Chapter 31

160 7 0
                                    

Diana's POV

Ngayong araw na ang competition. Kasalukuyan ako nag aayos ng mga dadalhin ko. Tinext sakin ni Charles na sa school lang daw namin gaganapin.. Kaya sigurado akong crowded 'yun mamaya. Malaki ang space nang school namin pati na rin yung covered court.. Balita ko kasi madaming school ang sumali... Goodluck na lang sa’min..

Lumabas na ako sa bahay. Nagpaalam na ako kay Manang.. Si Ash kasi pumasok na...

Pagkalabas ko nagulat ako nang makita ko si Charles at Marky mu'ka silang nag aaway..

"Ako na ang maghahatid sa'kanya!" Sigaw ni Charles..

Ako ba pinag-aawayan nila?

'Wag feelingera'

Eh di wag! Psh. Dito pa talaga nag away.. Magkaibigan sila pero parang hindi. Magkaibigan ba talaga sila?

"Anong ginagawa niyo? Bakit kayo nag-aaway?" Napatingin naman silang dalawa at pareho di'ng nag iwas ng tingin.

"Susunduin ka sana..." Sabay na sabi nila. Napakunot naman ang noo ko nang mag tinginan sila nang masama.

"Sakin kana sumabay Diana.." Aya ni Charles..

"Sakin ka na lang sumabay" napatingin naman ako kay Marky dahil sa sinabi niya. Nagtataka ako kung bakit siya nandito eh hindi niya nga ko pinapansin sa school tapos ngayon nandito siya! Hustiya naman! Char.. Hahaha

Kung sasakay ako kay Charles sigurado kukulitin ako nang kukulitin niyan. Kapag kay Marky naman magiging awkward lang sa loob ng sasakyan niya. Wala ring magsasalita for sure...

"Sasabay na lang ako kay Charles" saad ko.

"Yes!" Sigaw niya may nalalaman pang pasuntok-suntok sa hangin. Childish masyado. Tumalikod naman na si Marky at sumakay sa kotse niya at pinaharurot..

"Nyare dun?" Tanong ko kay Charles pero nagkibit balikat lang siya...

Pinag-buksan naman ako ni Charles kaya naupo na ako sa passenger seat...

Habang nasa biyahe ay tahimik lang dahil nakatutok lang si Charles sa pag da-drive..

"Anong oras magsisimula yung competition?" Basag ko sa katahimikan..

"Mamayang 1:00 pm ang simula." Sagot niya.. Bakit parang badtrip siya ngayon? Kanina hindi naman... Hayss.. May mga topak talaga.

Wala nang umimik hanggang makarating kami sa Clifford Highschool. Pinag-buksan niya lang ako.

"Akin na yang dala mo" turo niya sa malaking paper bag na dala ko nandun kasi yung susuotin ko.

"Wag na." Pagtanggi ko.. Nasa'n kaya yung susuotin niya? Dala niya ba? Wag ka na nga mag isip niyan Diana.. Malamang dala niya yun no..

"Ako na" seryosong sabi niya.

"Wag na.."

"Ako na!" May halong inis na sabi niya. Ang cute talaga niya kapag naiinis.

Binigay ko na yung paper bag baka kasi masuntok pa ako.. Badtrip siya ngayon..

Habang naglalakad kami ay napansin kong naandito rin yung Clifford College... College department nang Clifford University.. Kami kasi Highschool sina Ash Clifford Elementary.. Elementary department sila..

Balik tayo sa kinukuwento ko kanina. So... Ayun nga madaming mga tiga ibang school.. Nakikita ko ang uniform ng Sta. Marillac University.. Private sila.. Mga sosyal ang mga nag aaral diyan.. Uniform ng Lewis University private din.. At marami pang iba..

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon