Kabanata XXV: Ang Pakilamerang Dayang

106 33 15
                                    








Kabanata XXV: Ang Pakilamerang Dayang




--




Huadelein's PoV



Nang marinig ko ang mga sinambit ng aking Amang Rajah ay nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya. Nakasilip lamang ako sa kanila, nais ko sanang lumabas sa pader kung saan ako ay nagkukubli-- ngunit kung gagawin ko iyon, at lalantad ako ngayon sa aking ama ay wala rin naman mangyayari, mainam pang magtungo na lamang ako sa sasakyan at umuwi ng balay. Nais ko man magalit ngunit para saan pa?







Ginoong Isagani's PoV


Wala akong ibang inisip kundi kapakanan at ikasisiya ng aking kapatid na Bai, ngunit ang aming Baba ay hindi ito lubos na nauunawaan.


"Paumanhin mga sandig ng aking kapatid na Bai, kung tayo ay nasinghalan ng aking Baba," aking paghingi ng paumanhin.


Kami ngayon ay nasa tapat na ng kanilang sasakyan, at napansin ko ang aking kapatid na si Huada na nakaupo na sa loob nito.


"Ayos lamang iyon Ginoo" ani ni Tres.


"Baka isipin niyo na masama ang aking Baba, ganoon lamang talaga siya kapag patungkol sa kanyang mga anak na Bai, matigas ito ngunit mabuti pa rin siyang Amang Rajah," aking saad.


"Batid namin iyan, Ginoo," tugon ni Azerine.


"Hindi naman Ginoo, ang mahalaga ay sinubukan natin," ani pa ni Jace.


"Pinahanga niyo ako Ginoong Jace at Ginoong Tres, tunay kayong mga sandig at maisog sapagkat nagawa niyong humarap sa aking Baba at magmungkahi, hindi man tayo nagtagumpay na kumbinsihin ang aking Baba-- ay napatunayan niyo naman na karapat-dapat kayo na tawaging mga sandig ng aking Bai, kaya ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyo mga Ginoo," aking papuri sa kanila at pasasalamat. At ako'y nakipagkamay sa kanila.


"Walang anuman Ginoo, alang-alang sa aming Bai walang problema," wika ni Jace.


"Oo tama, basta para sa aming Bai," ani pa ni Tres.


"Kung gayon ay hanggang sa muli mga Ginoo Jace, Tres, Azerine, Hope at Winston patnubayan kayo ni Aba at ng mga diwata," aking paalam.


"Hanggang sa muli Ginoo," wika ni Winston.


"Mauuna na kami Ginoo," saad ni Hope.


"Aalis na kami Ginoo," paalam ni Jace.


Sumakay na sila nang kanilang sasakyan ngunit bago pa sila tuluyang lumisan ay kinausap ko muna ang aking kapatid, ibinaba nito ang salaming bintana-- bakas sa kanyang mukha ang walang tuwa, kung ibang tao lamang ako ay iisipin kong walang emosyon ito.


"Paumanhin, Huada. Bigo kami na kumbinsihin ang ating Baba," aking wika.


"Hindi mo ito kasalanan Ubo Isagani, ito'y pasya ng ating ama na walang sinuman ang makababali," tugon nito sa akin.


"Mag-ingat kayo, at mag-ingat ka sa mga kaaway aking kapatid na Bai,"


"Maging ikaw man Ubo Isagani, hanggang sa muli nating pagkikita," paalam niya.


At itinaas na ang bintana, at sila'y lumisan na.








Huadelein's PoV


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon