Diana's POV
Tinignan ko ang larawan ni Papa na hawak ko.
'Kailan ko ba mahahanap ang pumatay sa inyo Papa?'
Binalik ko ang larawan sa study table ko at dinial ang number ni Claire.
"Hello?" sagot sa kabilang linya.
"Claire meron na bang update?" sabi ko.
"Wala pa rin but I know soon meron na yan."
"Kailan naman kaya yung soon na yan?" nanghihinang sabi ko.
"Malay mo bukas, sa susunod na araw, at sa susunod pa ulit na araw."
"Uhmm... Sige Claire. Thanks, I need to end this. Bye."
Nahiga ako sa kama ko at ilang minutong nakatingin sa kisame at sa kalauna'y nakatulog na.
Kinaumagahan
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na text message.
Althea 1
Sandra 1
Jenny 1
Rosendall 1
Claire 1Althea
Labas tayo ngayon! Mall?
Sandra
Let's go out!
Jenny
Ano G ka? Labas daw.
Rosendall
Are you going?
Claire
Kita-kita tayo.
Pare-pareho lang ang meaning nung messages, lahat pa sila nag messages at ang iikli lang naman at di man lang nag-good morning.
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyaring insidente. Balik normal ang lahat. At yung mga nahuli don sa insidente, hindi pa rin nagsasalita. Masyado silang loyal sa boss nila pero lalabas din ang baho nila. Sabi nga nila 'walang sikretong hindi nabubunyag'.
Tumunog ang selpon at this time isa na lang ang nag-text at si Rosendall na lang. Sa ******* Mall daw, 12 pm at kita kita na lang daw sa entrance. Sobrang init naman ng 12 pm, tirik na tirik yung araw. Pupunta naman ako dahil ang lungkot ng buhay. Si Ash kasi may trauma pa sa nangyari kaya lagi siyang binabantayan ni Mama at nag-leave din si Mama sa trabaho para maalagaan si Ash.
Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Mama sa kusina na nagluluto.
"Ma! Magpapaalam po sana ako, aalis ako kasama ko sina Claire." paalam ko. Napalingon naman si Mama at ngumiti.
"Sige pero 'wag kang magpapagabi, alam mo naman ang mundo ngayon."
"Ay, si Manang po?" tanong ko.
"Naglalaba, sabi ko kasi ako na lang magluluto kaya ayun naglalaba siya. Teka, sure ka bang sina Claire yung kasama baka kung sino yan huh? May boyfriend ka na ba ate?" napaupo naman ako sa last na tanong ni Mama.
"Mama naman! Wala pa yan sa isip ko. Mag-aaral muna ako." sabi ko.
'Talaga bang wala sa isip mo?'
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...