Kabanata XXX: Taya

108 24 23
                                    









Kabanata XXX: Taya




--




Dos's PoV



Tumakbo siya papunta sa'kin at niyakap ako.


"Taya ka..." Aniya, na parang nag-iba ang tono niya.


Kumawala ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya at tiningnan ito sa mga mata, napansin kong malungkot ito. Bakit naman kaya biglang naging malungkot 'to? Naglalaro lang naman kami ng habulan tapos biglang naging malungkot?


"May problema ba Huadelein? Bakit nag iba bigla ang tono mo?" Tanong ko, sa kanya dahil nag-aalala na 'ko hinawakan ko ang mga kamay niya para kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya.


"Aking Ginoo... " Wika nitong nangingilid ang mga luha, at sa unang pagkakataon ay tinawag niya kong Ginoo.


"Sa akin ka lamang tumingin..." Wika nito sa'kin.


Teka sandali! Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? May nagawa ba 'ko? Bakit parang maiiyak siya? Ano bang nangyayari sa kanya? Tang*na!


Bumitiw siya sa kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.


Nakita kong tumulo ang butil ng luha niya, at naramdaman kong parang may mga taong lumalapit sa likuran ko.


"Huadelein ano ba nangyayari?" Tanong ko.


Sunud-sunod na patak ng luha niya ang tumulo sa pisngi niya at hinawi ko naman agad, inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin na merong mga lalaking nakasuot ng tuxedo na nakapalibot sa amin.


Ano ba 'to mga tauhan ba 'to ng fiance niya?


"Aking sandig, sa akin ka lamang tumingin pakiusap..." Wika nito habang umaagos ang mga luha sa pisngi niya, nabaling uli ang paningin ko sa kanya at nakahawak pa rin siya sa magkabilang pisngi ko at parang pinipigilan ako nito na lumingon sa ibang direksyon.


"Oo, sige Huadelein, basta sabihin mo sa'kin kung ano ang nangyayari huh," wika ko na may paglalambing at hinawakan ang mga kamay nito na nasa pisngi ko.


"Aking Ginoo... Nais kong lisanin mo ang lugar na ito..." Aniya na halos mamaos dahil sa pagluha niya, hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako sa sinasabi niya tang*na naman! Sino ba kasi ang mga taong nasa paligid namin ngayon?


"Huadelein, di ba may tiwala ka sa'kin? Huadelein kaya ko sila," sabi ko.


Umiling ito atsaka tumugon.


"May tiwala ako sayo aking sandig, ngunit ngayon ay nais ko hingiin ang iyong tiwala," tugon nito na patuloy pa rin lumuluha.


Ano bang ibig niyang sabihin?


"Huadelein, anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.


"Ang nais ko ay lisanin mo ang lugar na ito," sagot nito muli.


"Ano hindi ako lalaban? Tatakbuhan ko na lang ba sila ganoon ba 'yon? Ganoon ba 'yon Huadelein huh?" Sunud-sunod na tanong ko. Hindi ko gusto ang ideya niya na tumakbo na lang! At iwan siya! Kahit kailan wala pa kong inatrasan na rumble.


"Ito ang makabubuti ngayon aking Ginoo, kung kaya't magtiwala ka na lamang sa akin," wika niyang nangangatal ang boses.


"Hindi! --Hindi Huadelein! Hindi ko sila aatrasan!"


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon