Landi ah.

"Kyaaaahhhh~" tili ko na tumatalon pa.

"Bakit? Anong nangyari sayo nak? Wait? Tatawag na ba ako sa hospital? Nak ano nangyari" sabi ni Manang at chinecheck ang katawan ko. Hahaha..

"Manang wala po yun it's just...."hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ko. Sasabihin ko ba? Wag na.

"Manang nasaan na si Ash?"pag iiba ko. Tiningnan naman ako ni manang na makahulugan.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon