Kabanata I: Ang Simula

479 65 106
                                    












Kabanata I: Ang Simula




---



Makulimlim ang langit at tila ba nagbabadyang bumuhos ang luha nito, luhang hahalik sa kalupaan tulad ng aking luha mula sa pagtangis. At matutuyo sa aking pisngi na walang pumapawi. Ako'y nahihiga sa isang mahabang upuan at nakatingin sa kalangitan, huwag naman sanang lumuha ka pagkat wala akong dalang pananggalang ngayon.




"Bai, tumatawag ang inyong amang Rajah."



Binasag ko na ang telepon ko noong nakaraan ah! Heto na naman ang mahilig sa babae kong ama, naupo ako at tumayo mula sa pagkakahiga atsaka kinuha ang cellphone sa sandig.



"Hindi ba't nabanggit ko na sa inyong mga sandig ng aking amang Rajah, na huwag kayong paparito lalo na't ganyan ang inyong kasuotan!"



Suot niya ang isang itim na amerikana, na hindi ko ibig makita!



"P-paumanhin, Bai"



Itinapat ko ang telepono sa aking kanang tainga.




"Hello? Tapos? Wala akong pakialam sige lang! Kung maaari lamang ako'y nasa paaralan tsk! Sinabi ko na sa inyo na huwag niyo ako gagambalain kapag ako'y nasa paaralan, at ang pang huli! Huwag niyong gamitin ang teleponong selular ng Amang Rajah!" Sabay baba ko sa tawag.




Naiinis talaga 'ko kapag kausap ko ang nakatatanda kong kapatid na babae.




Nais niyang humingi ng salapi at card ko ang kanyang gagamitin. Wala naman suliranin sa akin na manghingi sila ng pera, ang hindi ko lang naman gusto ay ginagamit nila ang telepono ng Amang Rajah. Para lamang sagutin ko sila, hindi ko maunawaan ang kapatid kong nakatatandang babae. Siya'y may pera naman, sa akin pa manghihingi.




"Itapon mo!" Utos ko sa mandirigma.



"B-Bai?"




"Ang sabi ko ay itapon mo iyang telepono."




At lumakad ako palayo sa kanya, ayoko nang mahabang paliwanagan. Naiinip ako, kapag sinabi ko, sinabi ko! Kapag inutos ko marapat na sundin agad, sapagkat kung hindi— ay ako mismo ang siyang gagawa ng aking inutos.




"Bai, hindi maaari na itapon itong telepono." Nakuha pa talagang habulin ako ng sandig na ito.




"At bakit hindi? Itapon mo iyan sapagkat utos ko!"




"Bai, hindi talaga maaari! Cellphone ko ito eh!"




Oo nga naman! Telepono niya nga naman iyon, atsaka lumakad na ako palayo.




Bakit ba narito ang mga sandig ng aking amang Rajah? Tsk! Nagkasundo na kami noon, halos itaya ko ang aking buhay upang makuha ang nais ko. Pagkatapos kong sundin lahat ng gusto niya ay magagawa ko na ang lahat ng ibigin ko. Isa na nga roon ang mag-aral ako sa isang pampublikong paaralan, at nasa usapan din namin na kapag nag-aral na ako rito ay hindi na niya ako pababantayan pa sa kanyang mga sandig.




Hindi ko gustong binabantayan ako, labing-anim na taon na 'ko, hindi na ako paslit upang bantayan pa— iyong may nagbibitbit ng bag at sisidlan ng makakain.




Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon