Chapter 15

228 8 0
                                    


Marky's POV

Ang sakit. Alam niyo yun feeling na malapit lang siya sayo pero parang ang layo niyo sa isa't isa. Nag seselos ako. Lahat ng ginawa nila kanina nasaksihan ko. Habang pinapanood ko sila para may tumutusok sa puso ko. Lalaki ako pero naluluha ako. Pero wala akong karapatan mag selos walang kami 'kaibigan' niya lang ako.

Nakarating kami sa aming pangatlong destinasyon at dito na rin kami tutuloy isang resort. Ang ganda ng view pero para akong lalagnatin..

Gabi na rin at mag lalaro pa daw kami. Kaya pumunta ako sa may cottage dahil nandoon sila.

"Okay guys.. Kailangan natin ng 3 members sa isang grupo. Nandito ang listahan"turo niya sa may wall at may nakasikit doong papel..

Diana
Charles
Marky

Sila? Sila ang ka grupo ko? Nakita ko sila sa may gilid kaya lumapit ako pero hindi sila pinansin. Nakuha ko naman ang atensyon nila.

"Kagrupo ka namin diba?" Tanong ni Diana. Tumango lang ako. Ba't sila pa yung nakagrupo ko tadhana nga naman gusto ata kami pag awayin ng kapatid ko..

Pinasadahan lang ako ng tingin ng kapatid ko. Dati close na close kami pero nawala lang yun dahil sa isang kagimbal gimbal na pang yayari. Ayoko nang balikan.

"ANG UNA NATING LARO AY FIND THE FLAG! HAHANAPIN NIYO YUNG FLAG.. PAG NAHANAP NIYO YUN BUMALIK KAYO DITO AT PINDUTIN ITONG BUZZER" paliwanag ng nag oorganize ng games.

Diana's POV

Nag lalakad lakad lang kami para hanapin ang flag..

Bigla namang huminto si Marky sa unahan ko. Nakatalikod siya at naka bend ang tuhod.

"Pagod ka na ata Diana sakay na lang kita. Hindi ako mapapagod basta't kasama kita" napangiwi ako sa ka cheese-han niya.

"Dito na lang Diana. Sisiguraduhin kong comportable ka... Kapag dito ka sakin hindi ka masasaktan" Eh? Kailang pa sila naging korny?

Ba't di ako na inform?

"Ano ba kayo hindi pa naman ako pagod!" Pero sa totoo an sakit na nang paa ko. Ayoko lang pumili sa kanila magiging unfair ako.

Bumagsak ang balikat nilang dalawa at parang walang buhay na nag lakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

May kinuhang bulaklak si Charles at nilagay sa sa tenga ko.

"Alam mo mas maganda ka pa sa bulaklak... Tingnan mo para kang diyosa na bumaba sa lupa" Haist. Ang weird naman nila. Anong nakain nila?

Hinarap naman ako ni Marky.

"Nung pinanganak ka ata doon na buhay at gumanda ang mga bulaklak kasi ikaw ang reyna nila" sabi niya. Eh?

Shit. Kailangan ko na ba mag tawag nang doctor iba na ang tama nitong dalawa. Kahit hindi naman nakainom.

Pero kinikilig naman eke.... Wahhhhh... Shemay kayo...

Stop it Diana. Kailangan niyong mahanap ang flag.

Sa pangalawang pag kakataon ay bumagsak nanaman ang kanilang balikat.

Nag lakad ulit kami.

"Ayon oh! Nasa may puno!" Turo ko sa may puno. Mataas yun at mahirap akyatin. Tinignan ko silang dalawa na nakatingin parin sa may flag.

Hindi naman sila marunong umakyat. Lalo naman ako. Pero sino kukuha?

"Ako ang kukuha para sayo Diana" sabi ni Marky.

Baliw na ba siya? Pano kung mahulog siya?

"Ako! Ako na lang para sa iyo binibini" Shit. Naging makata na siya.

Tinignan ko sila. Handa na silang umakyat pero pinigilan ko sila.

Ako ang sumalampak sa puno buti naka PE pants ako..

Nakita ko ang pag kagulat nila. Kahit nahihirapan ay umakyat pa rin ako. Nakuha ko ang flag. Pero pagkatapak ko isang kahoy bigla itong nasira sa karupukan.

"Wahhh!" Nahulog ako at buti na lang ay alerto ang dalawa. Nasalo nila ako. Nakakahiya. Ang lampa ko.

"Okay ka lang?"

"May masakit ba?"

"Saan?"

"Kailangan na ba ng doctor?"

"Tatawag na ba ako ng medic?"

Palipat lipat lang ang tingin ko sakanila. OA nila.

"Okay lang ako. Walang masakit. Hindi na kailangan ng doctor o medic!" Sabi ko.

Kinuha ko ang flag.

"Ano bang nangyayari sa inyo?" Natatawang saad ko.

Baliw na ba sila. Hindi nga ako nadikit man lang sa lupa eh..

"Bilisan na natin!" Saad ko at tumalikod na ako. Sumunod naman silang dalawa.




Nakarating kami sa may buzzer at agad kong itong pinindot. Sakto naman ay nag sidatingan sila at may dalang flag.

"Tayo ang nanalo!!" Sabi ko at nag tatalon talon ako sabay yakap sakanila. Nakita ko naman ang pag kailang nila kaya agad ko silang binitawan..

Natapos ang laro namin at nag tayo na kami ng tent. Si Claire at Jenny ang kasama ko sa tent.

"Uy... Kwento ka anong nangyari kanina?" Sabi ni Jenny.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari at kilig na kilig sila. Kada salita ko mag titili ang dalawa. Kaya nakukurot at nababatukan ko sila. Baka kung may makarinig sami. Gabi na at natutulog na ang iba. Tas itong dalawa kilig na kilig may hampas pang kasama.

"Sinabi nila yon!?" Tanong ni Claire.

"Hahahaha. Iba ka Diana! Habang ng buhok mo donate mo naman sa mga cancer patients para mag karoon sila nang buhok. Kailangan nila yan!" Tatawa tawang sabi ni Jenny.

"G*go pati cancer patients dinadamay niyo. Pero Oo seryoso sinabi nila yun" ako.

Pinalo palo naman nila ako nang unan. Kaya ginantihan ko sila. Pillow fight.

"STOP!"  sabi ni Claire.

"Taray ah" kumento ni Jenny.

Nag eenglish na.

Hingal na hingal ako. Malaki laki naman kasi tong tent na dala namin..

"Hala naiimagine ko tuloy kung ano itsura ni Diana nung umakyat sa puno HAHAHA" g*go. Pinag titripan na naman ako.

"Baka nag mumukhang unggoy! HAHAHAHA"

"Baka ma turn off sayo yung dalawa. Kasi mukha kang unggoy kanina!" Sabi ni Claire at nag apir pa sila. Ang sama talaga nitong dalawa.

"Hahahaha! Ala nang love life!"

Sino kaya samin ang walang love life. Makapag salita parang sila meron.

"Sinong walang love life?!"

"DIANA!!" pang aasar nila.

"Ang kakawawang bata! Walang lablayp walang boy prend!" sabay na kanta nila. Hiyang hiya ah.

"Ang kawawang bata!!"

"Tumigil nga kayo! Papangit boses niyo!" Sa totoo maganda naman boses nila pero kung kakanta lang naman sila para asarin ako wag na lang...

"Ang kawawang bata.. Walang lablayp walang boyprend" kanta nila at tinaas pa ang kamay at sini sway sway pa yung kamay.

"Tumigil na nga kayo matulog na tayo!"suway ko sa kanila.

Sumunod naman sila pero rinig ko pa ang hagikhik nila. Pinikit ko na lang ang mata ko at natulog na may ngiti sa labi.

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon