Chapter 33

162 3 0
                                    

Diana's POV

"Hahahaha!"

"Ito pa... Anong sapatos ang matamis?" Tanong ni Jacob. Nag jojoke daw siya.

"Ano?" Walang ganang tanong ko.

"Eh di SHOE-GAR!!! Hahaha!"

"Nakakatawa ka! Hahaha!" Sabi ko in sarcastic way.

"Ang korny ng joke mo!" Dagdag ko pa.

"Who are you?" Nagulat ako nang makita ko si Charles. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Chill pre.. Friend ako ni Diana" sabi ni Jacob.

"Ano ba Charles?! Bitawan mo yung kamay ko!" Sigaw ko sakanya. Galit pa ako sa kanya no!

Hinila niya ako palabas sa garden at iniwan si Jacob. Nilingon ko siya at tumango lang siya.

"Ano ba?! Bitawan mo'ko!!" Sabi ko. Pero di niya pa rin ako pinapansin.

"Di mo ba narinig? Time na kanina pa!" Inis na sabi niya. Tsaka niya na binitawan yung kamay ko.

"Hala! Time na ba?! Bakit di ko narinig?!" Gulat na gulat na sabi ko.

HALA! TIME NA PALA!

Bakit di ko narinig?

"Oo kanina pa kita hinahanap. Kung saan ka bang lupalop pumunta.."

Ngumiti naman ako at nagpeace sign. "Sorry" sabi ko sabay puppy eyes.

Nakatulala lang siya.

"Hoy Charles!"

Di pa rin.

"Charles!"

Nyare sa kanya?

"CHARLES JAMES GONZALES!!!" Sigaw ko sa kanya.

"B-bakit ka ba sumisigaw?" Nauutal na sabi niya. Tss.

"Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka lang diyan. Na inlove ka ata sa kagandahan ko no?" Biro ko sakanya.

"Oo!" Sagot niya na ikinagulat ko.

"H-ha?"

"I-I mean oo kanina pa time.. " sabi niya sabay kamot sa batok niya.

Buti naman. Akala ko ano na eh..

"Ihatid na kita sa room niyo"

"Sige!" Nakangiting sabi ko.

"Bakit kaya di ko narinig yung bell kanina?" Tanong ko.

Aish! Nababaliw ako sa kakaisip.

"Busy ka kasi makipag usap dun sa gunggong na yon" sagot ni Charles. Pero di ko narinig.

"Ano yun? May sinasabi ka?" Inosenteng tanong ko.

"Ahh.. Wala..sabi ko halika na baka late na late ka na sa filipino niyo" sabay hila sakin.

Bat alam niyang Filipino yung subject namin ngayon?

"Wait! Wait! Bakit alam mong Filipino subject namin ngayon?" Huminto naman siya sa paghila sakin.

"A-ah basta! Wala ka na don" at naunang mag lakad papunta room tapos ako naiwan.

"Nyare dun?" Bulong ko sa sarili.

"HOY!WAG KA NANG MAG BULONG BULONG DIYAN! BILISAN MO NA!" Wow! As in W O W. Narinig niya yun? Lakas ng pandinig niya ha...

Tumakbo naman ako papalapit sa kanya.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon