Chapter 29

182 6 0
                                    

Diana's POV

"Talagang pare- pareho pa kayo nang dahilan! Magkakaibigan talaga kayo..Hahahaha" sabi ko. Pano ba naman? Yung mga kaibigan ni Charles yung Darryl, Angelo at Jaden daw yung sunod nang sunod sakanila. Yung isa daw nasipa yung ano, yung isa nasuntok, yung isa nabalian ng buto sa braso pero buti di natuluyan. Ang bubrutal talaga nang mga kaibigan ko. Buti pa si Sandra at Rosendall hindi yun pinoproblema. Close na si Sandra dun sa kaibigan ni Charles si Lance ata pangalan nun eh... Basta!

"HAHAHAHA. Kaya pala kung makatingin sakin yung nurse sa clinic eh parang may gustong itanong kaso sinungitan ko. HAHAHAHA" tawang tawang sabi ni Claire.

"Nahulog sa puno HAHAHAHA tangina" Althea.

"HAHAHAHAHA!"

At nag apir apir pa ang tatlo. Aba! Iba na may sayad na... Pero mas okay na ang may sayad kesa sa mainit ang ulo. Kala mo laging meron.

Nakabalik na kami sa room ngayon at wala pa ring teacher. Mas okay pa. Kaya maingay kami.

"HOY WAG NGA KAYONG MAINGAY! MAY NAGKAKLASE SA KABILA!" sigaw nang Vice President naming si Eduard.

Bahala kayo dyan! Basta kami dito masaya!

"Ok lang yan bahala sila! Kasalanan nila kung bakit sila naka room diyan!" Sigaw naman ng kaklase kong mga baliw.

"Tss.." napatingin naman ako kung sino yung nag 'tss'. Wala iba kundi si... Si Marky. Oo si Marky. Umiinit ulo ko katabi niya kasi si Jho. Dinagdagan yung upuan sa dulo kaya walo na yung upuan namin dito sa linya. Sakit sa mata!

Ba't ba ako nagagalit?

'Nagseselos ka kasi'

Hala! Anong selos selos?! Hindi ako nagseselos no! FYI sino ako para mag selos!?

'Ba't ka defensive?'

"SHUT UP!" Nasapo ko na lang ang bibig ko nang nasigaw ko ang laman nang nasa utak ko. Kaya pagtingin ko sa paligid ko. Natigilan yung iba, yung iba nakatingin sa akin. Anong nagawa ko?

"S-sorry! Sige Go lang! Hindi kayo ang sinasabihan ko!" Phew! Napabuntong hininga naman ako. Kinabahan ako dun ah..

Tinignan ko naman yung mga kaibigan ko. Opss.. Iba yung ngiti eh abot tenga except kay Sandra. Nag seselpon siya. Lagi naman yang busy sa selpon eh... Ewan ko kung ano ginagawa baka nanonood ng performance ng SEVENTEEN! Oh my god si Mingyu melabs..

"Anong iniisip natin dyan Diana?" tanong ni Rosendall na may abot tengang ngiti. Pambihira! Ayan nanaman sila!

"Wala lang yun!" Pagsisinungaling ko. Ramdam ko na nakatingin sakin sina Marky at Jho. Lakas ng pakiramdam ko noh? Since birth na yan... Charot..

"May hindi ka sinasabi!" Pangkukulit ni Jenny. Ahh naalala ko tuloy yung laro naming truth or dare. Yung kay Sandra. Nang sinabi niya kasi yun bigla na lang siya tumakbo palabas nang room. Bumalik naman siya kaso hindi na niya kami pinansin kaya kinausap namin siya na okay lang yun.. Nagulat ako at parang may konting inis na naramdaman. Ewan ko kung bakit?. Pero kaibigan pa rin namin siya

"Ikaw ah! Sabihin mo na yan! Spill it! Magkakaibigan tayo dito!" Sabi ni Claire este sigaw. Lakas nang loob makasigaw ah..

"Walang lang yun noh!! Jusmiyo mari—"

"HOY KAYO! ALAM NIYO BANG MAY NAGKAKLASE SA KABILA! DIBA CREAM SECTION KAYO? YOU ARE THE ONE OF THE HIGHEST SECTION BUT YOU'RE ACTING LIKE LOWER SECTION! KALA KO BA MATATALINO KAYO? NASAN YUNG MGA UTAK NIYO NASA PAA? MAGKAROON NAMAN KAYO NANG KONTING RESPETO!" galit na galit na sigaw ni Ma'am Cortez. Natahimik naman kaming lahat. Paktay tayo dyan! Sermon nanaman pagkatapos nito kay Sir naman. Hay buhay!

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon