Chapter 51

49 1 0
                                    

Diana's POV

"Sinabi sa'kin ni Clyf." sabi ni Mama.

"Ma, bakit di sinabi sakin ni Claire?" tanong ko at tinalikuran sila at umakyat sa kwarto ko.

"Phone, phone. Nasan ba yun?" halughog ko sa study table ko at sa cabinet ko.

Nakita ko naman ito na nakacharge kaya agad ko itong tinanggal sa pag kakasaksak.

Dinial ko ang number ni Claire at di nag tagal ay sinagot niya din agad.

"Claire."

"Oh? Bakit, Diana? Nakauwi ka na ba?"

"Oo. May di ka pa ba nasasabi sakin?"

"Tungkol saan"

"Sa pagkamatay ni Papa, kung sino pa ang pumatay kay Papa?" diretsang sabi ko. Nahinto naman siya dahil ramdam ko iyon sa kabilang linya.

"Ah... Kasi, Diana."

"May balak ka bang sabihin sa'kin?" nangunot ang noo ko ng bigla siya tumahimik.

"Diana, kasi kaibigan natin baka nanay niya lang may gawa non—"

"Kahit na, dapat sinabi mo pa rin sa'kin dahil deserve kong malaman ang katotohanan at deserve nila ang kamuhian ko." naiinis na sabi ko.

"Sorry, Diana." binabaan ko siya at naiinis na umupo sa kama.

"Kaya pala." sambit ko ng may mabuo akong mga ideya sa isip ko.

Kaya pala palagi siya humihindi kapag gagala. Kaya pala hindi na niya ako gaanong pinapansin. Kaya pala iwas na siya sa'kin at kay Claire pero dahil alam na ni Claire at ako hindi pa. Kaya pala ganon na lang makatingin si Claire sakanya.

Unti-unting bumabalik ang lahat ng sakit ng pag kawala ni Papa. Hindi naman kami naging masama sa kapwa pero kami yung pinahihirapan. Bakit kung sino pa yung mabubuti sila pa yung nauunang mawala sa mundo? Bakit hindi na lang yung taong mapagmataas at walang alam kundi humila pababa?

Ramdam ko ang pagkibot ng labi ko at pag init ng mga mata ko at kumakawala ang maliit na hikbi. May mga bagay na mahirap tanggapin at mahirap kalimutan. Yun ang alala kung saan nabuo ninyo ng isang tao na nawala man sa tabi mo pero nakaukit pa rin sa puso mo.

Hindi ko namalayan ay nakaidlip na pala ako at nagising sa sigaw sa labas ng kwarto ko.

"Diana! Si Claire 'to!"

"At Jenny!" sigaw nila sa labas ng kwarto ko.

"Bakit kayo nandito?" paos na sabi ko dahil sa kakaiyak.

"Ewan ko ba dito kay Claire at sinama ako—" si Jenny.

"Nandito kami kasi—Sorry." sabi ni Claire at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.

"Bakit ka nag-sosorry? Ay oo! Yan kasi di kasi sinabi, sabi ko naman sayo na sabihin mo na." sabi ni Jenny.

"Ang ingay mo! Si Jenny ka ba o Althea? Hoy, Diana! Papasukin mo nga kami. Nahihintay na kami dito." wala talagang pasensya ang isang 'to.

Matamlay naman akong tumayo sa pag kakahiga at pinagbuksan sila.

"Anyeonghaesayo!" bungad ni Jenny with big smile.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon