Chapter 53

56 2 0
                                    

Claire's POV

Nagulat ako ng biglang napatayo si Diana at tinatawag si Marky habang nakatingin sa poste na may kalayuan samin.

Tinitingnan ko yun pero wala akong makita dahil malayo na at nanlalabo na ang mata ko.

"Marky!" tawag ni Diana at patakbong pumunta doon.

"Teka lang! Hoy! Wala si Marky!" sabi ko at sinundan siya. Medyo malayo na siya sa'kin dahil sa bilis ng takbo niya.

"Diana! Sandali lang! Hoy, saan ka pupunta?! Highway na yan! Hoy!" naguguluhang sabi ko. Buti na lang at konti na lang ang mga sasakyan. Mukha kaming nag hahabulan dito.

"Marky!" tawag niya. Wala akong makitang Marky pero panay tawag niya. Wala na si Marky.

Patuloy siya sa pagtakbo ganoon din ako. Hirap na ako pero kinakabahan ako sa pinag-gagawa ni Diana baka mamaya mabundol siya, konti lang sasakyan kaya mabilis na ang pagpapatakbo ng mga sasakyan.

"Ano ba, Diana!?" sigaw ko sa kanya pero parang wala siyang marinig at pinagpatuloy ang pagtakbo.

Tumigil ako at kinuha ang selpon para tawagan si Jenny.

Jenny's POV

I am stalking a guy named Agmsy, curious lang ako. Ang gwapo kasi tapos mukha pang mabait. Shets.

Napasimangot ako kasi biglang may nagchat.

Chonggo here:(Darryl) nickname ko sa kanya.

Matulog ka na nga.

Chat niya. Stalker talaga ang chonggong 'to. Hindi ko na siya pinansin. May ini-stalk pa ako kaya bahala siya saka hindi naman kami friends. Special friend. No!

Famous si Agmsy tapos ang lalandi ng comment. Hay nako. Sorry di ako malandi kaya thank you, next.

Pero bago pa ako makahanap ulit ay bigla na lang nag-pop-up yung name ni Claire, tumatawag.

Mabilis ko yung sinagot.

"May gwapo akong nakita sa fb! Kaso famous tapos madaming fans!" bungad ko sa kanya.

Narinig ko na mabigat ang hinga at hinihingal. Don't tell me! No ulit!

"H-hoy ba't ka hinihingal ha..." pang-aasar ko.

"Taena ka. Ang dumi-dumi mo mag-isip. Si Diana!—"

"Bakit? Anong nangyari?!" nagpapanic na sabi ko habang kinukuha ang hoodie jacket ko habang ang selpon ay nakaipit sa tainga ko.

Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahan kinuha ang susi ng kotse ni Daddy.

"Ewan ko don, bigla na lang nagtatakbo. Punta ka dito sa may malapit sa lugar kung saan ang burol ni Marky."

"Bakit andyan yan? Akala ko ba— Oo papunta na ako. Pag ako talaga napagalitan ikaw sisihin ko."

"Bilisan mo. Panay tawag niya kay Marky tas tumatakbo. Wala namang akong nakikitang tao."

Mabilis akong sumakay sa kotse ni Daddy buti na lang tulog na sila dahil anong oras na.

"Otw na ako ha. Teka lang." sabi ko.

Panay oo lang ang sagot ni Claire dahil tumatakbo siya.

"Hindi. Hindi. Hindi. Diana! Shit!" rinig kong sigaw ni Claire.

"Hoy! Anong nangyari?" tanong ko pero hangin lang ang naririnig ko at pagbagsak ng selpon.

"Sagutin mo ako! Shit! Sumagot ka." pinaharurot ko ang sasakyan buti na lang at wala ng ganoong sasakyan kaya ayos lang na mabilis pero maingat.

"Claire... Sumagat ka. Anong nangyayari dyan? Malapit na ako..." sabi ko.

Tanaw ko ang apat na tao na nasa gitna ng kalsada mismo.

May nakahiga at dalawang nakaluhod habang ang isa ay may katawagan.

Inayos ko ang salamin at patakbong pumunta doon.

Nakita ko si Claire na nakaalalay kay Diana na nakahiga at madaming dugo sa ulo. Napatakip ako sa bibig.

"Diana..." gumaralgal ang boses ko habang tinitingnan ang sitwasyon.

"Mam, pasesya na po. Hindi po namin siya nakita." umiiyak na sabi ng lalaking lumuluhod at panay hingi ng tawad.

"Mam, papunta na po ang ambulansya." sabi ng kaninang may katawagan.

Lumuhod ako sa kabilang side ni Diana.

"N-na-hi...hil-lo n-n-n-na a...ako. An-ng s-sa-k-kit." sabi ni Diana habang tumitingin sa amin.

"Diana, 'wag kang pipikit. Pag-pumikit ka kukurutin kita sa singit. 'Kala mo ah." sabi ko habang umiiyak pero pinapanatili na nakangiti.

"S-sal-lama-at."

"Diana, 'wag ka ng dumaldal. Hu...huminga ka ng malalim." sabi ni Claire habang tinatapik ng mahina ang pisngi ni Diana.

"Anong salamat ka diyan? Kukuritin talaga kita. Ayus-ayusin mo buhay mo." sabi ko habang umiiyak.

"Ma-mama...tay n-na ak...o't lahat-la-lahat, sasak-ktan mo pa a...ko." sabi niya habang napapangiwi sa sakit.

"NASAAN NA ANG AMBULANSYA?! P*TA!" sigaw ko dahil sa tagal ng aksiyon. Parang pulis lang sa pelikula darating lang kapag patay na yung bida.

"M-mam, wala po kasing available na malapit kaya matatagalan po ng konti." sabi nung lalaking tumawag sa ambulansya. Habang yung isa, halos halikan na iyong lupa sa kakahingi ng tawad.

"Manong, wala pong magagawa ang paghingi niyo ng tawad! Ipalit ko kaya kayo dito sa kaibigan ko ha? Tumigil na kayo at gumawa kayo ng paraan!" sigaw ni Claire habang punong-puno ng luha't sipon ang mukha.

"May sasakyan kayo, ako bakit di na lang natin ihatid?" tanong ko kay Claire pero umiling siya.

"Gustuhin ko man, bawal galawin si Diana." sabi niya at napatingin kay Diana na nahihirapan na.

"Sa'n mo naman yan nalaman?!" naiirita kong tanong.

"Di ka talaga nakikinig sa klase, noong grade 9 tayo tinuro yan."

"Wow! Naalala mo pa yun?"

Mga ilang minuto ay narinig na namin ang nakabubulahaw na ingay ng ambulansya. Kung saan hirap na hirap na si Diana.

"T*ngin*! Napakatagal niyo namang umaksyon! Mamamatay na't lahat-lahat wala pa kayo! Para kayong gobyerno kapag may kalamidad, parang pagong. Nag-aalburoto na yung mga sikmura ng iba nangurakot pa. Imbes na mapakinabangan ng taong bayan, sila ang nakinabang! Kailan kayo magbabago. Jusko naman! Kaya di tayo umuunlad. Pero ng bayan nagiging pera ng may katungkulan." mahabang litanya ko habang ina-angat na si Diana gamit ang stretcher.

"Ma'am, kumalma po kayo." paalala ng isang nurse na dumating.

Matalim ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

Paano kakalma? Sa sobrang tagal baka mapano si Diana!

Nang makarating kami ni Claire sa hospital ay agad akong bumaba sa kotse dala ang selpon at susi, ganoon din si Claire.

Panay tunog ng selpon ko pero hindi ko iyon pinansin dahil di ako mapakali sa mga nangyayari. Pareho lang kami Claire na nakatayo habang dinudungaw ang kwarto kung nasaan si Diana. Panay ang buntong-hininga niya. Pero may mga bagay at pang-yayari na hindi natin inaasahan at hindi natin makokontrol.

"Time of death. 1:09 am."

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon