Ito naman ay flashback noong Grade 10 sila.
Diana's POV
Malapit na bakasyon at mag eend na ang buhay Junior Highschool namin. Mag sisimula na ang stresssss. Madaming projectssss.
"Nagsawa na ata yung teachers natin magturo satin kasi wala ng sumusulpot." tulalang sabi ni Claire.
Totoo, kasi patapos na ang school year hindi na nagtuturo pero I'm sure marami silang ginagawa. Baka ginagawa nila yung cards namin.
"Anong plano niyo sa senior high school?" tanong ko.
"Ako feeling ko HUMSS kasi yung pagiging police nakapaloob siya doon." Paliwanag ni Claire.
"Bakit ka nagagalit?" Natatawang biro ni Althea.
"Aray!" himutok ni Althea, binatukan kasi siya ni Claire.
"Masakit?" pang-aasar naman ni Sandra.
"HAHAHAHAHA." tawa nina Jenny at Rosendall.
"Lilipat ako ngayong Senior High guys..." biglang sabi ni Rosendall.
"Bakit?" sabay-sabay na tanong namin.
"...pero pipilitin ko si Mamey na dito ako sa college." nakangiting sabi niya.
"Aw. Mamimiss ka namin." naiiyak na sabi ni Sandra at niyakap si Rosendall.
"Pa'no na si Xander?" natatawa-naiiyak na sabi ni Althea at lumapit din para yakapin si Rosendall pero pinalo lang siya.
"Baka sumunod nga yun e." sabi ni Rosendall na parang kilig na kilig pa.
"Diana! Manliligaw mo!" biglang sigaw ni Althea. Napatingin ako sa pinto at nakita doon si Charles.
Napangiti lang ako. Dati pinapangarap ko lang to ngayon pinapangarap niy na ako. Chos.
Pumunta ako pinto. "Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ko.
"Para mapasagot ka." seryosong sabi niya. Napatigil naman ako at parang nawalan ng hangin sa paligid ko.
"Kita na lang tayo mamaya." sabi ko. Nahihiya kasi ako. Ano ba isasagot ko?
"Sige. Bye!" kumaway lang ako.
Bumalik ako sa upuan ko at ang tingin ng mga kaibigan ko ay parang nang-aasar.
"Sinagot mo na ba?" malikot na sabi ni Althea. Parang siya ata kinikilig, hindi ako.
"Hindi pa." sagot ko.
"So, may plano? Hindi pa." tanong ni Jenny.
Nagkibit-balikat lang ako." Ewan." nalilitong sabi ko.
"Wow! Wow! Choosy ka pa inday! Lumalapit na yung grasya! Tukain mo na!" sigaw ni Claire. Wild din to talaga minsan.
"Grabe! Isang taon na yan nanliligaw. Kung ako lang yan kami na niyan." pang-aasar ni Rosendall.
Matapos ang paninisi at pang-aalispusta nila sakin. Charot. Nandito na ako ngayon sa labas, papunta na ako sa gate ng school. Tanaw ko na rin ang kumikinang na mukha ni Charles. Hindi naman siya oily, charot charot lang yung kumikinang.
"Diana!" tawag niya saakin ng nakangiti.
"Oy C-charles! Tara coffee." aya ko.
"Dapat ako nag-aaya sayo. Pero sige tara." nagpapacute niyang sabi.
Habang naglalakad ay nagkukwento siya sa buhay niya.
"Ito may sasabihin ako sayo, wag kang magagalit ha." tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Highschool Life
RandomAko si Diana Alfonso isang ordinaryong istudyante sa Clifford Highschool. Hindi ako famous ordinaryo lang may 5 baliw na bestfriends at may 1 nakikipag friend na magiging best friend ko rin at may 1 hottie crush.... Pano kung isang araw mapansin ako...