Chapter 35

145 5 0
                                    

Diana's POV

Bakasyon na mga kapitbull.. Wala akong magawa kundi makinig ng mga kanta, kumain, magselpon at matulog. Yan lang ang buhay ko sa araw-araw. Ganyan ang buhay ko kapag bakasyon. Yung mga kaibigan ko ayun nag out of town sila. Buti pa sila. Sinama kasi sila ng mga parents nila sa ibang planeta. Charot. Sa ibang bansa lang naman pero at least sila nakakapasyal-pasyal doon.

Napatingin ako sa selpon ko na umilaw at lumabas doon ang epic na picture ni Rosendall. Ibig sabihin siya ang tumatawag.

"Hello Diana!"

"Hello din! Kamusta dyan sa Italy?" Tanong ko kay Rosendall. Nasa Italy siya ngayon. Nakakainggit di'ba? E di sila na.

"Ayos naman dito. You? How are you?"

"Okay naman kaso ang boring dito sa bahay.."

"Maglakad lakad ka kaya! Punta ka kung saan.. Basta't mag iingat ka"

"Susubukan ko."

"Sige bye na! Kailangan ko muna umalis may pupuntahan kami e."

Pagsabi niya non ay inend niya na yung call.

Hindi naman masama kung susubukan ko yung sinabi ni Rosendall di'ba?

I think makakatulong pa yon. Sige I will try. Pero ayoko sa madaming tao.

**
Maghahapon na ng naglalakad-lakad ako. Tinry ko yung sinabi ni Rosendall. Naglalakad lakad lang ako ng may makita akong ice cream. Lumapit ako dito.

"Manong isa po. Cookies and Cream." Nakangiting saad ko.

Naalala ko kasi Charles nung kumain kami ng ice cream. Sino kaya yung sinasabi niyang madhid? Ang tanga naman nung babaeng yun. Walang sense.

"Ito na Ineng" tawag sa akin ni Manong. Binigay niya sakin yung ice cream. Tumalikod na ako at naglakad na papunta sa malapit na park.

*bogsh*

"Yung ice cream..."bulong ko ng makita ko yung ice cream nahulog. Huhuhu. Naiiyak ako.

Sino ba kasing dimunyu ang bumanga sakin?

Nag angat ako ng tingin at tinignan siya.

"Sorry Miss" sabi nito at nag angat siya ng tingin sakin.

"Jacob!"

"Diana!"

"Ikaw nga?!" Sabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Naglalakad lakad lang ako kasama si Kitty" sabi nito. Sinong Kitty??

"Nasaan naman yung kasama mo?" Tanong ko.

"Ah ito oh.. Aso yun.." Turo niya sa hawak niyang tali. At ayun nakita ko yung sinasabi niya.

"Ang weird no? Kitty yung pangalan pero aso. Hahahaha!" Sabi niya.

Siya yung weird, siya yung amo e.

Naglakad naman ako papunta sa swing na malapit samin. Umupo ako don at ganon din si Jacob.

Binigay niya sakin si Kitty. Binuhat ko naman yun at nilagay sa lap ko at pinag laruan.

"Diana.." Napatigil ako sa pakikilaro kay Kitty ng tawagin ako ni Jacob.

"I have a question..." Nakatingin siya sa mata ko ng sabihin niya yun.

"Ano yun?" Tanong ko. Iniwas ko yung tingin ko sakanya. Pinaglaruan ko si Kitty. Dinidilaan niya yung kamay ko.

"Sino yung gusto mo kay Marky at Charles?" Nabigla ako sa sinabi niya. Pero hindi ko pinakita.

"Wala akong gusto dun" buti na lang di ako nautal..

"Don't pretend that you didn't like them because I see in your eyes that your lying." Diretsang sabi nito.

"I'm not lying" pagsisinungaling ko. Sorry God.

"Wag kang magsisinungaling dahil nasasaktan ako kapag tinatanggi mo. Dahil hindi mo ako kayang gustohin tulad ng pagkagusto ko sayo..." Nagulat ako sa sinabi niya. Pero nagpatuloy pa rin siya.

".. Minsan nawawalan ako ng pag-asa kasi kapag nakikita kita kasama ang isa man sa kanila. Nasasaktan ako. Masaya ka. Sinasabi ko sa sarili ko kung ako ba yung nasa tabi mo masaya ka rin kaya?"  Nakita ko na parang naluluha siya kaya tumingin siya sa taas.

Natahimik kami walang nag salita kahit isa.

"Napakatagal na kitang nakikita. Kaso nga lang laging sa malayo. Ayokong lumapit sayo at sabihin ko ang nararamdaman ko kasi natatakot ako na baka ireject mo lang ako. Ayos na sakin yung nakikita ka sa malayo.. Iniisip ko na lang na someday I will be with you. Makakasama rin kita kasi ipaglalaban kita kahit ilan pa ang kalaban ko para sa'yo. Gagawin ko. Diana.. I like you.." Sabi nito at titig na titig sa mata ko. Iniwas ko naman yung tingin. Para kasi akong sinasakal kapag nakikita ko siyang umiiyak. I don't know why?

"Jacob... Alam kong walang masamang mag kagusto ka sakin pero sana wag mo muna ako kulitin na gustuhin rin kita. Ayokong may nakikita akong umiiyak ng dahil sa akin. Ako yung nasasaktan. Dahil hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo..." Sabi ko sakanya pero deep inside naiiyak ako.

"Okay lang kahit wag mo ibigay sakin ngayon. Pero gagawin ko yung lahat para mahulog ka sakin. Kapag nahulog ka sasaluhin kita. Nandito lang ako. Tawagin mo lang pangalan ko at darating na ako." Sabi nito at kinindatan pa ako. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"Sorry talaga Jacob..." Sabi ko.

"Hoy!! Kala mo ha nakalimutan ko na yung ice cream kong nahulog! Palitan mo yun!" Sabi ko at tumayo at naglakad papunta sa direksyon ng tindahan ng ice cream.

May tumulong butil ng luha sa pisnge ko. Naiiyak ako kasi may nasasaktan akong tao. Ng dahil sa aking umiiyak at nahihirapan sila. Pinunasan ko ito nang narinig ko yung tawag ni Jacob.

"Diana! Wait!"

Liningon ko siya. "Bilisan mo nga!" Pag mamaldita ko.


**

"Diana.. Alam mo ba? Lagi kita dati tinitignan sa malayo? Grade 5 pa lang ako nun sabi ko sa driver namin na doon muna kami ng five minutes para tignan ka. Minsan nga nasobrahan sa five minutes kaya one time non napagalitan kami pareho ni Mommy kasi gabi na kami dumating." Sabi niya. Pauwi na kami nag lalakad na kami pauwi hinatid niya kasi. Napaka gentleman niya.

"..Pero okay lang yun kahit ilang beses akong pagalitan ni Mommy wala yun basta makita kita. Makita ko yung ngiti mo..." Dagdag niya.

"Bakit kasi hindi ka nakikipagkaibigan sakin?" Tanong ko.

"Duwag na kung duwag pero ayokong mareject ako o baka awayin mo pa ako mukha ka kasing maldita pero hindi naman pala. Kaya nung nasa garden ako nagulat ako ng makita kita doon. Hindi sana ako magpapakita. Pero naisip ko wala namang masama kung susubukan ko. Kaya ayun nakausap na kita non. Alam mo ba nung gabing yun? Hindi ako nakatulog ng gabing yon. Hahaha ang korny pakinggan pero totoo." Sabi niya. Sa totoo lang gwapo si Jacob. Perfect na nga ata e. Pero ewan ko hindi ako makaramdam ng spark e.

Tahimik lang kami ng makarating kami sa bahay hindi na ako nagsalita baka kasi pagod na si Jacob kakadaldal.

"Diana.. Wag mong mahalin ang isa kay Marky at Charles dahil pagsisisihan mo lang yan. Baka yang pagmamahal magiging galit yan" sabi ni Jacob. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo tsaka tumalikod at naglakad na palayo.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon