Ito po yung Chapter 10. Pasensya na po.
Diana's POV
"Diana Alfonso from the grade 8 cream section!"
OMG?
Ako?
Hala..."Congratulations you are the Ms. Nutrition 2018!" sabi ng emcee..
Ako ba talaga?
Tapos yung nanalo sa Mr. Nutrition si Charles. So, partners kami? Oh my gosh...
Hindi ako makapaniwala. Alam niyo ba ang talent naming dalawa? Kumanta kami.. Ok lang sa akin kasi 'maganda' naman boses ko at saka si Charles ang ganda pala ng boses niya propessional na ata siya ehh?
Kanina may pa eye contact pa naloloka ako... Kinikilig ang lola niyo...
Yung pagrampa namin siyempre bongga... Kahiya nga ehh... Kinapalan ko na mukha ko para manalo lang kami. Nakakahiya naman kasi kay Charles kung matalo kami diba? May pahawak pa ako sa mukha niya may payakap pa siyang na lalaman.. Kyahh~
Hindi naman sa desperada akong manalo... HAHAHAHA....pero parang ganon na rin...
Lumapit naman sa akin ang dalawang judge at nilagyan ako ng korona, slash, trophy at flowers...
Hindi ko naman talaga ine expect na mananalo ako dito ehh...
"Congratulations"nakangiting sabi ng babae ....
"Congrats" sabi naman nung chinitong judge din...
"Thank you po"nahihiyang sabi ko..
Kahiya kaya ang ganda nga nitong katabi kong babae ehhh...
Compare sakin mukha lang akong paa niya..
Ngumiti ako sa camera at nag simula silang mag picture..
"Our Mr. Nutrition and Ms. Nutrition 2018!" sabi ng emcee..
"Kyahhh ang galing mo Diana! Kaibigan namin yan!!" sigaw nang 5 kong kaibigan wala na si Marky... Ewan ko kung nasaan..
"Ok picture tayo!" hyper na sabi nung emcee kaya nag sitayuan naman yung mga judge at ang 1st, 2nd, 3rd runner up...
Ang 3rd runner up pala yung grade 7 at yung 2nd grade 9 at yung 1st yung bruhita ng nakabangga ko dati, yung kanina sa backstage..
"Oh kayong dalawa" turo sa amin ni Charles nung nag pipicture..
OH MY GOSH!!
Nung nag katabi kami hinawakan niya ako sa waist na parang naka akbay pero nakahawak siya sa waist ko..
Hoy!! Puso huwag kang ganyan.... Normal ka lang masyado kang malakas baka marinig ka ni Charles..
Click... Flash...
Click... Flash...
Click... Flash...
Naiiyak ako... Ang galing ko naman...
I'm so proud of myself...
Sa gan'tong contest nanalo ako? Hindi ako makapaniwala...
Isang Diana Alfonso nanalo sa isang beauty contest? Unbelievable..
Hayss... Ang galing ko...
Napadaan ang mata ko sa isang parteng sulok na parang may taong na ka all black na naman at nakatingin sa akin at nag patayo na naman ng balahibo ko...
Kinurot ko ang sarili ko para baka kung ano lang nakikita ko Wala pa namang holloween...
And pagtingin ko ulit nawala na yung tao..
So, guni-guni ko lang yun?
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...